Author's POV
Nang matapos na kumain ang lahat ay dumiretso na sa kwarto si Sunoo at Jay. Hindi pa nya nasasabi sa kasintahan na aalis sya at sasabihin palang nya kaya din gusto nya itong kausapin kanina.
"Seong" aniya sa kasintahan na katabi lang sa pag-upo. Nasa kama sila ngayon at nakaupo lang habang nagcecellphone.
"Hmm?" Tanong nya.
"Aalis ako maya mga 2" ani Sunoo.
"Sige lang. Btw, san ka pupunta?"
"Kela mom, may sasabihin daw sila saken. Pagbalik ko nalang tsaka natin sabihin. Wala pa din si Jungwon diba? Sabi ni Jake di pa sya nauwi kaya hintayin nadin natin sya" salaysay nya at tumingin sa kasintahang nakatingin na pala sa kanya.
"Sige lang. Kung san ka komportable Seon" aniya at niyakap patagilid ang isa.
"Seooong" pangungulit muli ng isa at hinihila pa ang laylayan ng damit nito.
"Bakit Seon?" Tanong niya.
"Laro tayo"
"Ha?? Anong lalaruin natin?"
"ML tayo Seong. Boring kase eh" pag-aya nya at pumayag naman ang isa. Hindi nya kasi mahindian ang kasintahan lalo na kung ito ay nagpapakyut pa.
"Guinevere ako" ani Sunoo habang nakatuon lahat ng atensyon sa cellphone. Napa-chuckle nalang si Jay sa kakyutan ng kasintahan nya.
"Sige Johnson nalang ako para partner tayo" suggest ni Jay at tumango naman ang isa.
—
"Yeeeeeeeeeey!" Ani Sunoo at niyakap ang katabi, yumakap naman sya pabalik at ngumiti. Nanalo kasi sila sa rank at mvp pa si Sunoo kaya sobrang saya nya. Idagdag pa natin ang nararamdaman nya dahil aamin na sila. Aaminin na nila yung relasyon nila. Sa isang buwan na kasi yung 1st anniversary nila kaya aamin nadin sila para naman hindi na nila ginagawa ang lahat ng patago. Pagkatapos non ay naglaro lang ulit sila at naglaro lang ng naglaro hanggang sa pumunta ang maliit na kamay ng orasan sa ika-labindalawang numero at ang malaki naman sa ika-labingisang numero. Mag-aalauna na at naisipan na ni Sunoo na maghanda para makapunta na sya sa bahay. Nang matapos sya maligo ay lumabas sya ng banyo at sumalubong sa kanya ang kasintahan na nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Nagsuot lang sya ng simpleng sweatshirt na kulay beige, tas nagsuot din sya ng shorts na kulay black. Nag sneakers lang sya na puti at may medyas din. Nang matapos na sya sa lahat ay naglagay din sya ng kaunting makeup at nagpaalam sa kasintahan na aalis na sya. Sinabi din pala sa kanya ng mom nya na ipapasundo nalang sya sa driver nila para mas safe sya.
Pagkapasok ni Sunoo sa kotse ay umupo sya sa passenger seat, sinuot ang earphones nya at nagmuni-muni.
'Hindi ba pangako mo nu'ng una, tiwala'y iingatan?
Baka naman, sa susunod na habang-buhay, ha-ay na lang'Sabay nya sa kanta habang nakatuon ang ulo sa mga bintana. Hindi naman umuulan at napakaganda ng sikat ng araw. Hindi din gaano kainit dahil medyo mahangin. Tama lang ang panahon. Nakatitig lang sa labas si Sunoo, pinagmamasdan ang bawat gusali at taong nalalagpasan. Pinagmamasdan ang mga ibong malayang lumilipad. Medyo naguguluhan din sya kung ano ba yung sasabihin sa kanya. Importante ba 'yon? Oh baka naman hindi? Ewan din nya, basta naeexcite na syang umuwi agad para aminin ang relasyon nilang dalawa.
Tumigil sa pag-andar ang kotse at di namalayan ni Sunoo na nasa bahay na pala sila. Lumabas sya sa pintuan ng kotse at dumiretso sa pinto. Kumatok sya doon at pinagbuksan sya ng isa nilang katulong.
"Mom? Dad?" Aniya ng hindi makita ang mga magulang sa baba.
"Asa taas sila Sunoo" ani Marie, isa sa mga kasambahay nila.
"Ahh sige salamat po" sabi nalang nya at dumiretso sa taas. Pumunta sya sa office ng kanyang ama at doon nakita ang mga magulang na nakaupo sa couch.
"Oh nandito ka na pala" ani ng kanyang ina at lumapit sa kanya upang sya ay yakapin, hinalikan din sya nito sa kanyang mga pisngi. Gayon din ang ginawa ng kanyang ama at umupo na sya a couch na nakaharap sa mga magulang.
"Ano po yung sasabihin nyo?" Panimulang nyang tanong.
"Teka anak. Wait lang" ani ng kanyang ama na parang kinakabahan pa.
"Ako nalang magsasabi hon" ani ng kanyang ina.
"Sige po ano po yon?" Tanong nya ulit at tumingin sa kanyang ina.
"Anak kase... Bumabagsak na yung company natin" aniya at yumuko, parang nasaktan naman si Sunoo sa naging reaksyon ng kanyang ina. Gusto nyang tumulong pero di nya alam kung pano.
"At sabi ng Dad ni Jungwon, tutulungan nya tayo" sabi nya ulit at medyo nakahinga ng maluwag si Sunoo.
"Bakit nyo po kailangan sabihin sakin? Maayos na naman po pala yung company."
"Anak kasi...kailangan mong—" hindi na natapos ang sasabihin ng ginang ng magsalita ang kanyang ama.
"Kailangan nyong ikasal ni Jungwon"
Hatdog🌭
YOU ARE READING
Unforeseen Love | ✓
Fanfiction"𝘠𝘰𝘶'𝘳𝘦 𝘴𝘩𝘰𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘧𝘧 𝘵𝘰𝘰 𝘮𝘶𝘤𝘩 𝘴𝘬𝘪𝘯, 𝙈𝙧. 𝙔𝙖𝙣𝙜." Wherein Sunoo needs to marry his best friend Jungwon for their company's sake. ⚠️ -Please be reminded that all of this is just a work of fiction. -The characters mentioned...