A STORY OF LOVE AT FIRST SIGHT IN A JEEPNEY RIDE

97 0 0
                                    

The first part of this story is my real experienced.

Hehehe, hindi ko makalimutan si Kuya, swear! Hope yuo like this :)

ENTRY 1

(*The First Encounter*)

Sa tuwing mag-isa akong bumabyahe sa jeep, madalas sa hindi na nakatulala lang ako sa labas ng bintana. Hindi ko pinapansin ang mga kasabay kong pasahero. Madalas kasi na oblivious ako sa paligid ko. But that 'day' is an exception.

One time, may nakasabay akong lalaking matangkad (hindi ako umabot sa kili-kili nya), naka-blue polo shirt long sleeves na naka-rolled up to his elbows, at naka-bull cap na itim (strange?). Mukha syang executive na naligaw, minus the cap. Actually, napansin ko na sya nung kasabay ko pa lang syang naghihintay ng masasakyan. Unusual kasi para sa akin ang makakita sa personal ng ganon katangkad na lalaki na hindi payat. Lean sya at sa tingin ko kung maghuhubad sya ng polo sa harap ko, may mga pandesal din sya ( ansabeee?! ). Hahahaha! Anyways, I noticed something about him while I'm ogling him ( ogling talaga? ). He had this strange aura around him preventing someone to come closer. Hindi ko mabistahan ang mukha nya, sa pagkadismaya ko, bukod pa sa gabi na no'n. Pero, naman! Ang tangos ng ilong at ang ganda ng labi ni Kuya! (At yon talaga ang napansin ko ha?). Napatitig talaga ako sa kanya! Kung hindi pa nga sya bahagyang lumingon sa direksyon ko hindi ko pa malalamang nakatunganga na ako sa kanya. At first time yon! Hindi ako ang tipo na tumititig kahit gaano pa ko nagwapuhan o napukaw sa isang lalaki. Hanggang patingin-tingin lang ako, pero never tumitig. Para sa akin kasi, staring is rude (wow! Nosebleed!)

So, iyon nga, umiwas na ako ng tingin, sakto namang dumating na ang jeep na dapat kong sakyan. Sa gilid ng mata ko, nakita ko rin syang kasabay kong nagtaas ng kamay na hindi ko na pinansin. Sa pagsakay ko, dismayado ako sa hindi malamang kadahilanan. At parang ayaw ko pang sumakay kung hindi ko lang inaalala ang oras. Nung oras na matitigan ko naman sya, buo na sa isip kong pang hero material sa novel si Kuya XD

Imagine my shock ng pag-upo ko sa bungad na upuan ng jeep, sya namang pag-akyat nya at pag-upo sa katapat kong upuan! O.O

Nakita ko sa malapitan si Kuya! And my gas! Hindi lang ang ilong at labi nya ang gwapo, buong mukha nya, dude! Ang ganda ng eyes! Hindi ko lang masyadong nabistahan ang kulay, pero ang ganda! Bahagyang tumabingi ang suot nyang cap dahil tumama sa kisame ng jeep. At sa sobrang tangkad nya, naka-bend na ang likod nya, habang nakapatong ang mga braso sa tuhod. (nai-imagine nyo ba? XD)

Tinanggal nya saglit ang cap nya para ayusin. Bahagya pa syang napasulyap sa akin, sa sobrang kaba at gulat ko na bahagya ko pang ikinaatras, bago nya iyon muling isinuot. Grabe, hindi ko ma-explain ang feeling. Parang may humahalukay sa sikmura ko, at parang may kung anong nakabara sa dibdib ko. (shet, ang corny!). At alam nyo yong feeling na gustong-gusto ko ng ilabas ang cellphone ko para ma-picture-an sya pero hindi pwede dahil baka masuntok ako? Nakaka-frustrate! Hahahaha! XD

And mind you, hindi lang ako ang nakapansin sa kanya, pati na ang lahat ng pasahero, pwera ang driver at ang dalawa nyang katabi sa unahan, napansin sya. And he's not even aware! O.O (Well, at least yon ang napansin ko.)

Nung nag-abot sya ng bayad at magsalita, halos lahat kami napalingon sa kanya. Buo ang boses at nakaka-intimidate si Kuya. Hindi ko alam kung bakit, samantalang hindi naman sya nagtaas ng boses. Nung inabot ng matandang babae ang bayad nya, sa isip ko "Sana ako na lang si lola." Hahahahaha! XD

Sa buong durasyon ng byahe, nasa kanya lang talaga ang atensyon ko. Kaya dismayang-dismaya ako ng mag-para na sya. (Ni hindi ko na alam kung nasaan na kami. Kung lumampas na ba ako o ano.)

Pero eto ang pinaka hindi ko makakalimutan. Nung kumilos sya para bumaba, ngumiti sya. Oo, ngumiti sya dude! At sa tingin ko, ako lang ang nakakita dahil nakatalikod na sya sa lahat at nakaharap na sa pintuan ng jeep. Laglag ang bandera,anak ng tinola! At hanggang sa makababa na sya ng tuluyan at umandar na ang jeep, nakadungaw pa rin ang ulo ko sa pintuan at tinatanaw sya! Epic talaga! XD

Hahahaha, ang pathetic lang. That was 4 days ago, and until now hindi ko sya makalimutan. Kaya sa tingin ko LOVE AT FIRST SIGHT to kahit hindi ako naniniwala doon. *sigh*

Pero siguro nga may sariling plano sa amin ang tadhana...

Dahil hindi lang doon natapos ang lahat...

A STORY OF LOVE AT FIRST SIGHT IN A JEEPNEY RIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon