10

1 1 0
                                    

July 12
Dear Diary,

Friday na, first mass na namin. Nagkaro'n ng saglit na practice ang choir bago magsimula. No'ng tapos na matapos ang practice, pumunta na ako sa canteen para uminom.

"May nakatitig," banggit ni Anne kaya napatingin ako sa hilera ng mga upuan at nakitang nakatingin si Bryan.

Hahanapin kita mamaya sa peace be with you.

Uminom na ako at bumalik na kami sa pwesto namin dahil malapit na mag-start ang mass. Malalang dasalan ang gagawin ko ngayon, diary. Masyadong marami ang dapat ipagpasalamat.

Ilang minuto ang lumipas at peace be with you na. Hinanap ko si Bry at saktong nakatingin siya sa akin.

"Peace be with you," banggit ko kahit na 'di ako rinig. Inangat ko rin and kamay ko para makita niya ang peace ko.

Ngumiti naman siya ng malawak at nag-peace sign rin pabalik.

I am at peace, diary.

***

No'ng matapos ang mass, agad na inayos ang auditorium dahil may mga magpeperform. Ito na 'yung tinuro ko noon kela Bry, sana maging maayos ang presentation namin.

Ilang sandali ang lumipas at kami na rin ang nagperform. Matapos no'n, agad na hinanap ng mata ko si Bry at nakita kong nakatingin na naman siya sa akin. Agad siyang ngumiti no'ng nakita ako at napangiti rin ako.

Nawala bigla 'yung pagod ko sa performance, diary.

Nauna na sila Anne at Tally dahil inutusan sila ng isang teacher namin. Naglalakad na ako pababa ng auditorium no'ng biglang may bata na nakabunggo sa akin at natapilok ako. Muntikan pa akong malaglag sa hagdan, shocks.

Aray amp.

"Hala ate sorry po," banggit nito.

Pinilit kong ngumiti sa kaniya, "Okay lang. Ingat ka na lang sa susunod."

Ngumiti ito sa akin at umalis na. Pagkaalis niya, namilipit agad ako sa sakit. Agh.

"Gagi, ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ni Ash at tinulungan akong tumayo.

"Natapilok ako, men."

"Masakit ba?" tanong nito. Huminga ako ng malalim.

"Obvious ba?"

"Nagtatanong lang naman eh," sabat nito.

"Kita mo naman kasi eh."

"Hay nako, bahala ka na nga diyan. Papunta naman na dito ang bebe mo," banggit niya at iniwan akong nakatayo.

"Hoy! Ash! Ash! Ang panget mo!" sigaw ko pero kumaripas na ito ng takbo.

Sino'ng matinong kaibigan ang iiwanan ang kaibigan niyang natapilok, diary?

"Shit," bulong ko.

"Uy okay ka lang?" may nagtanong sa akin, pagharap ko nakita ko si Bry na nag-aalala.

"Ah oo, okay lang. Kaya—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil namimilipit na ako sa sakit.

"Samahan na kita sa clinic. Kaya mo ba maglakad?"

Tumango na lang ako sa kaniya. Tumalon-talon ako para makausad dahil mamamatay na ang kaliwang paa ko.

"Tulungan na kita," banggit ni Bryan at inalalayan ako.

Kinuha niya ang braso ko at ipinatong sa balikat niya. Nilagay din niya ang braso niya sa may bewang ko para sa suporta. Sinabayan niya ako sa paglalakad.

"Konting tiis na lang ha? Malapit na tayo sa clinic."

No'ng makarating kami sa clinic tinulungan niya akong umupo sa kama at sinabi niya sa school nurse na natapilok nga ako.

Tinignan naman ng nurse ang paa ko at tinignan ko si Bryan. Ngumiti ito sa akin.

"Una na ako ha? Pahinga ka na lang muna diyan."

Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Umalis na siya at naiwan ako dito sa clinic. Tinitigan ko ang paa ko, alam kong mamamaga 'yan mamaya.

Namimilipit sa sakit pero kinikilig,
Felicity

P.S. gusto ko na palitan ang paa ko, ang sakit talaga.

Mapapansin Mo Rin (on-going)Where stories live. Discover now