PARK Sunghoon's POVPumunta ako sa salas namin at kinuha ang remote ng TV tinignan ko ang recent searches ng youtube namin.
Puro "The day you said goodnight" by Hale.
Bakit nga ba? Kasi nung huling gabi na nakapiling namin si Papa. Dun lang namin siya narinig nagsabi magsabi ng "goodnight" sa amin ni Mama, tas nung sunod na araw, di na namin siya magising.
Ang totoo pala non, matagal niya nang tinago sa amin, hanggang nung gabi na yon nagpakasaya na siya dahil alam niyang di na kaya ng katawan niya yung sakit niya.
Kaya si Mama ngayon dinadamdam yung kanta, dahil naalala niya si Papa.
"Mama, ako na maghugas" sabi ko.
"Nako hindi na, Ipakita mo kay Sunoo mga ibang ano ng bahay" sabi ni Mama kaya tumango ako.
"Halika, dun tayo sa kwarto ko" sabi ko
"Andami mong box ah" mangha niyang sabi.
"Bakit andaming eroplanong papel nitong box nito?" Tanong niya.
Ngumiti nalang ako.
"Nung bata kase ako, may nagsabi sa aken, na pag pinalipad ko yung papel na may nakasulat na liham, mababasa nito iyon, hanggang siya ang nawala" kwento ko.
"Maari ko bang basahin?" Tanong niya, tumango nalang ako.
Never ako nag-open up about sa ganito except sa kanya at Jay.
Pagkatapos ni Papa mamatay, Muntikan na akong kainin ng galit at lungkot.
Kada-araw gumagawa ako ng eroplanong papel.
Sa pag-asang makita pa ni Papa yon sa langit.
Ngunit, sabi ni Mama, ilagay ko nalang doon sa box na yon, at pag naka bukas na ang pintuan ng Langit ibato ko itong lahat sabay sabay.
"Papa, apaka bait mong tao, pero bakit nakaya mong magsinungaling sa amin.
Hanggang ngayon, ang hirap tanggapin na nahayaan ka namin."
Basa ni Sunoo sa isang Eroplanong liham.
"Papa, hanggang ngayon, alam ko parin na kailangan pa ni Mama, nang magtutulong sa kanya, kaya ako nalang"
"Papa, nahihirapan na ako."
"Pa, nakakapagod na ang kakahintay na magbukas ang mga langit"
"Pa, masyado bang natuon sa akin ang pansin ni mama, kaya di niya na napansin karamdaman mo?"
"Papa, alam mo naman pala eh, bat ka nama-alam ka agad? Bawal bang makasama ka pa ng kahit sandalian"
"Pa, kung ayaw pa ng langit, edi ako mismo ang magbubukas sa langit, pagod na ako eh"
Tinignan ako ni Sunoo sa mga mata, at nakita ko na ang mga luhang nagbabadyang lumabas.
"Pa, sabi ni Mama, mag hintay lang daw ako, muntikan ko nang buksan ang langit papa, Pasensya na, sabi ni Mama ipahinga ko na muna sarili ko, Pa, maghihintay ako hanggang magbukas ang mga langit ulit"
"Sunghoon.." rinig kong sabi ni Sunoo.
"Oy wag kang umiyak" sabi ko at pinunasan ang mga luha niya.
"Nag-consult kayo ng Psychologist noon?" Tanong nito at tumango ako.
"Pero the thought of my mom, healed me, and there i tried to do it all for my mom, myself, and the future" i said.

BINABASA MO ANG
KLWKN ||Sunsun
Romancea sunsun au where in they met at a stargazing Event at night, only to see they we're looking at each others eyes