Chapter 1

71 1 0
                                    

Chapter 1:

Yes! 1st day of senior year. Last year na namin sa pagiging High School. Siyempre pag katapos neto bagong yugto na naman. Samantha Castro nga pala. Sam for short. Napaka-aga ko pala feeling ko male-late na naman tong si Jin. Haaaaaaay! Ano bang gagawin ko? Libot-libot muna sa school? Namiss ko din tong school ko nung bakasyon. Hmmmmm. Sige na nga wala pa namang masyadong tao at 30 minutes pa bago mag homeroom.

As usual ganun parin ang school ko walang pagbabago. Pupunta na lang ako sa rooftop. Wait. Parang may tao ata sa rooftop.

“Ano yung sasabihin mo sakin?” sabi nung guy.

“Matagal na kitang gusto, gusto na kita since last year. Hindi ko lang maamin sayo” OMG! Love confession ba ito? Okay awkward silence……

“Gusto? Paano mo naman nasabi yan?”

“Ahm, since yung pinulot mo yung panyo ko, at lagi kitang nasasalubong”

“Miss, do you know me well?”

“Ikaw si Nathan”

Hmmmmmm. Nathan? Siya yung new student last year ah…..

“Ang alam mo lang yung pangalan ko, but you don’t know me very well”

Wow!!!! Grabe naman.

“And also hindi ko type ang tulad mo, I have to go I’m just wasting my time!”

Hala!! Grabe naman tong guy nato……. Akala niya kung sino siya?!!!!!!

“Miss, are you eavesdropping?” OMGGGGGGGGGG!!!!!! Ano, patay!!!! Anong sasabihin ko…. Eto na lang, tatakbo na lang ako…… 1, 2, 3……. Wait bakit di ko magawa.

“Miss, alam mo bang it’s rude to eavesdrop.”

Ano, anong sasabihin ko?

“Uhhhh, hindi ano kasi ahm” okay takbo ka na lang Sam!!!!

WAAAAAAAAAAAAAAAH~!  Okay nakakahiya yun ah. Omg!

“Sorry. Sorry hindi ko sinasadya” may nabangga akong guy…. “Sorry talaga ahhhh” ngayon ko lang siya nakita.

“Okay lang miss.” Sabi niya.

“Hindi ko talaga sinasadya” inulit ko ulit.

“Haha, okay lang talaga miss. Ah, miss saan yung class 2B?” wow! Yun din yung classroom ko, classmate ko siya.

“New student?”

“Yup”

“Mag-classmate tayo, tara sabay na tayong pumasok.”

“Daniel nga pala”

“Sam”

Andito na pala si Jin….

“Saaaaaaaaaaaaam!!! Oy ah di ako late!!!” ang maingay at makulit kong best friend ay nandito na.

“Hahahaha!! Wow! Bagong buhay?”

“Di naman!!!! Teka sino yang kasama mo?”

“Ahhh, bago nating classmate si Daniel”

“Hello Daniel! Jin nga pala!”

“Hi…” ang cute ng smile niya.

“Saan ka galing na school?”

“Sa Korea ako nag-aaral dati”

“wow!!!! Cool welcome to Philippines bro!! Buti marunong ka magtagalog?!” ang tomboy talaga netong si Jin.

“Uhm, half-korean half-filipino. Yung mama ko Filipino kaya tinuruan niya ako mag tagalog.

Hate him, Love HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon