Chapter 3

0 0 0
                                    

  
   Araw ng linggo ngayon so simba simba rin pag may time. Nakasanayan ko na kasi at didiretso na din ako ng grocery para mamili ng mga pagkain dahil paubos na ang stocks namin sa bahay. Si Mae naman ayun umuwi, ngayon kasi ang schedule niya na pumunta sa probinsya nila para bisitahin ang pamilya niya at nagdala na rin ng pasalubong. Eh kung ako naman ang tatanungin tungkol sa pamilya ko eh ako na lang mag-isa kaya wala na akong ibang uuwian.
  
   Di naman ganung kababa ang sweldo namin sa food chain, sa katunayan pa nga eh sobra na ang 7,000 sa isang buwan para sa isang katulad ko na mag-isa na nalang sa buhay. 4,000 ang upa namin sa apartment sa kada buwan, kasama na din dyan ang kuryente at tubig na bayarin. Masyadong malaki ang upa dahil meron naman aircon, may tv at ref. Meron na ding stove kaya nga lang eh kami na ang bibili ng tangke ng gas. Every month ang binibili namin na groceries para tipid at hindi din naman lumalampas ng 2,000, naghahati naman kami ni Mae sa lahat ng gastusin sa apartment, at yung maiiwan ay yun yung ibibigay niya sa pamilya niya at yung akin ay iniipon ko. Meron din siyang ipon in case na mangailangan siya eh meron siyang makukuhanan. Minsan din binibigyan kami ng bunos ng boss namin kapag lumampas kami sa quota na target namin sa isang buwan. Kaya sulit na sulit yun, minsan pumaparty kami kapag umaabot ng 9k to 10k ang sinisweldo namin.

   Enough na nga sa kita namin, hehe nandito ako ngayon sa supermarket, bibili ng mga ulam like canned goods, noodles, gulay at prutas, mga seasonings at karne. Minsan lang kung bumili kami ng karne dahil masyadong mahal. Bumibili na lang kami ng isda, eh kung minsan nga rin eh pagmahal ang isda dun na kami bumibili ng karne kasi bumababa naman ang presyo nito. More on canned goods at noodles kami, madali lang rin kasing lutuin compare sa isda, gulay at karne, it'll take time to prepare.

   Nang matapos ako sa pamimili ay umuwi ako deritso ng bahay dahil nakakapagod maglakad-lakad sa SM, baka mamaya na lang ako maglalaba kaya matutulog na muna ako, hehe. Zzzzzzzzzzzzz

_______________________________________________

   Well, pagkatapos kung maglaba at maglinis ng bahay ay dumiretso ako ng park para magpahangin. Bukas pa ang balik ni Mae mula probinsya kaya ako na lang muna mag-isa. Minsan din sumasama ako kay Mae sa kanila, syempre para magliwaliw at para na rin mag-unwind.

   
   Maraming tao dito sa park na tambayan ko tuwing linggo. Mga pamilyang nagbabonding, magkakaibigan na nagpipicnic at mga magjowa na masyadong PDA, haha di naman ako bitter noh, masakit lang kasi sila sa mata, di na tinablan ng hiya. Well ilan lang yan sa mga taong palagi kong nakikita dito, kadalasan din kasi merong mga turista, malaki kasi ang park na ito atsaka madaming puno kaya sariwa talaga ang hangin.

   "Hi miss",may lumapit na tatlong unggoy sa harap ko.

   "Sorry I'm not interested",tumayo ako't nagsimula na sanang maglakad ng harangin ako ni unggoy 1.

   "Wag ka namang kj miss, gusto ka lang naming makilala",sabi ni unggoy 1.

   "Pasensya na pero I don't talk to strangers",sabi ko't lumihis ng daan.

   " Pagbigyan mo na kami miss, pramis dadalhin ka namin sa langit",sabi naman ni unggoy 2 atsaka kumindat, eww ang sagwa.

   " Hindi ako interesado sa langit niyo at pwede ba umalis na lang kayo",galit kong taboy sa kanila.

   " Uyyy gusto ko yan, palaban, tara na miss, wag ka nang mag-inarte. Alam naman namin na magugustuhan mo yun eh",pagpupumilit ni unggoy 3.

   " Oo nga miss, masarap din dun, paliligayahin ka pa namin",unggoy 2. Nakakadiri sila, ambabaho pa ng mga hininga,🤮🤮 nakakasuka.

   "Umalis nga kayo sa harapan ko, ambabaho ng hininga niyo,pwee",niluwaan ko ang paa nung isa, bagay yan sa kanya.

   "Anak ng--- ang tigas mo na, ang bastos mo pa, halika dito",hila sa akin ni unggoy 1. Puta ang kakapal ng mukha.

   "Bitawan niyo siya!",ani boses ng isang lalaki. Pagtingin ko sa likod nung goons na humahatak sa akin ay may anim na kabataang sa tantiya ko'y nasa edad 17 pataas. Napataas ang kilay ko, ang lalakas ng loob ha. Humarap din yung tatlong unggoy sa mga batang bagong dating.

   "Wag kayong makialam dito mga bata",saway ni unggoy 2. Nashock ako ng makitang meron pala silang mga dalang baseball bat, mukhang galing din sila isang laro o di kaya'y nagpraktis.

   "Sorry mamang mukhang unggoy pero parang ayaw kasing sumama sa inyo ni ateng maganda eh",sabay tingin nung nakagreen na t-shirt. Napatawa rin ako sa itinawag niya sa unggoy na nasa harapan ko.

   "Ano bang paki niyo ha?! Gusto niyo rin yatang sumama?",angas na sabi ni unggoy 3. Unti-unti akong lumayo sa likod ng mga unggoy, baka kasi gawin nila akong hostage, hehe, advance ko ba mag-isip, well ganun talaga pagfan ka ng sci-fi at action movies, haha, ay balik na sa action sa harap ko, manunuod na lang ako.

   "Sorry din manong pero di kami manyakis na katulad niyo",sabat naman nung naka-black. Aba't ang tatapang ng mga batang to ha, baka mga basagulero, baka nga.

   "Aba't gusto niyo talagang makatikim ha!",galit na sigaw nung mga goons, at akmang lalapit na sila ng may nakita silang rumurondang pulis.

   "Boss tara nah, may mga parak",sabi ni unggoy 3.

   "Di pa tayo tapos",tinapunan ni unggoy 1 ng masamang tingin ang mga bata. Mukhang di na nga nila ako naalala eh, haha mabuti naman. Aalis na rin sana ako ng tawagin ako nung mga bata.

________________&&&&_______&&&&&&________

Hihi puputulin ko po muna. Mahaba ba? Pinaghirapan ko pong pigain ang utak ko para dyan at meron pa talagang karugtong kaya next chappy na po tayo.

Enjoy reading guys, labyu.....
 

  

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magkaibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon