Chapter 3 - Their best is my worst

144 4 0
                                    

*Lunch Break

Shane's POV

30 minutes lang break namin. February na kasi. Alam na! Practice na NILA ng sayaw. Oo, NILA lang.

Never ko pa naman naisip na makakasali ako jan. Kahit naman lasing hindi magkakamaling yayain akong maging partner nila.

Psh! Kakain na lang ako ng kakain. Forever alone nanaman ako sa prom. Wala nang bago dun. Kaya hindi ako exited e. (_ _)

Alam ko namang manonood lang ako sa mga sasayaw dun. 15 dances pa naman yung sasayawin. Leshe iisa lang naman ata masasayaw ko e. Yung first dance ko lang. Si Daddy.

Susubo na sana ako ng pagkain ko ng...

"Hoy Chen! Sasayaw ka?"

Ano bang  pake nitong demonyong Brian na to? Tss...

"Hindi."

"Bakit naman?"

"Wala ko partner."

"Bakit? Kayo na lang partner niyang katabi mo ah. Bagay na bagay naman kayo ni Kate e." sabay tawa. Hmm..

Sabi na nga ba, hindi na magbabago yan. Walang ibang alam kundi pagtripan ako't makipaglandian sa girlfriend niyang papalit palit.

But as for now, si Stacy ang current girlfriend niya.

"Che!"

"Hahaha! Bakit ayaw mo? Kinakahiya mo ba siya? Aray! Masakit yun diba mga tol?"

Tumango naman yung mga kasama niya at nag apir sila. Buti si Dredd tahimik lang.

"Kate tara na, ayoko makipagbastusan dito."

"Tara."

At ayun nga, umalis na kami. Haaayyy... Buhay nga naman.

Nadatnan naman namin silang nagsasayaw. Actually, pangarap ko din maging isa sa kanila. Pero hanggang pangarap lang yun. At tanggap ko na din.

Bigla namag dumating na din sina Brian kasama niya yung mga katropa niya. Sina Dredd, Prince, Jolo, at Mike.

Grupo lang naman sila ng mayayaman, mayayaman, sobrang gwapo, at mayayabang! Pwera na lang kay Dredd ko! 

Umupo na lang kami sa isang sulok.

Nakita ko namang kinuha nila yung mga kamay ng mga partner nila at nagsayaw na din.

Ang gwapo talaga ni Dredd! Ang swerte naman ni Mika. Gulay! Siya kasi yung kapartner ni Dredd! Tss.. Ang gwapo talagaaa!

Pero bigla akong napatingin kay Brian. Tofu! Now I can't take my eyes off of him. Ano bang meron siya at nagkakaganito ako ngayon?

Those eyes...

     ...makes me dream of something.

Sana ako na lang yung hawak hawak niya.

Sana ako na lang yung tinititigan niya.

Sana ako na lang yung sinasayaw niya.

Kahit forever na kaming sumayaw, kahit mapudpod yung paa ko kakasayaw, ok lang.

*Tuussshhh!

"Ahhh! Ang lamig!"

Shete! Ang lamig naman nun! Tapunan ba naman ako ng ice tea with ice pa naman! Litsi tong Karylle na to ah.

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw ang problema ko! Pwede bang wag mong tunawin ng titig si Brian! May girlfriend na siya! Hindi kayo bagay!"

Bigla naman siyang nag walk out. 

Wow naman, ang saya niyang kausap ha!

Tumakbo naman si Dredd palapit sakin kaya nagulat ako at silang lahat!

Pero tama ba yung nakita ko?

Si Brian tumigil sa pagsasayaw at napabitaw sa kasayaw niya. Narinig ko din tinanung siya ni Stacy kung anong problema pero nakatitig lang siya sakin. Walang ibang tumigil sa pagsasayaw, siya lang.

Pero maya-maya, ginulo niya yung buhok niya at sumayak na ulit.

(_ _)

Leshe! bAT BA AKO DISSAPOINTED!?

Hindi pwede!

Hindi dapat!

"Pre, ok ka lang?" Kate

Tumango na lang ako

"Uy Shane , ok ka lang?"Dredd 

"A-ah, ok lang ako Dredd. Balik ka na dun, baka mapagalitan ka pa niyan."

"Ok lang yun, madali lang naman yung steps, suotin mo muna to."

Binigay niya sakin yung P.E Uniform niya at bumalik na din siya.

"Shane, samahan na kitang magbihis. Wag ka nga masyadong kiligin jan."

"Sira ka! Tara na nga!"

*** Fast forward****

"Yan! Ok na!"

lalabas na sana kami ng Cr nung may biglang humila sakin.

"Hoy! Hindi ka pa ba kuntento sa girlfried mo?" Leshe tong Stacy na to! Ano bang kailangan niya?!

"Ano bang kailangan mo?"

"Ayokong tinititigan mo si Baby Brian ko! Makuntento ka sa girlfriend mo!"

Grabe ang OA nito. 

Grabeng magjudge, mang-insulto at lahat! 

Bat kaya hindi na lang siya kumuha ng law. Psh!

"Etong bagay sayo!"

Hinila niya yung buhok ko. Shemay! Ang lakas pala niya! Hindi ko naman malabanan.

Si Katte hinawakan ng mga kasama niyang sina Karylle at Roxanne.

Inipon ko lahat ng lakas ko para maitulak siya.

At nung mejo nalayu ko siya sakin../

"Aray! Ano ba!? Unang una, wala akong girlfriend judgemental kiddo! Akala ko matalino ka Stacy but heck, you accepted a very delusional rumor that my haters carried! You wanna bring me down? Why? Am I above you? Pangalawa, kahit tignan o titigan ko si Brian, hindi ko siya maaagaw at wala akong balak na mang-agaw kasi wala akong kakayahang gawin yun! I'm very much aware of that possesive girlfriend of Brian! Wag kang OA! Don't tell me you're being threated by me?! Lastly, I'm sorry sa mga nasabi ko. I just can't take your immature ways anymore! Wala kayong pakeelam sa buhay ko so back off! "

Bakit ba ganun.. 

Madaming nagsasabi na highschool ang pinakamasayang part ng life nila.

Na yun daw yung pinakamemorable sa kanila.

Pero bakit sakin,

pag naiisip ko yun,

yung mga memories ko sa highschool life ko...

Ang mga natatandaan ko lang....

Ay yung mga panahong pinaplastik ako't pinagpyepyestahan ng mga chismoso't chismosa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Would you listen? (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon