Prologue
Malamig na simoy ng hangin, malumanay na hampas ng alon sa mga buhangin, at ang magandang tanawin. Talaga nga namang napakaganda ng paglubog ng araw.
Sa bawat paglubog ng araw napapaisip ako na masasaksihan ko na naman ang madilim na bahagi ng mundo. Ngunit bago iyon ay matutuklasan ko naman ang magandang tanawin dito sa may dagat.
Habang tinitignan ang paglubog ng araw ay napagpasiyahan ko na magtampisaw sa malamig na tubig-dagat. Kinuha ko ang tsinelas ko at binitbit iyon habang patungo sa tubig.
Dinama ko ang lamig na bumabalot sa aking paa patungo sa aking katawan. Nakagiginhawa na maramdaman ang ganitong klaseng bagay.
Naglakad-lakad pa ako at mas lalong dinama naman ang simoy ng hangin kung kaya't pumikit ako. Sa bawat hakbang na aking ginagawa ay sumasabay sa aking paghinga. Siguro nagmumukha na akong baliw ngunit talagang hindi ko mapigilan gawin ang mga ito.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko namalayan na may makakasalubong akong lalaki dahilan kung bakit kami nagkabangga at dahilan din upang maimulat ang aking mga mata.
"What the!?" Napatingin ako kaagad sa taong nakabangga ko at saka sa tinitignan nito.
"Look what you did!" Dagdag pa nito at kinuha ang camera niya.
"Excuse me?" Pagtataray ko sa kanya.
Tinitigan niya ako nang mariin habang nakasalubong ang kilay nito. Hindi ako nagpatalo kaya't tinitigan ko rin siya nang mariin. Matangkad siya kaya medyo mahirap siyang tingnan.
"Hindi ko kasalanan kung bakit nahulog, nabasa at kung nasira man 'yang camera mo. Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" Sabi ko na dahilan nang pagkunot ng kanyang noo.
"Me? So ako pa may kasalanan ngayon? Obviously, you are the one who is not looking on where you are going. May papikit-pikit ka pa d'yan." Totoo nga namang papikit-pikit ako pero...
"Alam mo naman palang papikit-pikit ako bakit hindi ka pa lumihis sa dadaanan ko?" Parang na estatwa siya sa sinabi ko bago natawa.
"Seriously? Okay then, just pay me." Huh? Ano daw?
"Pay?" Tumango pa siya sa sinabi ko at nagkibit-balikat. "Wow. Hindi nga ako 'yung nakasira so bakit ako magbabayad? Bahala ka."
"Sure, I'll just tell this to my Mom. I'll make you pay for it."
Natawa ako sa sinabi niya. As in 'yung tawang-tawa. Ang gwapong nilalang tapos nagsusumbong sa Mama. Unti-unting tumigil ang tawa ko nang makitang walang reaksyon sa mukha niya.
"What's funny? Do you not know me?" Lumapit pa ito kaya napaatras ako.
"Hindi. Ano bang paki ko sa'yo?" Sabi ko kung saan napangisi siya.
"You're quite interesting." Napairap nalang ako. Hindi ko namalayan na dumidilim na pala.
"Well, you're not." Walang gana ko na sinabi sa kanya. "Hindi ako magbabayad sa'yo ng kahit ano kasi unang-una 'di ko naman kasalanan 'yang nangyari. At sa susunod 'wag kang naninisi ng ibang tao kung aware ka naman sa ginagawa nila." Pagtapos ko.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita at umalis na ako. Hindi ko na rin inabala pa na lumingon sa pwesto namin kanina at dumiretso nalang sa paglalakad.
Turista lang naman siguro 'yon kaya hindi na ako nag-aalala na baka magkita pa kami ulit sa kung saan. Pero bakit parang may iba pa akong nararamdaman? Nararamdaman na baka magkita pa kami ulit? Weird.
BINABASA MO ANG
Sunkissed Sunset
Random"This photo will be called sunkissed sunset as the sun's kissing us and the sunset being the witness of our love." Sunkissed Sunset By: viniekyu