"𝘠𝘰𝘶'𝘳𝘦 𝘴𝘩𝘰𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘧𝘧 𝘵𝘰𝘰 𝘮𝘶𝘤𝘩 𝘴𝘬𝘪𝘯, 𝙈𝙧. 𝙔𝙖𝙣𝙜."
Wherein Sunoo needs to marry his best friend Jungwon for their company's sake.
⚠️
-Please be reminded that all of this is just a work of fiction.
-The characters mentioned...
Pagkatapos ng almusal ay pumunta na sila sa kani-kanilang apartment. Naiwan lang si Jay kela Riki dahil may sasabihin daw sya kay Sunoo. Ngayon ay nasa kwarto sila ni Sunoo at nakahiga, nanonood ng TV habang magkayakap. Nakalagay ang mga ulo ng nakababata sa braso ng nakatatanda habang pinaglalaruan naman nya ang malalambot na hibla ng kanyang kulay kayumanggi na buhok.
"Ang bango ng buhok mo Seon" ani Jay matapos nya amuyin ang buhok ng isa. Ngumiti lang naman si Sunoo at tinignan sya sandali tsaka tinuon ulit ang atensyon sa telebisyon. Habang ang isa, sa kanya nakatingin. Pinagmamasdan bawat parte ng kanyang mukha. At nang humarap sa kanya ang kasintahan, nagkasalubong ang kanilang mga mata. Seong's eyes screams comfort, it gives him the feeling of being protected, of being safe. Sabay ng ngiti ni Seon ang paghalik ni Seong sa kanyang mga noo, at niyakap sya ng mahigpit.
"Mahal na mahal kita Seon, gigilmoko!" Panggigigil nya sa kasintahan sabay pisil sa malalambot at mapupula nyang pisnge.
"Mas mahal kita Seong" ani Sunoo at hinalikan din ang kanyang noo. At sa ganoong paraan, ay inenjoy lang nila ang presensya ng isa't isa, kontente at masaya.
♡´・ᴗ・'♡
"Ang ganda mo naman Seon" puri ng kasintahan sa kanya ng makita sya.
"Salamat Seong" pasasalamat nya tsaka lumapit sa kasintahan upang yakapin. Agad naman na inilagay ni Jay ang kanyang mga kamay sa maliliit na bewang ng isa at niyakap sya pabalik.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
(Sunoo's outfit)
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
(Jay's outfit)
"Tara na?" Tanong ni Jay sabay inilahad ang kanyang kamay. Tumango naman ang isa habang nakangiti at iniabot ang kamay ng kasintahan.