Reign's POV
Nandito kami ngayon sa harap ng food chain na pinapasukan namin pero di kami makapasok-pasok dahil ang tagal ng boss namin.
"Ano na naman kaya ang problema ni boss?",tanong ni Mae sa akin. Sa pagkakatanda kasi namin, kapag may malaking problema si boss eh late na kung dumating o di naman kaya ay di na siya magbubukas, tsk sayang ang buong araw na sweldo.
"Ewan ay, tsk sayang ang buong araw natin na sweldo",pailing-iling kong saad.
"Oo nga",sang-ayon din ni Mae. Maya-maya dumating si Hannah, yung right hand ni boss.
"Pinapasabi ni boss na wala munang pasok ngayon dahil may importante siyang lakad at bukas pa siya babalik at kung bakit ayaw niya munang ipahawak sa akin ay sabi niya na magday-off daw muna tayong lahat ngayon, yun lang",tapos ay tumalikod na siya.
" Wehhh di nga? Bago yun ah!",Mae exclaimed.
"Hayaan na lang natin mabuti na rin yun may pahinga tayo",sabi ko at tatalikod na sana ng may nakabangga ako.
"Ay sorry po sir",sabi ko sabay pulot sa mga gamit na nakakalat sa daan.
"It's okay",tugon niya rin. Tumayo na kami at humingi ulit ng pasensya.
"Ihhhhh Reign",kilig na sambit ni Mae.
"Anyare sayo, para kang nakuryente dyan?",tanong ko kay Mae na nakatingin pa rin sa malayo.
"Yung nakabangga mo kanina,,,,,,",sabi ulit niya.
"Ano nga?",inis ko uling tanong.
"Ang gwapo nung nakabangga mo kanina, parang artista,,,ihhhhhhhh",tili niya. Tsk gwapo? Sabagay di ko naman nakita yung mukha niya.
"Sus kahit pa magtitili ka dyan, di tayo mapapansin ng mga ganung lalaki",pandidismaya ko sa kanya.
"Libre lang namang mangarap Reign, wag kj",irap niya sa akin.
"Blah blah,,",nasabi ko na lang. Wala pa kasing love life, atsaka masyadong mataas ang standard niya kaya ayun NBSB pa rin. Maganda naman si Mae, choosy nga lang.
"Alam mo Reign, ang ganda mo, mala porselana ang kutis, kutis mayaman, atsaka sexy. Bakit hanggang ngayon wala kang jowa?",tanong niya sa akin. Masyado ba talagang halata? Never mind na lang.
"For your information miss Mae, ilang ulit ko na bang sinabi sayo na itong balat ko ay hindi sensitive kaya walang kapeklat-peklat. At meron ding binibili yung nanay ko na ointment para pag nagkakasugat ako, di pepeklat. Atsaka dyan sa boypren boypren na yan, wala akong time",mahabang sabi ko sa kanya. Naghihintay kasi kami ng jeep na masasakyan pauwi, pahinga muna kami ngayon. Hayyy mahabang araw na pahinga ngayon yesss. I mentally laugh.
___________&&&&___________&&&&&__________
Hello dear readers, enjoy reading? Well please vote and comment na lang po. I want some feed backs na rin po kasi kung pangit ba ang simula o ano. Hehe again, hope you like it, labyu tsup tsup.