aral dito aral doon.. buti na lang at masyadong busy ang buhay ko at di ko muna iniisip si macky. 

kasama ko ngayon si Bry sa library, gumagawa ng requirements about sa history and everything about sa course namin chuchueklavu for our midterms.

bago kami makapag exam kailangan may maipass kaming requirements by partner kada subject so eto kami ngayon kayod to the max kahit na hindi pa ito finals eh masyado na naming sineryoso ito mahirap na baka bumagsak pa kami at bangko na din namin ito, kung lagapak kami sa finals eh bawing bawi kami dahil dito.

habang nagsusulat napansin kong tulala si bry..

"hoy baklang bakulaw!"

"ayy peklat!" nagulat dahil sa pag sigaw ko

tinitingnan na kami ng librarian at sabay kaming nag peace sign sakanya :D

"HAHAHA" sabay hawak sa bibig ko baka palabasin kami ng librarian dito, mahirap na

"ano ka ba! bigla bigla kang nanggugulat" inis niyang sabi

"ehh ano bang ginagawa mo? ba't tulala ka? ang dami pa nating gagawin no! dapat fair tayo sa lahat ng requirements! bilisan mo na dyan" sabay baling sa libro ko

"oo na! OA mats? di naman ako tatakas sa gawain natin no! ano kasi ohh.. ahmm"

"ano?? ano ba meron?" 

"si fafa macky oh" sabay turo sa direksyon ng mga barkada niya

di ko napansin, nasa library din pala sila masyado lang talaga akong focus sa requirements namin at tutal di naman sila ganun kapansinpansin eh

"o ano meron sakanila?" di ko siya tinitingnan dahil busy ako sa pagsusulat at pagbabasa

"napansin ko kasi jd kanina pa siyang nagnanakaw tingin sa lugar natin eh" ayan nanaman si bry, nag seseizure nanaman po ang kaibigan ko T.T

"hoy! assumerang frog! ang daming table at studyante sa lugar natin no! masyado ka talagang feeling." sabay hampas sa braso.

"eeh! di kasi no! napansin ko tinitingnan ka niya habang busy ka sa pagbabasa" 

"haaay ewan ko sayo. normal lang yan dahil may mata naman siya!" pag pilosopo ko sakanya. at bakit nanaman iba ang naramdaman ko? ba't umiinit nanaman tenga ko? "hoy JD! wag kang OA!" anya ng isip ko

nag focus na lang ako sa pag babasa ng libro haaysss

"JD!!!!" sigaw ni bry

"two of you! shut your mouth or leave?!" ayan na! naiinis na ang librarian! pesteng bakla naman tong si bry! naninigaw bigla kala mo naman ang layo ko sakanya eh magkatabi lang kami! nasira na ata tong eardrum ko dahil sa sigaw niya >___

"ano?!" inis kong sabi

"pumula ang tenga mo! aba..aba! wag mong sabihin kinilig ka sa sinabi kong tinitingnan ka ni macky? ikaw ha!" sabay hampas at tulak ni bry.

"aray ko naman! kung makapang hampas ka alalahanin mong mas malakas ka parin sakin dahil barako ka. ano ba, wala lang to no nakita ko kasi crush ko dun sa may dulo"kahit wala naman, palusot ko lang.

"saan? puro yan babae no!" 

"bakit? bawal na ba magka admire sa isang babae? tss"

"sige lang JD deny lang ng deny" nag smirk pa sakin

"anong deny jan? hoy wala nga to. hay! naubos na ang free time natin! back to work na nga lang tayo"

"in denial masyado.. halata naman sa tenga" at nagsulat na siya ulit

TENGAAAAAA why?!!?! @@ wag ka pahalata pleaassee!! 

Ate meets Kuya..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon