Chapter 9

72 14 1
                                    

✳️✳️✳️

Vian's POV

---

Sasagutin ko na sana yung tawag kaya lang nadisappoint ako nang biglang namatay ang tawag mula kay Daphnie. Kaya bagsak ang balikat kong ibinabang muli sa ibabaw ng mini cabiniet ko ang phone ko.

Huminga ako ng malalim at kinuha na ulit ang libro at bumalik na lang ako sa pagbabasa. Malapit na kasi ako sa epilogue ng story. Sayang naman kung hindi ko itutuloy 'di ba?

Nang mabasa ko na ang ikaapat na paragraph sa kwento, medyo hindi na maganda ang nararamdaman ko. Medyo bumibigat na. Pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa.

Hanggang sa hindi ko na pala namamalayan na lumuluha na pala ako nang dahil sa nangyayari sa bidang babae sa kwento.

Yung tipong saka lang na-realized nung lalake na mahal na pala niya yung babae noong mabundol ang sinasakyan ng babae ng isang dump truck. Sa kasawiang palad, binawian ito ng buhay.

At dahil nadala ako sa kwento, naiyak na rin pala ako. Habang isinasalaysay ng lalake sa kwento ang mga nararamdaman niya simula ng mawala ang babaeng mahal niya, feeling ko tuloy ako na yung lalakeng iyon kaya siguro ako umiyak kanina.

Sa dulo, medyo nakakaiyak pa rin pero hindi dahil sa kalungkutan. Nakakaiyak kasi kahit namahirap para sa lalaje na tanggapin lahat ng nangyari, pinilit niyang bumangon.

Nang matapos ko naang kwentong binabasa ko, pinunasan ko ang mga luhang kanina ay patuloy na dumadaloy sa mga pisngi ko. Successful ang pagbabasa ko. Worth it talaga yung binayad ko sa  book shop na 'yon. Ang ganda ng story.

***

Daphnie's POV

---

Kaagad kong pinatay ang tawag ko kay Vian dahil napaisip ako bigla kung handa na ba talaga akong malaman niya kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.

Bumuga ako ng marahas na hangin at bagsak ang balikat na napaupo sa kama ko. Ginugulo pa rin kasi ako hanggang ngayon ng bagay na ayaw na ayaw kong naaalala.

Ano ng gagawin ko?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang may kumatok sa kwarto ko. Napatitig ako dito pero kaagad din akong tumayo para buksan ang pinto.

"Wait lang po." sabi ko sa akala kong ang katulong namin na may katandaan ang kumakatok. Pero nagkamali ako.

"Niks?" kunot ang noo akong napatitig sa kanya.

"A-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong sa kanya. Hindi ko kasi inaasahang pupuntahan niya ako dito.

"Masama na ba'ng kamustahin ka? Pansin ko nga madalang mo na akong kausapin. Pansin ko rin this past few weeks, nagiging madalas ang pagiging mag-isa mo. Ano ba'ng problema ang meron ka ngayon? Tell me, makikinig ako." saad niya habang patuloy siyang pumapasok sa loob ng kwarto ko.

Umupo ako sa gilid ng kama ko. "Hindi ko kasi alam kung paano aamin kay Vian. O kung handa na ba akong umamin sa kanya." sabi ko.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Baby Dap, ganyan rin ako noong una. Pero alam mo ba ang tanging ginawa ko para malaman ang kasagutan sa mga katanungan ko?.." aniya.

She sighed. "Just close your eyes and hear what's your heart want to say." nakangiti niyang dugtong sa sinasabi niya kanina.

Umikot ako ng pagkakaupo at humarap sa kanya. "Pero may isa pa akong problema..." yumuko ako. "Paano na yung pangako ko kila Mommy na magtatapos muna ako bago ako mag-boyfriend?" pagkokonsulta ko ng problema sa kanya.

Natawa siya. "Si Mommy na ang bahala kila Tita at Tito. Basta ikaw, mag-focus ka ngayon sa pag-amin mo. Malay mo, ikaw lang pala ang hinihintay nung taong gusto mo. Malay mo, matagal ka na pala niyang gusto." aniya habang nakangiti.

Napangiti ako sa sinabi ni Nixie. Magkumare kasi si Mommy at ang Mommy ni Niks. Malapit ang dalawa sa isa't isa. Para na silang magkapatid kung magturingan.

"Ahmm... so, uwi na ako. Kinamusta lang kita rito. Punata ka mamaya sa bahay ah? Kailangan ka doon. Hindi ka pwedeng mawala doon." pagpapaalam nitong si Nixie saka tumayo na sa pagkakaupo sa kama ko.

"Sige, mamaya na lang ulit tayo mag-usap." tugon ko.

Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko. Ako naman ay humiga ulit sa kama. Nag-iisip ng magandang paraan kung paano ako makakaamin ng nararandaman.

Nag-uumpisa na akong mag-practice ngayon. Jusko! Ganito pala kapag umamin sa taong gusto mo, nakakakaba! Sobra!

Hanggang sa napagod na rin ako kakapractice at ibinagsak ko na lang ulit ang katawan ko sa kama ko at huminga ng malalim.

"Bahala na nga." bulong ko sa hangin.

Habang nakakaramdam na ako ng pagkabagot, kinuha ko na lang ang laptoo ko at binuksan ito. Pumunta ako sa Facebook account ko at dumiretso sa may newsfeed ko.

Nagbasa ako ng ilang post doon. Hanggang isang post ang nakakuha ng buong atensyon ko. Binasa ko ito.

"Hindi ka talaga papatulugin ng sarili mong puso hangga't hindi mo sinasabi sa taong mahal mo ang totoong nararamdaman mo." pagbabasa ko sa mga salita sa nakita kong post.

Nakaka-relate ako sa ibang mga post na nababasa ko tungkol sa love. Yung iba, pinapatamaan yata ako.

Tulad na lamang nito...

Binasa ko ang isang post. "Sinungaling ka kung sinasabi mo sa sarili mo na ang taong iniisip mo ngayon ay hindi mo gusto o hindi mo mahal." pagbabasa ko sa post na nakita ko.

Tumingin naman ako sa notifications ko. Karamihan ay mga noftifications galing sa mga naka-live ngayon dito sa app na 'to.

Dahil nabo-bored na talaga ako, nanood na lang ako ng movie sa YouTube. Wala ako sa mood magbasa ngayon kaya manonod na lang muna ako.

Hindi ako mahilig sa K-dramas. Mga Filipino Movies ang kinaaadikan ko. Feeling ko kasi, mas komportable ako kapag nanonood ako ng mga romance Filipino movies.

Sinubukan ko naman dating manood ng K-dramas, LaKorn or yung nga Chinese movies pero wala talaga. Hindi ako dinapuan ng sobrang nakakakilig na feeling. I feel sorry sa mga K-drama lovers out there. Mas gusto ko talagang nanonood ng Filipino movies lalo na yung may halong comedy. Rom-Com, gano'n.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang biglang humilab ang tiyan ko. Hindi dahil sa nadudumi ako kundi nagugutom po ako. Wala eh, kailangan ko munang bumaba para kumuha ng makakain at kailangan ko rin munang ihinto ang panonood ko. Bwisit!

LOVE OUT OF CONTROL - BS #2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon