Chapter 2
Ilang linggo na rin ang nakalipas at hindi ko namalayang pasukan na sa susunod na dalawang linggo. Wala naman kaming ginagawa masyado ni Twilight maliban lang kung may gawaing-bahay. Hindi rin kami pumupunta sa mansyon ng mga Ellano dahil wala naman sila roon at nag-iikot-ikot sila sa Palawan.
Ngayon ay narito lang kami ni Twilight na nanonood ng mga drama. Habang nasa kalagitnaan ng panonood ay biglang nag-vibrate ang phone ko kaya tinignan ko iyon. May nag-message at hindi naman registered ang numero nito kaya hindi ko kilala kung sino.
Unknown: Are you busy tomorrow? Magpapasama sana akong lumibot dito sa bayan ng San Vicente.
Hindi ko na iyon pinansin at baka namali lang ng number ngunit maya-maya ay nag-message ulit.
Unknown: It's Kevin btw.
Si Kuya Kevin pala. Akala ko namali lang. Pero paano niya nakuha ang number ko? Baka binigay ni Mama o kaya'y ni Papa. Sinave ko muna ang number niya bago nagtipa ng reply.
Ako: Sige, wala rin naman akong gagawin bukas.
Pagka-reply ko ay may reply na siya agad. Ang bilis naman. Wala ba itong ginagawa?
Kuya Kevin: That's great! Sunduin nalang kita. See you tomorrow!
Hindi ko namalayang napangiti na pala ako sa reply niya.
"Ate?" Napatingin ako sa kapatid ko nang tawagin niya ako. "May date pala." Sabi niya na tumatango-tango pa. Ano bang sinasabi nito?
"Huh? Date? Sino? Ako?" Turo ko pa sa sarili ko.
Hindi niya ako sinagot at nginusuan lang 'yung phone ko. Napatingin naman ako roon at... Teka? Nabasa niya ba 'yong usapan namin ni Kuya Kevin?
"Hindi ko tinignan, ah. May sinasabi kasi ako tapos hindi mo ako pinapansin kaya napatingin ako sa'yo tapos nabasa ko 'yung 'see you tomorrow', hehe." Depensa niya at naglagay pa ng quotation marks sa ere.
Tinawanan ko nalang siya at umiling-iling pa bago siya tinanong.
"Ano ba sinasabi ko kanina?"
"Sabi ko, bukas na yung enrollment namin. Magkasama kami ni Kristel na pupunta kasi d'yan na rin siya mag-aaral. At tinatanong ko rin kung kailan 'yung inyo." Sambit niya.
"Sa Huwebes pa kaming College students." Sagot ko.
"Eh, 'yung orientation niyo, Ate?"
"Sa Sabado. Kayo ba?" Tanong ko pabalik.
"Sa Huwebes. Hindi mo ba kasama si Ate Trixie? Kumusta na pala siya?" Tanong niya pa muli.
"Ayun, sinulit na ng sinulit ang bakasyon at nag-message lang noon para sabihing sabay kaming magpa-enroll. Pero oo, kasama ko siya."
Tuloy-tuloy lang ang usapan naming dalawa. Binigyan ko rin siya ng ibang mga advice lalo na sa mga gawain ng mga guro sa kung paano sila magturo, magbigay ng gawain at kung ano-ano pa.
Natigil lang ang pag-uusap namin ng malapit na maghapunan. Naghanda na kami ng mga pagkain at hinintay na dumating ang magulang namin. Pagkarating nila ay nag-ayos pa kami ng kaunti bago nagsimulang kumain.
"Talaga, anak? May date kayo ni Kevin?" Tanong ni Mama. Sinabi kasi ng magaling kong kapatid ang tungkol sa messages namin ni Kuya Kevin.
"Hindi nga po 'yon date, Ma! Nagpapasama lang daw po siya." Pagdidipensa ko.
"Parang ganoon na rin yun, nak." Isa rin 'tong si Papa.
"Pero hindi naman po ganoon ang nasa isip ko," pinagkakaisahan na naman nila ako!
BINABASA MO ANG
Sunkissed Sunset
De Todo"This photo will be called sunkissed sunset as the sun's kissing us and the sunset being the witness of our love." Sunkissed Sunset By: viniekyu