Chapter 2 -

106 2 0
                                    

Chapter 2 - Deal with the Devil

"Here... call me as soon as you decide to discuss with me the wedding details. No word from you within a week alam mo na mangyayari sa ama mo... not to mention mag-empake na rin as this mansion is already mine."

Iyon ang huling sinabi nito bago ito tuluyang umalis sa silid na iyon. Di sila nakahumang mag-ama.

Nang tuluyan itong makaalis saka tila naman lalong bumagsak ang balikat ng ama pagkuway yumugyog. Napalinga siya rito. Dinig niya ang mahinang hagulhol nito at paulit ulit na paghingi ng tawad sa kanya.

"I am so sorry, Crystal... so sorry...." at napalakas pa ng konti ang hagulhol ng ama. Nahabag siya sa anyo nito at wala sa sariling niyakap ito. Hahanap siya ng paraan.

"May mga kakilala naman kayo sa negosyo di ba, Dad... baka naman pwede tayong humingi ng tulong sa kanila... mapaphiram ka naman siguro nila ng sapat na halaga di ba... para... para mabayaran natin ang lalaking iyon?" Tila gusto niyang manlumo sa sunud-sunid na pag-iling ng ama. Nawawalan na siya ng pag-asa sa anyo ng pagsuko nito.

"Wala na, iha... kahit sa kanila ay may utang din ako... dito kay Fontanar ako may mas malaking pagkakautang na halos lahat ng properties sa kanya na nga mapupunta."

Napatitig na lamang siya sa kawalan. Pilit niyang tinatatagan ang sarili.

"I don't mind getting into prison for all that I've done, Crystal... afterall, I was the one responsible for it... ang pinaghihirap ng loob ko ay ang idinulot nito sa'yo anak...w-wala akong magawa para sa'yo and I am so sorry for that, I really am... and if the last option is for you to marry him... huwag mong gagawin para lang mapalaya ako...huwag mo akong alalahanin... alalahanin mo ang sarili mo...."

Napakurap-kurap siya dahil tila nanlabo ang mga mata niya sa luha. One week ang binigay sa kanya na palugit para makahanap ng solusyon sa kinasuungang problema ng ama.

After a week at wala pa ring mahanap na pambayad sa utang ng ama ay sa kulungan ang bagsak nito.

Liban na lang kung pumayag siya sa last option nito.

Nakaramdam siya ng paghihimagsik at galit. Galit sa lalaking iyon na tila pinaglalaruan ang pagkagipit nila. Siya? Magpapakasal doon? Ni hindi nila kilala ang isa't isa. Oo na, ubod ito ng gwapo pero hindi naman basehan iyon para basta na lang magpakasal sa lalaking iyon. Paano kung ang ugali nun ay kabaliktaran sa anyo nito? Paano kung sadista ito or isang halimaw? Naghuhumiyaw ang pagtutol sa isip at kalooban niya.

Kasabay naman ay ang pagtanggi sa isip na makukulong ang ama. Ayaw niyang makulong ang ama. Sila na nga lang dalawa natira magkakalayo pa sila. At sa masaklap na sitwasyon pa.

Napapikit siya nang mariin. Aghhhh! Kailangan niyang makahanap nang solusyon bago dumating ang itinakdang palugit ng Drake Fontanar na iyon.
******

"What? How come? My God... this is totally shocking, Cryst..." ang gulat na sambit ng kaibigang si Pamela. Nasa isang cafe sila. Di siya pumasok nang araw na iyon at sinadya lang na makipagkita sa kaibigan para sabihin dito ang problema.

"I don't know, Pam... kahit ako mismo naguguluhan hanggang ngayon sa kung paano nagkaganito ang sitwasyon ni Daddy...ang bilis-bilis.. and we only have one week to settle the mess..."

"Oh, Cryst... if only I could do something... sorry to say but worst comes to worst, you can stay at our house, Cryst.. you know you are always welcome sa bahay..."

Nagpahid siya ng pisngi nang may isang butil ng luha ang kumawala sa mata niya. Kahit sa sarili ay nakaramdam na rin siya ng habag di lang para sa ama.

Falling in love with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon