he's being weird lately...

14.9K 221 9
                                    

~Emma's POV~

 ASAR na asar si Emma kay Alex nitong nagdaang dalawang linggo. Pano ba naman kasi simula ng araw na nakatanggap siya ng bulaklak na ibinigay niya sa iba ay ginawa siya nitong alipin. Pianbibinili siya ng breakfast sa umaga, magdidikta ng mga kailangan ipagawa sa kanya at kung anu-an pa. Nakakaasar pero walang magawa dahil kailangan ipakita dito na di siya apektado sa nangyari sa kanila. Ang pinakakinaiinisan niya ay bigla nalang itong magsasabi ng kung anu-ano na hindi ko naman maintindihan. Katulad ngayon na andito kami sa loob ng opisina niya. Kumukuha ako ng notes habang nagdidikta siya ng biglan siyang my sinabi na parang “te lamur do ma vi”. Napatingin ako sa kanya, “Ano ulit yung tela mo? Di ko yun nakuha eh.” tanong ko baka kasi mali lang dinig ko.

“Ah wala.” sagot niya taos nagpatuloy na siyng magdikta uli.

Ang weird kasi parang narinig ko na yung mga katagang yun dati sa france si lang ako sigurado. Kahit naman kasi nagstay ako sa france ng apat na taon eh hindi ako fluent sa French. Yung mga simpleng words at sentences lang alam ko, yung para lang maka-communicate sa kanila kahit papano. Pero isa pa sa rason kung bakit di siya nagagalit ng sobra ay dahil hindi ito tumitigil sa pagbigay ng blue tulips sa kanya tuwing umaga. Tapos may note pa kaso di ko naman maintindihan dahil French din ata eh. Nakakaintindi lang ako ng konti kung binibigkas ano pa kaya kung binabasa, di wala na talaga. Tanga lang eh noh.

Minsan gusto ko na siyang sakalin kasi ang sweet ng gesture niya pagdating ko tapos bigla aalilain ako boung araw. Palabas na ako ng opisina niya ng bigla siyang may sinabi. As usual hindi ko na naman naitindihan.

“twah ay mwah, saw nuh shawn-juh-rah jah-may. zhuh tem duh too mohn cuhr.”

napalingon ako sa kanya. Para kasing kinikiliti yung puso sa sinabi niya. Parang ang sweet kasi nung pagkakabigkas niya. Tinitigan ko siya pero ngumiti lang siya. Halos tumalon yung puso ko.

Naku naman! Wag mo kong ngingitian ng ganyan dahil baka mahalikan kita ng wala sa oras. Paano ba naman kasi ang gwapo ni ungas. Hmp!

Kaya bago pa siya makagaya ng kababalaghan eh lumabas na lang siya ng kwarto.

“Grabe gusto ata ako nitong patayin. Jusko ayoko pa no. hindi pa ako uugod-ugod para magpahinga habang buhay.” sabi niya sa sarii pagkasara niya ng pinto ng opisina nito. “makabalik na nga sa trabaho.”

~Alex's POV~

DALAWANG linggo na ang lumipas pagkatapos ng malaman kong may anak ako kay Emma. Pumupunta ko sa kanila paminsan-minsan para maging pamilyar sa akin muna si Lex para di na man magulantang yung bata pagsinabi na namin na ako ang tunay niyang ama.

Araw-araw ko ring binibigyan si Emma ng Tulips na may note. French nga lang kasi di niya tinatapon yung note eh. Panoo ko nalaman? Simple lang...

Ito ang ikalang araw ko na magbibigay ng tulip sa kanya kaso ngalang nainis ako ng konti dahil tinapon niya lang yung note tas ibinigay p[a sa iba yung tulip kaya pinagtripan ko siya ngayon. Dahil alam ko na di nakakaintindi ng malalalim na French si Emma eh yun ang ginamit ko.

Mon ange aimé,

Je t'aime tellement...

Alex

Nang dumating si Emma at nakita niya yung flower at note eh kinuha nito at binasa ang nakalagay. Nung una kinabahan ako dahil baka itapon niya lang kasi nakita kong kumunot yun ulo niya pero napangiti ako ng wala sa oras dahil bigla siyang ngumiti at umiling. Nagpalinga-linga pa nga siya para masiguro na walang nakatingin pagtapos nun ay binuksan nito ang drawer at inilagay yun note sa isang blue na box. Kaya pagkatapos noon eh palaging French ang nakasulat bahala na kung di niya maintindihan at least tinatago niya di tinatapon.

Nandito ngayon si Emma sa opisina ko para mag-take down ng mga gusto kong ipagawa sa kanya.nakaupo siya sa harap ko tapos nakayuko di man lang siya tumingin kahit isang beses kaya dinistract ko siya ng bigla kong isinigit ang mga katagang, “T'es l'amour de ma vie.”

napatingin siya sakin at nagtanong, “Ano ulit yung tela mo? Di ko yun nakuha eh.”

“Ah wala.” sagot ko tapos ay nagpatuloy na sa pagdikta uli. Tumayo na siya at tumungo sa pinto nang matapos na ko sa pagdidikta. Di na naman siya lumingon sakin kaya sinabi bigla.

“ Toi et moi, ça ne changera jamais. Je t'aime de tout mon coeur.”

Napalingon siya sa akin kaya ngumiti lang ako ng sobrang tamis sa kanya. Napansin na namula siya at nagmamadaling lumabas ng opisina ko. Napatawa na lang ako.

“I really love to tease you sometimes Emma. But dont worry I love you more because of it. “

I sighed. Being with her alone is seduction at its best, and temptation at its finest.

------------------------------------------------------------------------------

tnx sa vote at comments and reads...

i appreciate it a lot.

secret muna yung mga meaning nung french ha... heheheh.

oo nga pala naaalala niyo pa si Chang? 

Coming soon na siya... hahahah ;)))

my boss's babyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon