BG XVII

46 4 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Ang pandinig ko ay nakatuon pa din sa headmaster's office.

"Where's Benevelle?" Si Silver, hinahanap niya na ako.

"She's not a student of the academy and she is not my concern." Bumuhos sa akin ang pagkadismaya sa turan ng headmaster. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara.

"If you do not have anything to say, then hear my decision. Silver, you will be suspended for a month." Kasalanan ko ba iyon, kung bakit siya masususpend? Kung sana kasi hindi ko na pinatulan si Thunder...

"And you, Snow, your position as Top Lister will be revoked, or-"

"WHAT!?" Siya siguro iyong kambal ni Thunder, parehong na-what eh. "This is unfair headmaster. You are being ruled by your emotions. I know that Elmira is-" mahabang paliwanag nito na may halong taranta at inis sa boses.

"I will stand with my decisions. Unless my daughter wakes up, my decisions will remain clear and irrevocable."

"But, headmaster," umaasang sabi nung babae.

"Your assistance for your comrades came late, Snow - you even failed to rescue your brother. Hindi ka pa pasado na maging isang knight. If this is a real battle, you will not stand a chance in winning. You definitely still lack in skills. I hope you learn from this."

"Eavesdropping?" Tanong ng kasama ko kaya itinapat ko ang hintuturo sa labi ko saka nag-shh.

"Give me a chance, headmaster. Please give me an option."

"Well then, it is my fault for not ensuring that you will be able enough to be great knights before leaving this academy," tumikhim ang headmaster bago nagpatuloy. "You will continue to hold your position Snow but, you will not leave the academy until next year."

"But-"

"No more buts, please leave." Nang madinig ko ang pagsara ng pinto ay tinigil ko na ang pakikinig.

"Oh, anong sabi?" nakangising tanong ni Thunder.

"Chismoso," sabi ko sabay irap. Napahawak ako sa tainga dahil parang may likidong tumutulo doon.

"Tsk. You're bleeding. Ang weak mo naman." Mapang-asar niyang sabi sabay abot sa akin ng tissue na ipinunas ko sa tainga. "Dalian mo diyan para makapunta na tayo sa clinic."

Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Ang sarap nung kare-kare na seafood. Napangiti ako. Masaya kong inubos ang lunch. Sunod ko namang tinikman iyong dessert na may magkahalong lasa ng mango at strawberry.

"Nginingiti-ngiti mo diyan? May bayad iyan."

Nasamid ako sa sinabi niya at walang tigil ang pag-ubo ko doon habang tatawa-tawa naman siya. May iniabot siyang inumin at agad kong inubos iyon. Ang sarap burahin sa mukha niya ang nakakaloko niyang ngisi. Grabe. Nakakakilabot. Parang may balak nanaman siya sa mga ngiti niyang iyan.

"Tinitingin-tingin mo Tingting?" Napakunot ang noo ko habang tinaasan niya ako ng kilay. "Malalaman mo kung may lason iyan kung bukas ay patay ka na."

Napatingin ako sa hawak kong basong walang laman at hindi napigilang manlaki ang mga mata na siyang ikinatawa nanaman niya. Pasalamat siya at nabusog niya ako. Baka kanina ko pa siya nabatukan.

"Bitbitin mo na lang iyan," turo niya sa dessert. "Tara na."

Akmang tatayo na siya nang may biglang sumulpot na napakagandang nilalang sa may likuran niya. Bigla nitong niyakap si Thunder at hinalikan sa pisngi. Napahawak ako sa dibdib sa gulat. Para namang nag-uunahan ang pintig ng puso ko.

Sunod nito ay piningot niya si Thunder na ngayon ay napadaing na sa sakit. Napatayo ako dahil, dahil ano, bakit ba ako napatayo? Nakakaawa kasi iyong itsura ni Tanda.

"A-ate," maluha-luhang sambit nito. Bumitaw ang kapatid niya sa mga tainga niya na namumula na ngayon. Hinilot niya ang mga iyon.

Pabagsak na umupo ang babae. Ang ganda niya. Napakaamo ng mukha niya at napakakinis ng balat niya na maputi. Ang mahaba at unat niyang buhok ay kakulay ng puting buwan at tila kumikinang pa ito. Ang mga mata niya naman ay parang yelo na may repleksyon ng bughaw na kalangitan.

Dumukmo ito sa mesa. May inilabas siyang maliit na vial na may itim na likido saka iyon ininom. Naging kulay itim ang buhok nito. Wow. Pwede pala iyon.

Naramdaman kong may bigla ding yumakap sa akin sa likod. Napabitaw din ito agad. Nilingon ko siya at nakita ang pares ng mga mata na paborito ko.

"I'm glad you're back, Benevelle." Maliit na ngiti ang binigay nito sa akin.

Pinagmasdan ko siya at napansin ang napakadaming sugat niya. Namumutla din ito. Sisimulan ko na sanang magtanong nang higitin ni Thunder ang kamay ko at ilayo ako nang bahagya kay Silver. Saglit niyang tinapunan ng tingin si Silver saka bumaling sa akin.

"Tara na," sabay tingin nito sa mga tainga ko.

Hindi pa man ako nakakasagot ay kinaladkad na niya ako paalis ng dining hall. Nakasunod sa amin si Silver at si Snow.

Pagkarating sa clininc ay dinaluhan ako ng ibang healer saka binigyan ng berdeng likido. Pwe! Ang pangit ng lasa. Agad namang guminhawa ang pakiramdam ng tainga ko at nabawasan ang sakit ng ulo.

"Where's Elmira," tanong ni Silver kay Gen.

"Come with me," seryosong sabi ng batang si Gen.

I AM A BAD GENIE.

"Special room!? Bakit siya nandito?" Pasigaw na tanong ni Thunder.

Pinihit ni Silver ang doorknob. Sinundan ni Thunder ang pagpasok ni Silver at dala ng kuryosidad ay sumunod din ako. Si Snow ay nanatili sa hindi kalayuan habang nakahalukipkip.

Napahawak ako sa dibdib. Ito nanaman ang paninikip nito at ang paghabol ko ng hininga dahil parang tinatambol ang puso ko. May kung anong pwersa ang naglalaro sa sikmura ko at halos maduwal ako dito. Napatakip ako ng bibig.

Tulad ko ay naestatwa sa kinatatayuan si Silver. Nakakapanlumo ang estado ni Elmira, madaming nakadikit sa katawan nito na medical sensors, may tubo ng hangin sa bibig, at may nakapulupot na benda sa bandang tiyan. Anong nangyari sa kaniya?

Blag! Tumba sa sahig si Silver nang malakas siyang suntukin ni Thunder.

"HUWAG DITO," nakakakilabot na babala ni Gen habang mabilis na kumalat ang mga vines sa kwarto.

Mahigpit na pumulupot sa mga katawan namin ang mga vines ni Gen at pabalagbag kaming inilabas ng mga ito sa clinic. Nakakatakot naman ang batang iyon. Parang pitong-taong gulang lamang ito pero with ten years of experience o higit pa. Tinandaan ko sa utak na huwag na huwag siyang gagalitin.

"Holy freak! My dress, bakit naman pati ako," maarte na sabi ni Snow habang pinapagpag ang puting damit. Bumangon ito mula sa pagkakaupo sa sahig kanina.

"YOU!" Sabay turo sa akin ni Thunder bago mapakunot ng noo. Tinampal ko ang pagkakaduro nito sa akin. "This is all your fault," madiing wika nito sa akin bago padabog na umalis.

"So," may pagkamaarteng bati ng ate ni Thunder. "Ikaw iyong nakaaway ng kambal ko, what's your name?" May kakaibang lamig akong naramdaman sa paligid ko. Maamo ang mukha niya pero nakakakilabot ang aura nito, singbigat ng sa headmaster.

"Benevelle, interesting," pinasadahan ako nito ng tingin. "You're wearing my dress. Bagay mo. You're forgiven," sabi nito sa akin saka ngumiti nang matamis.

Napalunok naman ako sa malalim na titig niya, hindi ko alam kung sinsero ang pagngiti nito pero nagpasalamat na lang ako.

"Forget what my brother said, it's not your fault," saglit itong natigilan at inipit muna ang buhok sa tainga bago muling nagsalita.

"Well, may pagkakasala ka dahil hindi mo nakontrol ang kapangyarihan mo o ang emosyon mo but you do not have to live in shame, or in fear. You'll overcome it." Pamilyar ang mga linya.

Parang narinig ko na ang mga sinabi niya pero hindi ko maalala kung kanino nanggaling o kung saan.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now