*Lakad
*Lakad
*Lakad
*Lakad
Habang naglalakad ako, lahat ng mga mata'y nasakin. Woah! Instant artista ang peg! Pangarap ko palang yun hindi ko alam na mapapadali. Alam niyo kung bakit? Secretttt! Pilitin nyo muna ko!
"Ayan na siya!"
"Aba, ganun pala yang klase ng babae, teka, babae nga ba?"
"Hahaha! Funny! Nakakadiri siya!"
Ok. Ayan lang naman ang mga paulit-ulit kong naririnig sa paligid ko tuwing naglalakad ako. Minsan nga sa sobrang sawa na ako makarinig ng ganyan, iniisip ko, hindi naman ako kagandahan.
Sa classroom nga nami'y walang nagkamaling manligaw sa akin.
Hindi katulad ng mga dyosa kong mga kaklase na napapaligiran palagi ng mga boys.
Pero kung ganun nga, bakit ako ngayon ang hot topic ng buong school namin ngayon? Am I that dazzling hot chick? Like , HELLO!? Punung-puno nga ng bilbil sa katawan e. Sabi nila, pag ginagawan ka nila ng kwento na hindi naman totoo , ang dahilan nun, insecure sila sayo...
Pero wala namang kaganda ganda sakin, yung tipong pwede nang kainggitan.
Do they consider me as a threat? THE HELL!
Pero kahit ganun, hindi ako nagpumilit na paniwalaan ng iba.
Sapat na sakin na manahimik na lang lalo na kung alam ko kung ano ang totoo.
Kaya naman hinayaan ko silang pagpyestahan at babuyin nila yung dignidad ko. Yung pangalan ko.
Ang bagay na aminado akong pagkakamali ko.
Ang pananahimik ko sa kabila ng lahat ng naririnig at pinaparamdam nila sakin.
Kasi sinabi nila, pag may ganyang ka echosan sa buhay, wag nalang pansinin. Hayaan na lang. Titigil din sila't magsasawa.
Pero bakit sa sitwasyon ko, mas lalo silang umiingay sa pananahimik ko. Araw-araw, palala lang ng palala.
Kung ikukumpara ko ito sa isang issue sa celebrity, para sakin, kasing sikat to ng issue ni Katrina Halili at Hayden Ko noon. Intriging topic right?
So ready ka na bang makinig at makita yung side ko this time?
Hindi yung puro sa chismis ka nalang dumedepende.
Te! Looks can be deceiving te! Minsan kung anong nakita o nakikita mo, malayo sa katotohanang namumuo sa isip mong parang bloodclot na natatanggap mo pag naiipit yung balat mo sa kung saan! Nakatago nga, minsan nakikita mo naman.
Teka, bago pa ako mag highblood dito, ikwekwento ko ang buong story. Ok?
Pero makikinig ka ba?
Makikinig ka ba kasi concern ka talaga?
O baka dahil...
Gusto mo lang makasagap pa ulit ng mga kwento na pwede mo pang mapasa sa iba?
------------------------------------------
Tutuloy ko ba to guys? Or not? It depends senyo. Hihi! I need at least 5 votes lang naman. Pagbigyan nyo na ko. Hahaha!