1

140 6 2
                                    


Park Sunghoon's POV

"Ma, alam mo naman na di pa kasya sahod ko para sa gusto mong ipagawa" sabi ko sa telepono, tinignan ako ng kaibigan ko na si Jay. Napa buntong nalang ako ng hininga at Kumuha ng cup noodles, "Pare, mukhang nag-aaway ata kayo ng mama mo ah" sabi ni Jay "Eh nangungulit, gusto niya na daw ipa-extend yung bahay" inis ko "Pahiramin ko nalang ikaw nang pera, si Tita naman yan eh" sabi ni Jay at agad akong humindi "Wag, dami ko nang utang sayo tas pinapatira mo pa ako sa condo mo, Tsk, Baka pag nag-away tayo ipanlaban mo sa akin HAHAHHA" tumawa kami.

"Oy pre may stargazing event sa baba, pupunta kami ng Jowa ko eh, Date namin sa week na toh" sabi nito "Jusko pre, Weekly ata date niyo, sige tignan ko kung maka-punta ako, tapusin ko lang pag-edit  sa wedding photo na toh" sabi ko.

Umalis na siya at mag-isa nalang ako sa condo, pumunta ako sa kwarto ni Jay para ayusin na din mga gamit niya.

Isa siyang fashion designer, Kasama niya sa pag gawa si Eva, Pinsan niya.

"Sunghoon nakakuha ka ng 3 star reviews sa isang project mo, Remember passing natin sa reviews is 4.5" sabi ng boss ko sa telepono "i'll work on it, boss, Kakausapin ko nalang din po yung client" sabi ko.

Andami ko nang iniisip, parang gusto ko nalang maglaho.

Tumingin ako sa bintana at nakita na maraming tao sa baba, agad-agad naman ako bumaba para maka-abot sa event, kumuha na rin ako ng camera dahil isa nga naman akong photographer.

Naka-suot ako ng Jacket na kulay itim, Tumitig ako sa kalawakan at nang tumitig ako doon, Agad naman ako huminga ng malalim.

Parang isang pahinga.

May nagatatawanan sa bandang kaliwa ko kay tinignan ko kung sino yon.

At simula non, di na ata Stargazing event toh, Kasi ikaw nalang tinignan ko.

KIM Sunoo's POV

"Bes, may natitig sayo oh, Bet ka ata" agad akong tumawa at tumingin din, "Syempre Sa ganda ko naman bang toh" pang-asar ko.

Habang patagal ng patagal ang pagtingin ko sa mga mata mo, Nahuhumaling ako sa mga kinang nito.

Bata palang mahilig na ako sa mga Space things, they are my comfort place.

Kakatapos lang kase ng operation ko sa isang pasyente, successful naman, Kaya pumunta ako dito with my friends.

Agad ulit akong tumingin sa mga tala nang may narinig akong nagpicture sa akin, May flash pa nga.

"Huh?" Sabi ko at tuming sa lalaki.

"Eh- Hehehe, Photographer ho, Pwede bang ikaw maging model ko, para ka din kasing bituin eh" Pambola nito

"Amp, sige, gandahan mo ah" sabi ko at nagpose para sa mga kukunin niyang litrato.

"Wow, ang galing mo, surely if ever try ko mag pa photograph sayo ulit" sabi ko.

"Park Sunghoon nga pala po" sabi nito at pinunasan ang kamay niya gamit ang jacket at nagyaya mag handshake

"Oh, Kim Sunoo, surgeon sa Ospital sa UniHealth" sabi ko

"By the way, Mahilig kase ako sa astronomy, Kaya pwede ko bang bilhin yung photo's mo ng Stars?" Tanong ko sa kanya.

"Wag niyo na pong bilhin libre na toh sayo" sabi nito napangiti tuloy ako

Matapos ang isang oras natapos na ang event at bumalik na ako sa condo unit ko.

Tinanggal ko ang mga sapatos ko at humiga muna sa Sofa agad akong nanood ng tv at kumain ng chichirya.

"Bakit kase unang flight, Dedz agad siya, hayst" pag-joke ko sa pinapanood ko.

"Makatulog na nga, At bukas manonood pa ako ng sunrise".

PARK Sunghoon's POV

Pagkatapos ng stargazing event umuwi na ako sa condo unit ni Jay.

Agad ko din pinrint yung mga picture ko sa lalaking yon.

Cute niya eh, Para siyang bituin.

Tinignan ko yung mga picture niya at ngumiti.

Hinanap ko muna Social's niya para isend sa kanya mga picture.

And shet, ang daming account na 'Kim Sunoo' pero pare-pareho lang naman mga mukha, yung may bio na '2021' nalang pinili ko.

Agad ko din pinost yung mga kinuha kong litrato niya at tinag siya.

HoonPics stargazing event in front of the condominium @/kimsunoo...

10,000 likes 7,900 retweets 256 comments

KimSunoo thank you, it looks beautiful

EllaJie230 wow should hire you to be my photographer at my wedding

StarGaza wow, thank you for using our event to take such wonderful pictures, We are willing to hire you as our photgrapher for some next events.

Nanlaki mga mata ko sa comments, Ma, Peymus na ako.

Pagod na mga paa ko, Pahinga nga muna ako HAHAHAH.

"Shuta, Pare, di ako makatulog" biglaang sulpot ni Jay.

"At bakit naman?" Tanong ko

"Di Kasi ako sinabihan ng 'goodnight' ng Bebe won ko" sabi nito at nagkunyari pa ngang umiiyak.

"Syempre, Bakit ba naman siya mag gogoodnight sayo eh di ka pa naman matutulog" Asar ko sa kanya, tinignan na lamang ako nito ng masama

"Eh Ikaw nga walang bebe" sabi nito

"Ayoko ng Bebe, usto ko ng Bibe, Yung nagquaquack quack" panloko ko

"QUACK QUACK MO MUKHA MO!" Sigaw naman nito agad ko tuloy sinenyasan na mag a-alas dose na ng gabi.

Kumuha nalang ako ng French fries sa Ref ni bossing Jay at in-air fry ito.

"I-nood nalang natin toh" sabi ko

"Ano papanoorin?" Tanong niya

"The exorcist" panakot ko

"gago ka ba?!" Takot nito natawa tuloy ako

"Ano ba gusto mo? Ito teletubbies" pang-asar ko ulit.

"Isa pa talaga, Hoon, babatuhin kita sa bintana" pabiro nitong banta.

"Ito nalang, Weathering With you, para nakaka-sad" sabi ko.

"pre, diba yun yung nasa your name, Taki ba yon" daldal ni Jay

"Pre si Mitsuha anjan din, Wow, talaga, Connected"

"Wow, ang daldal mo" Pang-asar ko ulit.

KLWKN ||SunsunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon