Hayysssstttt...
Bakit ba kasi need ko pa lumipat ng school ngayon. I'm perfectly fine naman na magSenior High sa old school ko. Pero ok lang naman kasama ko naman yung pinsan ko si Ate Lara sa new school ko.
"Anong oras na pala?" I asked myself. Tinignan ko oras sa phone ko and maaga pa pala. I think I would go na muna sa coffee shop that I saw near noon nag enroll kami ni Ate Lara sa malapit ng school, debale maaga pa naman.
Habang naghahanda narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Sino po yan? Buksan niyo na lang po yung pintuan", tanong ko sa kumakatok. At si Ate Marites pala yun, kasama namin dito sa bahay.
"Ma'am, pinapatawag na po kayo ng tatay niyo sa baba", sabi ni Ate Marites.
"Sige po ate pakisabi saglit lang po naghahanda pa po ako", I said while packing my bag.
"Sige po ma'am", sabi niya at isinarado na ang aking pintuan.
Ano ba yan saan ko ba inilagay ang iba ko pang gamit. Maaga pa naman why do they need me ba. Makakapag-adjust kaya ako sa new school ko ngayon? Debale famous naman daw si Ate Lara hihi di ako magagalaw ng mga bullies.
While getting my things ready, nagtext pala si Ate Lara.
"Nakaready ka na ba? Malapit na ako jan" text niya saakin. Bakit pa kasi kailangan niya akong samahan? I'm perfectly fine naman to go there sa school. Her over protective ass is activated again.
"Nakaready na saglit lang, paalam muna ako kila papa hintayin mo na lang ako sa baba", text ko sa kanya. Bahala siya jan.
Pagkatapos kong sinend yun, kinuha ko na mga gamit ko para sa school and bumaba na.
"Iha, halika rito may sasabihin ako sayo", bungad saakin ni papa nung nakita niya ako sa kusina.
"Ano po yun?"
"First day of classes mo ngayon dapat magbehave ka ah. Wag ka magpapasaway sa pinsan mo at isa pa yun na pasaway" bilin niya saakin.
"Bait ko kaya pa sa dati kong school"
"Basta, nako kang bata ka baka matulad ka sa pinsan mo", sabi ni papa. Huh? Bakit si Ate Lara ano pinaggagawa non?
"Si Ate Lara po? Mabait naman si Ate pa."
"Oo mabait siyang bata pero iba't-ibang babae inuuwi non sabi ng tito mo"
"Ah di naman po ako magiging ganon pa", depensa ko sa sarili ko. May sasabihin pa sana si papa pero biglang may nagbusina sa labas ng bahay.
"Sige po pa, nandyan na po pala si Ate Lara", sabi ko at nilapitan ko siya at hinalikan sa pisnge. "Sige po byeeee" kaway ko sa kanya.
"Basta wag kang gagaya jan ah!" Pahabol niya.
"Opo!" Sabi ko at tuluyan ng lumabas sa bahay.
"Tagal mo naman!" sabi ni Ate Lara habang nakasakay sa sasakyan niyang Bugatti, na bigay nila tito noong 18th birthday niya. Sana all pinapayagan magdrive.
"Saglit lang kasi", sabi ko sabay sakay sa passenger seat. "Ba't ka ba kasi nagmamadali?" tanong ko sabay suot ng seatbelt.
"Utos ni Batas, may ipapagawa daw siya. Malamang may iuutos nanaman", she sighed and nagstart ng magdrive papuntang school.
"Ate Lara, idaan mo na lang ako sa coffee shop mamaya yung malapit sa school."
"Sige" yun lang sinabi niya at tumahimik ulit sa loob ng sasakyan.
Tumingin na lang ako sa bintana at inoobserve ang mga tao sa labas. Halos lahat sila may kasama, ang aga aga may kadate nanaman sila. Pero nang-agaw ng pansin ko ay yung mag-asawang matanda, si lolo ay binibigyan si lola ng bulaklak na sa tingin ko binili niya lang sa tabi. Wether he bought it or not sa tabi-tabi lang ang sweet kaya, gusto ko rin mabigyan ng red roses. It sounds cliché pero gusto ko rin ng red roses, I know it's not unique pero it symbolizes love. Kakabasa ko to ng mga Rom-Com books, pati utak ko nagiging corny na. Pero kilan ko kaya mararanasan yan?
YOU ARE READING
Rainbow Series: RED (GiaPhant)
FanfictionLove isn't always sunshine and rainbows, most of the time it's like rain and thunder. "I do", words that I was dreading to hear in to our wedding day. Now here I am standing outside the church hearing her now say those words to somebody else.