06: Ferris Wheel

98 8 1
                                    

Nagising ako ng dahil sa ingay sa labas ng kwarto na tinutulugan ko.

"Abeleine! Can you stop that nonsense? Can't you see I'm cooking?"

"Cheater si Gabbo oh! Kanina pa niya ako nalalampasan!"

Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko silang lahat sa may sala. Si Ate Ecka at Gabb na naglalaro sa PS4, Ate Belle, Ate Sela, Ate Jem, at Mari nagluluto sa kusina with Ate Abby na nakacling kay Ate Sela na mukhang naiinis na. Ate Lara, Ate Dana, Dian, at Gia naglalaro ng Uno. And si ay mukhang wala si Jaydee.

"Uno!", sigaw ni Ate Dana at inihampas sa lamesa ang natitirang card niya.

"Duga mo, tinatago mo yung ibang cards mo jan sa ilalim ng table", reklamo ni Ate Lara at hinanap yung ibang cards ni Ate Dana.

Habang nag-aaway sila, tinignan ko si Gia na nakaupo sa sofa at nakarest ang ulo sa balikat ni Dian. Does she remember kaya kagabi yung ginawa niya?

"What are you looking at? Crush mo ko noh?", she smirked and looked at me. "I can sense you are looking at me kanina pa"

"Ano ka gold? Iniisip ko lang ba't ambaho ng suka mo kahapon nung lasing ka"

"Ohhhhhhhh assume pa more kasi", asar ni Dian at dahil narinig ng lahat yon nagsitawanan silang lahat.

"Taas masyado kasi confidence mo Guinevere", sabi ni Ate Sela mula sa kusina.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng gatas sa fridge ni Ate Lara at uminom.

"Ella, nagbabae ba yang mga yan kagabi?", turo ni Ate Sela kanila Ate Abby, Ate Ecka, Ate Dana, at Dian.

"Di po, uminom lang sila pagkatapos nila magperform. At si Ate Lara at Gia lang yung sobrang nalasing", sagot ko.

"See, I would not lie to you", sabi ni Ate Abby na nakayakap pa rin kay Ate Sela sa bewang niya.

"Good if not, malalagot yang si Evans saakin", sabi ni Ate Jem at tumingin kay Ate Dana ng matulin.

"Same", sagot ni Ate Sela, Mari, at Ate Belle at nagsitawanan sila.

"Anong same, Belle?! Di mo pa nga ako sinasagot eh", sigaw ni Ate Ecka mula sa sala.

Maliit lang kasi condo ni Ate Lara, at walang mga walls na nakaseparate sa kusina at sala kaya malaya nila kaming naririnig.

"Paano kita sasagutin kung puro chix ang nasa isip mo?", masungit na sagot ni Ate Belle sakanya.

"Ano po pala niluluto niyo? At ano ganap nandito po kayong lahat?"

"Kare-kare at sinigang, lunch nating lahat. And we are here kasi wala lang, nakisama lang kami sa mga mokong na yan", turo ni Ate Belle kanila Ate Ecka, Dian, Ate Dana, at Ate Abby.

"And we are going mamaya sa EK, do you want to come? Susunod mamaya sila Coco and Brei, sakit pa kasi ulo nila eh", sabi ni Ate Abby.

"Their head hurts because you let them drink Abeleine! It's ok if you just gave them a sip, but you just let them drank themselves to sleep!", kurot ni Ate Sela sa tenga ni Ate Abby.

"Sela mah baby, my love so sweet. Bitaw na masakit na masyado. Ouch! Kanina pa natin to pinag-aawayan. Atleast inuwi ko naman sila ng safe diba? Yun ang importante", paglalambing ni Ate Abby, sa galit na GodSela.

Pinanood ko nalang silang mag-away, habang sila Ate Belle ay tumatawa nalang habang nireready ang makakain naming lahat.

"Mga bata kainan na punta na kayo rito, para makapunta na tayo EK mamaya", biro ni Ate Jem sa mga magbabarkada.

Rainbow Series: RED (GiaPhant)Where stories live. Discover now