JD

I have my daily routines, go to school, eat alone and go home alone. Isn't it nice? Being alone makes you happy? (Sarcastic tone here).

Hindi na kami nagkakasabay ni Bry because of our hectic schedules, pag may practicals siya ngayon, kami naman kinabukasan. Madalang nalang kami nagkikita. Nagkikita kami pero hi/hello beso here and there lang dahil he has a new set of friends. To be honest, I felt bad not for Bry because he has friends but to myself dahil ilang weeks na 'ko sa school eh mag-isa parin ako. Idagdag pa ang pang bubwisit ni Macky and friends sa buhay ko.

Nasa library ako at nagbabasa dahil ako lang mag isa di ako maka gala sa mall at ang boring kug ako lang talaga ang mag isa.

I saw Macky walk towards me. Is he going to sit beside me? Nako JD wag kang mag assume at sana di siya uupo dito. Papalapit na siya at mukhang masaya ata ang mood neto? I turned back to what I'm doing. I'm actually reading the Catastrophic History of You and Me by Jess Rothenberg. I'm fond of reading some Novels, di ako bookish masyado, nagbabasa ako pero piling story lang.

I was pre-occupied when someone poke my shoulder.

"JD! Huyy!" still continues poking me.

"Ano?" I answered in a cold tone; I glanced at him and returned to the book I read.

"Nag iisa ka ata? Ayy mali, lagi ka palang mag-isa." He chuckled.

"Pumunta ka ba dito para dagdagan ang pagka bwisit ko?" I'm still not looking to him. I am at my boiling point right now. Pero pinipigilan ko lang. Una, dahil nasa library kami at pangalawa, ayoko aksayahin ang oras ko sa mokong nato. Oh geez! When will he stop annoying me? He's really getting on my nerves.

"Chill! Oh eto.. pasensya ka na at nakukulitan ka na sa akin ate" I looked at him. Giving his apologetic face.

"Stop calling me ate for Pete's sake! Unang-una di kita kapatid ni hindi nga kita kadugo!" That's it. Nasigawan ko siya at napansin iyon ng librarian namin. Nakita ko ang warning sign sa face niya. I bowed my head symbolizing that I was sorry for raising my voice inside the library.

"Geez Woman. Ako na nga to lumalapit sa'yo. Tawagan lang naman yun. Wag mo namang dibdibin" He said in a low tone dahil pinagtitinginan na kami.

I closed my book and face him.

"You're unbelievable. Ano bang nakain mo at trip mo atang mambwisit? Bat sakin pa? Madami naman dyan eh. " I retorted.

"Nothing.. I just find you interesting" He said and winked at me.

"Malandi kang higad ka." I murmured to myself.

"Ano?"

"Wala. Di ako kaintere-interesado at kung lalandi ka lang naman pala eh wag na sakin. Dun ka sa mga ibang ka blockmates natin."

"Di ako lumalandi sayo ano, interesting kasi gusto kitang makilala pa. I want to be your friend"

Aba. Choosy! Hoy mister ang ganda ko nalang para sa'yo ano! I thought.

I raised my eyebrow "makilala pa? oh tapos ano? After ng 'pakilala stage' magkakamabutihan stage nanaman? As I've said a while ago di ako kainteresado in short boring ang buhay ko"

"Wow di ko alam na may dugong Madam Auring ka pala. Nakikita mo na pala ang future" he chuckled.

"Shut up. Will you? Kita mong nagbabasa ako dito"

"Ok lang sana kung acads book yan at di kita iistorbohin. Pero novels lang yan eh."

Nakakainis na. sino ba siya para pag sabihan ako na 'Novels lang yan' aba! Mahal ko to ano, mas pa'to sa buhay niya, mahalaga to. Gugustuhin ko pang mainlove sa fictional character kaysa sa totoong tao.

I ignored what he told me and got up. Nag walk out ako dahil inis na ako sakanya.

Buti nalang at di niya na ako sinundan. I was at the cafeteria taking my snacks buti nalang at walang katao tao dahil yung iba may class pa.

"Hi!"

"Ay peklat!"

"anong peklat? Saan? May peklat ako? Ang kinis ko kaya!"

Wow. Masyadong humble naman si Koya.

"ano ba? Para kang kabute! Please maya ka na mambwisit at magbabasa pako. At next time wag mo na akong sundan."

"oi ate ha di kita sinusundan. As far as I know cafeteria to. Bilihan ng mga pagkain at timing nagugutom ako. And by the way, nauna pako sayo dito ano"

"Whatever." I opened the book and pretended that he doesn't exist. Buti nalang at tumahimik na siya. Nadala ako sa story at bigla nalang ako kinilig.

"Ba't namumula yang tenga mo? Kinagat ka ba ng lamok?" He asked while eating his sandwich. Gosh ba't ang sexy niyang kumain? Snap it out JD! Ano ka ba! Inis ka dyan wag mo siyang molestyahin sa utak mo!.

"W-Wala to"

"Why are you stuttering?"

"Ba't ba tanong ka ng tanong? Pwede bang tapusin mo na yang kinakain mo para makaalis ka na?

"Ba't ako aalis eh nagbayad naman ako ng tuition. Pantay pantay lang"

"K."

"Ate... eto, seryoso na. Can we be friends?"

"NO"

"please.."

"No"

"okay". He got up, aalis na siya. Nakonsensya naman ako. Bakit ba kasi ang init ng ulo kko sakanya haynako..

Tumalikod na siya.. palabas na siya..

"Wait!"

Then he turned to face me then a smile was formed to his face.

"ohh boy."

Ate meets Kuya..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon