Chapter 1 - Meet the Devil

215 2 0
                                    

Chapter 1

"I'm sorry, Crystal."

Ang akmang paglapit sa ama ay nahinto dahil sa sinabi nito. Pinatawag siya nito sa loob ng pribadong opisina-mini library ng mansyon. Bibihira lang ang ganitong pagkakataon na ipapatawag siya ng ama kung hindi ito seryosong bagay na pag-uusapan.

Confusion was written all over her lovely face. She was standing few meters away from her father. Nakatayo ito sa gitnang bahagi ng silid at sadyang kanina pa siya hinihintay at di mapalagay. Sa likuran nito ay ang mini desk nito na tanging ang lamp shade lang ang nagsisilbing liwanag making the room semi-dark. Halos di niya maaninag ang mukha nitoi dahil natatakpan nito ang mismong lampshade na nagtataglay ng liwanag.

Bakit di man lang pailawin ng ama ang buong silid or sadyang di na nito nakuhang pailawin man lang dala ng kung anumang bumabagabag dito ngayon?

"Anak, patawarin mo ang Daddy... I failed you..." Ang muling sambit nito sa gralgal na boses. Ramdam sa boses ng ama ang matinding pagsisisi. Agad ang pagsalakay ng kaba at pagkalito sa narinig mula sa ama.

"W-what are you talking about, Daddy? Hindi kita maintindihan..." Napahakbang siyang muli palapit dito bago muling nahinto nang magsalita itong muli habang hawak nito ang ulo na tila gustong sabunutan ang sarili.

"I have nothing left, Crystal... we have nothing left... our business is gone... this mansion is no longer ours... wala nang natira kahit isang sentimo... at.. at makukulong pa ako, Anak..." Ang tila nanlalatang saad ng ama na napaluhod na sa carpet na sahig. Siya naman ay napamaang sa mga narinig. Di siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Tulala siyang nakatitig sa ama. Di niya alam kung paano simulan ang pangungusap o pagtatanong.

Nagbibiro lang ba ang ama? Or baka naman panaginip lang ang lahat ng ito?

Pero malinaw ang mga narinig niya mula sa bibig nito.

How come? Alam niyang mula nang mamatay ang Mommy niya ay palagi na itong wala sa sarili. Hindi maka move on. Laging naglalasing at nagsusugal. Na maging sa kanya ay wala ng panahon pero inunawa niya ang ama. Mahal na mahal nito ang Mommy niya at talagang dinamdam nito ang pagpanaw ng asawa. And that was two years ago. Her mother died of heart attack, a traitor disease. At iyon ang di matanggap- tanggap ng ama.

Ang di niya maunawaan ay sa kung paanong ganun na pala kalaki ang damage dulot ng pagluluksa nito. Wala siyang kamalay- malay na unti- unti na pala silang namumulubi.

"P-paanong nangyari ang lahat ng ito, Dad?" Sa huli'y lumabas sa bibig niya ang sariling boses.

"K-kung sana buhay pa ang Mommy mo.. hindi.. hindi mangyayari ang lahat ng ito Crystal..."

Now he sounds like he's blaming her mother. Na kung tutuusin ito ang may gawa kung bakit humantong sa ganito ang lahat.

No. This is not her Mom's fault, ang tanggi ng isip niya. Pero in a way naiintindihan niya ang nararamdaman ng ama. Her father is totally devastated. She can sensed it in his voice.

Tuluyan na siyang napalapit sa ama at niyakap ito. Sa ganung paraan man lamang ay maibsan ang bigat ng nararamdaman nito. Napaiyak na rin siya. Paano na sila? Saan sila pupulutin kung ang lahat ng kung anong meron sila ay wala na? Paano na ang pag-aaral niya?  At dagdagan pa na makukulong ang ama? Bakit?

"If there is anything we can do Daddy to settle all these, let me help you.. I will do anything I can Dad." Ang tila pag-aalo niya sa ama kahit mismong sa sarili niya ay di niya alam kung paano nila masolusyunan ang kinakaharap na problema.

"Yes.. actually there is one thing you can do to spare your father from all these mess he created." Ang baritonong boses ay nagmula sa bandang likuran ng mini desk. Nakasandal ito sa swivel chair at kampanteng nakaupo.

Paanong di niya namalayang may ibang tao pa pala sa loob ng silid na iyon? Di niya maaninag ang mukha nito dahil kahit ang liwanag ng lamp shade ay hindi inabot nyon ang kinauupuan ng lalaki.

"Your daughter is more than willing to help you, Miguel. Problem solved. You are free." Ang dagdag pa nito na tumayo na at unting lumalapit sa kinaroroonan nila. Still, she can't see his face. Pero sa tindig ay nahinuha niya agad na matangkad ito at may matikas na pangangatawan based sa hugis ng natatamaan ng liwanag. Ewan pero biglang bumilis ang tibok ng puso niya. She can't help thinking that the moment she'll meet this man, she knew everything will change.

Nalipat ang nagtatakang anyo niya sa ama. Hindi ito umiimik pero she felt him tensed.

"Dad? Who's he?" bulong niya sa ama pero di niya napigilang napalakas iyon at umabot sa pandinig ng lalaking nakahinto na ngayon malapit sa puwesto nila. At kung tatangkain niyang tumingala ngayon ay tiyak na masisilayan na niya ang mukha ng estranghero.

Nanatiling nakatikom ang bibig ng ama at di kayang salubungin ang mga nagtatanong niyang mga mata. His father sighed in surrender. But before he could utter a word, she heard the baritone voice coming from the man standing in front of them.

"Allow me to introduce myself... I am Drake Fontanar.. your soon- to- be husband." Sukat sa sinabi nito ay agad ang pagtingala niya sa kaharap sa namimilog na mga mata.

"WHAT!?" At lalo siyang napamaang sa tumambad na mukha ng lalaki.

Guwapo is an understatement. And damn of all the damnest, this man is extremely handsome.

She's right. Everything will surely change from that moment she met him.

******

A/N: Yeah I know.. di ko pa tapos ang iba may dinagdag na naman akong bago.. haha! Pasensya na.. ayaw ko kasi mawala ito sa isip kaya bahala na magkagahol gahol ang utak.

Comments din pag may time?

Falling in love with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon