Ay, heben!

18 0 0
                                    

Parang isang gwardyang nag mamasid ng kahinahinala si Mine sa covered court sa village nila Kyle.

Pano ba naman kase, ilang linggo ng pabalik balik si Mine sa village nila Kyle, ngunit hanggang ngayon hindi nya parin makita si 'the one' na 'mr. right' nya. Kahit si Kyle nga eh naloloka na sa kahibangan nya..

"Alam mo Mitzi, kung sino man yang 'the one' mo na 'mr. right' mo eh baka hindi na mag pakita sayo yun"lintanya ni Kyle kay Mine.

Tila pinag bagsakan ng langit at lupa si Mine sa sinabi ng kanyang kaibigan.. "bakit mo naman nasabi yan ha baklang unggoy ka ha?! Manghuhula ka na ba ngayon Kyle panget?!"pang iinis ni Mine kay Kyle. Napangisi nalang si Kyle at sinabing, "ayaw kase ng mr. right mo na magkaroon ng jowang baliw."

Tila napaisip si Mine sa sinabi ng kanyang kaibigan, kaya't pag kaalis nito agad syang nag tungo sa pinaka malapit na mall..

Hindi nawala sa isip ni Mine ang sinabi ng kanyang kaibigan.. "Ayaw ba talaga ni Mr. Right ng baliw? Teka, hindi naman ako ako baliw ah! Bat ba ako nag papaapekto kay kyle? Anong akala nya sakin, baliw?!" Sabi ng isang bahagi ng kanyang isip. Habang naglalakad, natanaw nya ang isang ice cream store at pumasok duon.

Pagkatapos nyang mag order, nag masid masid si Mine sa para makahanap sana ng kanyang mauupuan ng may biglang nakabangga sakanya.

Napasigaw sya at napapikit, ready na sana sya na bumagsak sa sahig ng may naramdaman syang dalawang kamay na nakapulupot sa kanyang maliliit na bewang..

Dahan dahan nyang minulat ang kanyang mga mata at nakakita ng isang 'anghel na bumaba sa lupa'
Napatitig sya sa magaganda nitong mata at sa matangos nyang ilong at sa mapupula nitong labi..

Napatili sya at sinabing: "ay, heben!"

Finding Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon