05

4 1 0
                                    

July 5
Dear diary,

UMAGANG-UMAGA BUO NA AGAD ANG ARAW KO. Ngiti kasi agad ni Bry ang bumungad sa akin diary. Puwede na ako dumiretso sa uwian, charot.

Ewan ko ba diary, simpleng galawan lang niya natutuwa na ako. Parang tanga lang, gano'n. Na wala naman siyang ibang ginagawa pero nandito ako na kinikilig. Bakit?

Normal pa ba ang takbo ng utak ko, diary? Hindi na ata eh.

Kasalukuyang choir practice namin kasi may ganap na mass sa darating na friday. Umupo na muna ako sa sahig ng auditorium habang inaantay ang magtuturo sa amin. Break time ngayon ng ibang grade level kaya medyo marami ang nakikita kong tao.

Maya-maya pa ay may pamilyar na grupo ang lumapit sa amin. Tumabi ito sa amin at siniko naman ako ni Anne at Tally.

"Tumigil kayo," bulong ko sa kanilang dalawa.

May balak pa ata akong ipahamak ng dalawang 'to, diary. Nako.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang magtuturo sa amin, nasa phone niya ang kopya ng aaralin naming kanta kaya pinicture-an na lang namin iyon. No'ng bumalik na kami sa pwesto namin, lumapit sa akin si Bryan.

"Puwedeng pahiram din kami ng kopya? Si Gabo lang kasi may phone sa amin eh," banggit nito sa akin.

Binigay ko naman sa kanila ang phone ko at pinicture-an na 'yon ni Gabo.

"Ano daw number mo sabi ni Bry" asar ni Franz. Nagulat ako sa tanong niya pero tinawanan ko na lang 'yon.

'Yung puso ko, diary. Nagwawala na, hatdog.

"Huy wala naman akong sinasabi eh," sambit ni Bry sabay kamot niya sa ulo niya.

"Ilalagay na lang daw niya number niya sa phone mo," sabi ni Gabo habang hawak pa rin ang cellphone ko.

"Ha?"

"Halaman."

"Wala po akong sinasabi, huwag kang maniwala sa mga 'yan. Nang-aasar lang 'yan," sabi ni Bry kaya tumawa na lang ako ng pilit.

"Okay lang, ano ka ba? Wala 'yon."

Kahit totohanin mo naman, okay lang din. Hehehe, charot.

"Okay, ngayong meron nang kopya ang lahat, puwede na tayo magsimula," banggit ng kuya na magtuturo sa amin.

Pumunta na kami sa kaniya-kaniyang puwesto at nagsimula na. Tumingin ako kay Bry sa huling pagkakataon sa sandaling 'yon at nagfocus na sa gagawin namin.

***

Uwian na at naglalakad na ako pababa ng hagdan ng makita ko ang isang teacher namin na bitbit ang mga libro galing sa kabilang section.

Grabe, wala man lang ang nagkusang tumulong sa kanila? Room pa naman ni Bry 'yon.

Nako diary ha, masasapak ko 'yang si Bryan, wala man lang kusang tumulong sa teacher.

"Ma'am—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"Ma'am tulungan ko na po kayo," biglang sumulpot si Bry mula sa room nila at tinulungan si ma'am. Bigla akong napatitig sa kaniya.

Okay diary, binabawi ko na kung ano ang sinabi ko tungkol sa kaniya kanina. Hindi ko na pala siya sasapakin. Pwede rin, sapakin ng pagmamahal, charot lang. Ayaw ko na nga.

"Ang babait naman ng mga batang 'to," banggit ni ma'am. Ngumiti na lang ako at aalis na sana pero pinigilan ako ni Bry.

"Nakita kong tutulungan mo si ma'am kaya lumabas na ako para tulungan siya. Salamat," banggit nito.

Napatingin ako sa kaniya at ngumiti rin pabalik.

"Wala 'yon, minsan dapat nagkukusa rin tayo sa pagtulong sa iba," banggit ko sa kaniya at umalis na.

No'ng nakalayo na ako, nakahinga na ako ng maluwag. Ewan ko ba diary, sa tuwing nandiyan talaga si Bryan parang nagiging kaunti ang hangin, para akong nahihirapan huminga pero masaya. Alam mo 'yon, diary? Mahirap pero in a good way. May gano'n ba?

Pero nginitian niya talaga ako ng ilang beses ngayong araw, diary. Nakakatuwa naman. His smile feels so warm, it's so comforting.

Napapa-english na ako, delikado na 'to.

Wala ng boses dahil sa choir practice pero masaya pa rin,
Felicity

Mapapansin Mo Rin (on-going)Where stories live. Discover now