9

27 1 0
                                    

PARK Sunghoon's POV

Nag-aya si Jake ng inuman sa bahay niya.

Since di pa namin nakikita ang mansion niya, inaya din niya sila Sunoo..

Actually di pa ako ready para makita si Sunoo, pero kailangan ko maging totoo, kailangan kong labanan ang mga kinakatakutan ko.

"Grabe Jake, laki ng bahay wala naman kinakasama" inasar ko siya.

"Hindi, Si Heeseung dito siya minsan natutulog" sabi niya at binigyan ko siya ng mapang-asar na ngiti.

"Naurr, its not what you think" sabi niya.

"Sige, sabi mo, pakipot ka nga naman".

"Kantahan tayo later oh, May stage ako dun sa underground ko na may stage na may musical instruments" sabi niya.

"Yaman mo talaga pre, dito nalang kami titira" sabi ni Jay.

"By the way, padating na daw sila, i will grab the drinks na and tell my hired caterer to cook" sabi nito at tumango kami.

Agad akong tumaas sa stage at hinawakan ang gitara.

Tinugtog ko onti, onti ang paboritong kanta ni Papa at ni Mama.

"Hi?" Rinig ko boses ni Sunoo, nginitian ko siya.

"Andito na pala kayo sige lang upo na kayo doon padating na mga pagkain" sabi ko.

"Lupet ah, ikaw may ari ng bahay" sigaw ni Ni-ki.

"Ito oh san mig" sabi ni Jake.

Agad na tumaas si Heeseung sa stage at kumanta habang nagsisimula na ang inuman.

Nag gitara ako habang siya kinakanta niya ang mga Lirika ng kanta.

"Nangangamaba, nangangamba ang yong puso kung di ka sigurado"

"Nalilito, Nalilito ang iyong utak, kung tunay bang pag-ibig toh"

"Ano ba ang problema mo sabihin na ang totoo"

Tinitigan ko si Sunoo.

Yung my lyrika, tinamaan ako ng labis.

"Sunoo, kanta ka oh" sabi ko sa kanya.

Ito gusto ko. Tinuro niya yung kanta.

"Ang alala mo ay tila bago"

"Sa panaginip ko ay naroon ka, at kahit pa ang mundo ay magiba"

"Ako'y laging nandirito, di man ako para sayo, puso'y di magbabago"

"Walang iba walang iba wala nang hahanapin pa"

(Hanggang sa huli by SB19)

kita ko yung mga titig niya sa kay Jungwon.

Ang sakit, parang kagat ng dinosaur.

Agad akong tumayo at tinugtog ang gitara para kumanta.

"Dami pang gustong sabihin, ngunit wag nalang muna"

"Hintayin nalang ang hangin, tangayin ang aalita"

"Wag mo akong sisihin, mahirap ang tumaya"

"Dagat ay sisisirin kahit walang mapala"

"Pag nilahad ang damdamin, sana di magbago ang pagtingin"

"Aminin ang mga lihim, sana di magbago ang pagtingin"

Sila Jay na kumanta ng iba, tinignan ko nalang si Sunoo, at halatang nakita niya rin ang mga titig ko

Kita ko sa mga mata niya na may gulat, umalis siya kaya't hinabol ko siya.

"Sunghoon, hindi pwede" sabi niya.

"At bakit naman hindi pwede?"

"Bakit di kita pwedeng mahalin?"

"Alam ko sa mga mata mo na lahat gagawin mo para sa akin, pero masasaktan ka lang"

"Mas sasaya akong saktan mo ko keysa lumayo ako sayo" sabi ko.

"HINDI MO BA AKO GETS?! Di mo ako pwedeng mahalin, kase ayaw ko sayo, ang kulit kulit mo, sinabi ko na dati na hangga't maari gusto kong tuparin ang pangako ko sa sarili ko!" Nakita ko ang mga luha sa mga mata niya.

Agad akong lumakad palayo at pumunta sa malapit na karinderya.

"Pabili nga po isang bote ng san mig" sabi ko at kinuha ang bote.

Umupo ako at tinungga ito.

Nakikita ko siya sa harap ang kaniyang mukha na nakangiti.

Napangiti ako.

"Oh, paraluman, ika'y aking dadalhin sa di mo inaasahang, paraiso" sabi ko sa harap ko.

"Isasayaw kita hanggang sa walang hanggan"

Sumayaw ako sa ulan, na para bang kasama ko siya.

"Hoy gising na aalis tayo ngayon, bat ka nakahilata sa kalsada kahapon" sabi ni Jay.

"Okay lang ba kayo ni Sunoo?" Tanong nito.

"Tampo ako sa kanya" sabi ko at natawa siya

"Dali may raket ka pa sa Tagaytay" sabi nito kaya agad akong tumayo.



KLWKN ||SunsunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon