Chapter 1
Tuluyan nang dumidilim ang paligid. Buti nalang at hindi ganoon kalayo ang bahay namin sa kung saan ako ngayon. Nakalimutan ko palang dalhin ang phone ko kaya wala akong magamit na pang-ilaw sa dinadaanan ko.
Nang makita ko na ang ilaw na nagmumula sa bahay namin ay tinakbo ko nalang ito. Pagkapasok ko ay isinara ko na ang gate. Nakita ko naman si Choco na papunta sa akin kaya binati ko ito.
"Hi, Choco!"
Nakita ko namang lumabas ang kapatid ko kaya napatingin ako sa kanya. Kumaway ako sa kanya bago ko binaling ang atensiyon ulit kay Choco na karga-karga ko na.
"Hindi ka nag tsinelas pauwi, Ate?" Saka ko lang napagtanto na hindi ko na pala naisuot ulit ang tsinelas ko dahil hindi na rin pumasok sa isip ko.
"Ah, hindi na." Hindi naman siya kumbinsido sa sinabi ko dahil halata sa mukha niya. "Maghuhugas din naman ako." Sabi ko at pinakuha na si Choco sa kanya.
Ginawa ko naman ang sinabi ko na maghuhugas ng paa. Buti nalang ay may gripo sa labas kaya hindi ko na kailangan pang pumasok sa loob ng madumi ang paa.
Na'ng natapos na ako ay pumasok na ako sa loob. Nakita ko si Mama na kalalabas lang sa cr kaya binati ko ito at nagmano.
"Nandito ka na pala. Akala ko mauunahan ka pa ng Papa mong makauwi eh."
"Hindi ko po namalayan 'yong oras. Nakalimutan ko rin palang dalhin 'yong phone ko." Tinignan niya naman ako kaya nginitian ko nalang siya bago nag paalam na aakyat at maliligo muna.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay lumabas ako sa may terrace at tinignan ang lugar kung saan ko nakasagutan 'yong lalaki kanina. Hindi ko naman ganoon na makita dahil madilim na rin.
Turista nga siguro 'yon. Base na rin sa kung saan siya nanggaling ay doon matatagpuan ang Resort ng mga Ellano. Hindi ko rin naman nakikita ang mukhang 'yon. Pero dumaan siya sa may rock formation? Ang alam ko ay mahirap daw akyatin 'yon sabi ng mga kabataan dito sa bayan. O baka may ibang daan?
Pumasok nalang ulit ako at kumuha ng malinis na damit para makaligo na. Magha-half bath lang ako kaya tinali ko ang buhok ko nang paikot para hindi mabasa.
Nang makapasok na ako sa cr ay binuksan ko na ang tubig. Hindi naman ito malamig at hindi rin naman gano'n kainit. Sakto lang siya kaya masarap magbabad.
Kalagitnaan nang pagligo ko ay narinig ko na tinatawag na ako ni Twilight mula sa loob ng kwarto ko.
"Ate, bilisan mo! Kakain na tayo!" Sigaw niya mula sa labas.
"Oo!" Hindi ko sigurado kung nando'n pa ba siya pero sinagot ko nalang.
Binilisan ko na ang pagligo ko at nang natapos ay nagpatuyo at nagbihis na ako. Sinuklay ko rin ng kaunti ang buhok ko at saka inipitan ng pa-ponytail para hindi humaharang sa mukha ko habang kumakain.
Pagkatapos ng lahat ay bumaba na ako. Saktong kararating lang din ni Papa kaya naghahanda palang kaya tumulong ako para mapabilis ang pag-aayos.
"Maghugas na't umupo, kakain na tayo." Paalala ni Mama sa amin bago kumain.
Nag-uusap lang si Mama at Papa tungkol sa trabaho kaya tahimik lang kami ni Twilight na kumakain. Magsasalita lang kapag may tanong na kailangang sagutin o kapag may gustong sabihin.
"Tsaka nga pala, umuwi sila Ma'am Keanna kasama buong pamilya! Nagulat nga ako noong nasa airport ako eh nakita ko silang lahat. Ang akala ko ang uuwi lang ay si Ma'am Keanna, si Sir Kenneth tsaka si Kevin." Kwento ni Papa.
Umuwi pala sila Kuya Kevin? Hindi man lang nagsabi.
"Buong pamilya? Edi kakailanganin nila ng katulong pansamantala? Wala pa bang nababanggit sila Ma'am Anne?" Sambit ni Mama.
BINABASA MO ANG
Sunkissed Sunset
De Todo"This photo will be called sunkissed sunset as the sun's kissing us and the sunset being the witness of our love." Sunkissed Sunset By: viniekyu