Alas otso na ng gabi nang matapos ang shift ni Jaemin sa restaurant ni Kun. Excited siya umuwi kasi alam niyang may kasiyahan siyang uuwian, fiesta kasi sa barangay nila ngayon. Alam niyang may konting painuman si Nanay Lereng sa mga pamangkin at anak niyang mga binata. Hindi naman sobrang pagod si Jaemin ngayon, pero mukhang masarap ang magiging pagguhit ng alak sa lalamunan niya.
He’s actually just waiting for a tric or a jeepney so he could already go home.
Malaki ang ngiti ni Jaemin habang tumatakbo sa isip niya si Renjun. Siguradong nakaupo na naman ang boyfriend niya sa tabi ng lamesa kung saan nakapatong ang mga handa ni Nanay Lereng. Hilig kasi ni Renjun ang mag-abot ng pinggan sa mga bisitang dumadating. Sinabihan kasi siya ng asawa ni Nanay na nakakaganang kumain kapag ngiti niya ang unang makikita. Pero alam naman ni Jaemin na kaya iyon ginagawa ni Renjun ay dahil ayaw nitong mauubusan ng mga minatamis na handa katulad ng leche flan at gulaman.
“Hoy, Jaime, pauwi ka na ba?”
Napalingon si Jaemin sa tumigil na jeep sa harapan niya. Doon niya nakita ang panganay na anak ni Nanay Lereng, isang jeepney driver na umiikot sa bayan para bumyahe ng ilang oras.
“Pauwi na po. Iikot pa po kayo?” balik na tanong ni Jaemin habang sinisipat ang jeep ng Kuya Johnny niya kung may laman pang pasahero.
Nakanginting umiling si Johnny at saka inabot ang lock ng maliit na pintuan sa harapan ng jeep. Inalok niya si Jaemin na pumasok na sa loob kaya naman mabilis na lumapit si Jaemin at naupo na sa tabi ng driver.
“Hindi ako pumasada ngayon. Inihatid ko lang dito sa bayan ‘yung mga pinsan namin na taga-kabilang lungsod.”
Umayos ng upo si Jaemin at tumango kay Johnny. Malayo ang tinigin nito sa daan, halatang gustong-gusto na talagang makauwi sa kanila.
“Bakit kasi pumasok ka pa ngayon? Alam mo namang may okasyon sa ‘tin eh,” ani Johnny at nagsimula nang magmaneho ulit ng jeep.
Mapapansin ang kapal ng tao sa bayan ngayon. Marahil mga bisita ito ng fiesta sa barangay nila. Medyo mahaba kasi ang lugar nila kaya kapag may mga ganitong klase ng okasyon, talagang dumarami ang tao kapag nagsabay-sabay ang mga bisita sa pag-uwi.
Ano na kayang ginagawa ni Renjun ngayon? Baka nakikigulo na iyon sa mga nag-iinom o magkasama na naman sila ni Haechan na magbahay-bahay at tumikim ng mga handa sa mga kapitbahay.
“Kailangan ko kasi, kuya. Malapit na rin kasi birthday ko ‘di ba? Alam mo naman si Renjun, magagalit ‘yon kapag hindi kami naghanda. Nakakatakot pa man din magalit ‘yon.”
Napatawa si Johnny sa dahilan ni Jaemin. Iba rin kasi talaga magalit si Renjun kapag tungkol kay Jaemin. Tanda pa ni Johnny noong may liga ng basketball sa barangay nila at itulak si Jaemin ng kalaban sa gitna ng laro. Sino bang makakalimot sa lumipad na bote ng mineral water mula sa mga nanonood at tumama sa ulo ng player na nanulak kay Jaemin? Akala talaga ni Johnny ay mapapaaway pa sila noon. Halos mamutla si Jaemin noon nang makita niyang nakataas ang middle finger ni Renjun sa magkabilang kamay nito nang lingunin siya ng player na binato niya ng bote. Kung hindi pa hinila nina Taeyong si Renjun pauwi, baka nakipag-away pa ito sa mga cheerer ng kabilang kuponan kasama si Haechan at Doyoung. Simula noon, hindi na sumali si Jaemin sa liga. Lagi na rin naman siyang may trabaho kaya hindi na niya maisingit sa araw niya ang mga ganap sa barangay nila.
“Nako, galit na galit nga ‘yon kanina noong umalis kami. Second place lang kasi siya sa singing contest kanina. Ginagatungan pa nina Lucas na luto raw ‘yung laban. Ang sama ng mukha, nakabusangot.”
BINABASA MO ANG
TOYANG (too young) | renmin
Fanfictionwhenever renjun hears the song 'toyang' by eraserheads, he's reminded of how much he loves jaemin and how confident he is to choose his boyfriend over the wealth his parents can give over and over again. wala eh, mahal niya si jaemin pagkat siya'y s...