Amoy na amoy ni Renjun ang mga kandila at bulaklak na humahalo sa pabangong suot ni Jaemin. Diretso lang ang tingin niya sa pari na patuloy sa pagsasalita at sermon. Tahimik na nakikinig ang lahat maliban sa mga nagbubulungan at mga batang umiiyak.
Ibinaling ni Renjun ang tingin sa katabi. Katulad ng una at mga sumunod pang pagkakataon na nakatabi niya ang nakababata sa simbahan, napakapayapa ng mukha nito habang iniintindi lahat ng pangaral.
Kasabay ng palakpakan ng mga nagsisimba ang pagbalot ng mainit na kamay ni Jaemin sa malambot na kamay ni Renjun. Iniangat ni Jaemin ang mga kamay nila bago marahang hinalikan ang madilim na balat malapit sa buko ng kamao ni Renjun.
Ibinaba ni Jaemin ang kanilang mga kamay habang pinapanood ang mga batang lumapit sa pari para magmano. Naunang ibinaling ni Jaemin ang kanyang ulo kay Renjun bago alisin ang tingin sa altar papunta sa nakatatanda. Malambing ang ngiti nito, walang ngipin pero umaapaw ang saya sa mga mata.
"Ilang tulog na lang ang bibilangin ko," bulong ni Jaemin.
Napatawa si Renjun nang mahina saka hinila si Jaemin palapit sa altar. Kakaunti na lamang ang tao sa simbahan at nag-aayos na rin ang mga koro ng mga ginamit nila sa misa.
Napalingon sa kanila ang isang matanda mula sa mga koro at binigyan sila ng malawak na ngiti.
"Ikaw ba 'yung anak ni Lereng na ikakasal na raw sa huwebes?"
Nang marinig ang salitang kasal, pakiramdam ni Renjun ay dumidikit sa balat ng daliri niya ang singsing na suot.
Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Jaemin at pinanood itong ngumiti pabalik sa matanda.
"Ah, opo. Kayo po ba 'yung nakausap ni Nanay?"
Tumango ito bilang sagot. Ang kaninang matamis na ngiti'y nadagdagan ng galak. "Nakakatuwa naman kayo, mga hijo. Nabanggit sa 'kin ni Lereng na kahit kaya niyong maikasal sa ibang bansa ay mas pinili niyo pa rin dito sa simbahan natin nang malaman niyong pupwede."
Marahan ding lumawak ang ngiti sa mga mata ni Renjun dahil sa komento ng matanda.
"Parte na po ata ng relasyon namin ang simbahang 'to. Baka naman po magtampo pa sa 'min kung sa ibang lugar pa po kami dadayo," pabirong sagot ni Jaemin.
Gusto sana ng mga magulang ni Renjun na sa ibang bansa ganapin ang kasal. They even offered to pay for everything. Binalak rin naman ng dalawang binata na sa ibang bansa na nga lang ikasal. Katunayan ay iyon na ang nauna nilang plano. All because they assumed it's not allowed to hold weddings between same sex couple in their church. But when Nanay Lereng told them that she asked someone from the servers if they could hold the wedding in this church, it changed everything on their plan.
Bakit naman hindi? Ang simbahang ito na rin naman ang naging saksi sa lahat ng paghihirap at tagumpay nilang dalawa. Dito sila pumupunta kapag nangangailangan sila ng gabay o kapag may nais silang hilingin. Dito rin sila pumupunta kapag may mga bagay silang gusto at dapat na ipagpasalamat. Dito nila sinimulan ang kanilang relasyon kaya gusto sana nilang dito rin umpisahan ang bagong yugto ng buhay nila.
"Congratulations sa inyong dalawa, mga anak. Napakabuti ng simbahang ito sa mga mag kasintahan. Maging mabuti't mapang-unawa lang kayo lagi sa isa't isa at ang Diyos na ang bahalang gumabay sa inyo."
BINABASA MO ANG
TOYANG (too young) | renmin
Fanfictionwhenever renjun hears the song 'toyang' by eraserheads, he's reminded of how much he loves jaemin and how confident he is to choose his boyfriend over the wealth his parents can give over and over again. wala eh, mahal niya si jaemin pagkat siya'y s...