Chapter 3 -
She composed herself kahit pa obvious na tensed siya. Her innocent face reflects the true emotions she's feeling that moment.
Kanina sa reception desk halos tumakbo na siya palabas nung aktong tinatawagan na ng desk officer sa telephone ang sadya niya. Kung hindi lang bumalik muli sa isip ang pakay niya rito ay gumuho na ang lakas ng loob niya.
Ngayon nasa tapat na siya ng pinto kung saan nagtuturo sa kinaroroonan ng pakay. Ramdam niya ang panginginig ng kamay habang inaangat ito upang pindutin ang buzzer. Humugot muna siya nang malalim na buntong hininga bago tuluyang pumindot sa naroong button.
After a few seconds biglang may narinig siyang click at kusang bumukas ang pinto ngunit wala namang tao.
"Come in." Sabi ng familiar na boses mula sa loob.
Nakatayo lang siya at tila naestatwa. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Medyo dim ang ilaw sa loob pero nasisiguro niyang hindi opisina ang silid na iyon. Akala niya ba office ng lalaki ang pupuntahan niya bakit dito siya itinuro ng babaeng iyon sa desk?
" I said, come in.." Ang tila may tigas na sa boses na ulit nito na siyang ikinatalon niya sa gulat.
Sa nanginginig na tuhod, pikit-matang pumasok siya sa loob na tila isang patibong na di na niya kayang lusutan once na inapak niya ang mga paa papasok.
Para sa Papa niya, bahala na. Iyun lang ang nagpalakas ng loob niya.
Nang tuluyang makapasok sa loob palinga- linga siya sa paligid. Di niya mahagilap ang lalaki. Iginala niya ang paningin at di niya mapigilang humanga sa kaayusan ng silid or pad yata ang kinaroroonan niya? Ang mga kagamitan ay purong mamahalin di maikakaila iyon sa klase ng mga disenyo nito. Ang makapal na kurtina sa bandang unahang wall ay nakalihis pabukas kaya kita niya ang salaming sliding door kung saan kita niya rin ang nagkikislapang ilaw sa labas mula sa mga ilaw ng mga gusali at poste. Gabi na nga pala. At heto siya, kailangan niyang harapin ang lalaking siyang tanging makakasagip sa ama niya.
Pero nasaan na ba iyon?
"Have you made your decision now, wife?" Muli siyang napapitlag nang maramdaman niya ang mainit na hininga nito na dumapyo sa batok niya nang bumulong ito mula sa likuran niya.
Napapiksi siya palayo kasi parang nakuryente siya sa tila init na sumingaw mula sa katawan nito. Narinig niya pa ang mahinang tawa nito. Pilit niyang kinalma ang sarili bago tuluyang humarap dito.
Ngunit tila mas gusto niyang panginigan ng laman lalo nang tumambad sa harap ang anyo ng kaharap.
Nakatapis lang ito ng puting towel kung saan nasisilip na niya ang kaluluwa nito sakaling magkamali ng move. Nakalantad ang dibdib at abs nito na namamasa pa gayun din ang buhok na hindi naman gaanong pinunasan kaya kita niyang tumutulo pa sa guwapong mukha nito. Gusto niyang pangapusan ng hininga habang namimilog ang mga mata pati ang bibig.
BINABASA MO ANG
Falling in love with the Devil
RomanceIs it possible to fall in love with the Devil? Because if it is... Then she's definitely falling in love with one.