ENTRY 2 (*The 2nd Encounter*)

30 0 0
                                    

PAHIRAPAN sa pagkuha ng masasakyan ng araw na iyon. Lunes na lunes pa naman. Tss =_____=

Papasok kasi ako sa pinagtatrabahuhan kong cafѐ.

Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala. Ako si Ludelin Alistraba, Ludy for short. 23 years old at mag-isa na lang na nabubuhay sa mundo...

Joke lang! Hehehe, may nanay pa ko na mabait :)

Hala! May jeep na!

Nagmamadali akong makasakay dahil malapit na talaga akong ma-late. Habang sakay ng jeep, naisipan kong tumanaw sa labas ng bintana niyon na madalas kong ginagawa dahil wala naman akong balak titigan ang mga kapwa ko pasahero. Naipit na pala kami sa matinding trapik.

Tch. Lagot na talaga ako sa boss ko.

Habang nakapangalumbaba, nilibot ko ang tingin ko sa mga sasakyan. Hindi sinasadyang napatitig ako sa katabi naming sasakyan. It was a red porsch. Kapansin-pansin iyon dahil bihirang makakita ng ganoong kagarang sasakyan. At sa ganoong kagulong lugar pa. Pero para sa akin, normal na lang ang makakita ako ng mga ganoong uring sasakyan sa dami ng malalaking kompanyang katapat ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ko.

Tinted ang salamin ng bintana kaya naisipan kong manalamin. Baka mamaya ang oily na pala ang fez ko at hulas na ang make up ko, hindi ko pa alam. Hinagod ko din ng mga daliri ko ang may kahabaan kong buhok.

Mayamaya'y natigilan ako. Napatitig sa tinted na salamin ng driver seat.

Feelling ko kasi nakatitig rin ang taong sakay no'n sa akin. Bahagya ko ring naaaninag ang anino nya. Hindi ko lang niya mapagdesisyunan kung babae ba ito o lalaki. Nagulat na lang ako ng unti-unting bumababa ang salamin niyon.

O__________O

Tumambad sa akin ang lalaking lulan niyon. My lips parted when I finally notice how gorgeous the man is. Bahagya ko pang naulinigan ang mahihinang pagsinghap at anasan ng mga katabi kong babae.

 "Syet, ang gwapo!"

 "Mukhang anghel!"

"Mukhang artista!"

 "There's a god!"

 Hindi ko sila pinansin. Nakipagtitigan ako sa lalaki. He looks familiar.

Mayamaya'y unti-unting pumorma ang isang magandang ngiti sa manipis at mapupulang labi ng gwapong lalaki.

Pakiramdm ko nag-blush ako mula ulo hanggang talampakan ko.

(O////O)

Nagtilian ang mga babaeng kanina lang ay mga mukha pang kagalang-galang. Napamulagat at napanganga naman ako ng bigla na lang akong kindatan ng lalaki. OMG lang talaga!

Huling-huli ko pa ang tila pagkislap ng mga mata nya sa kaaliwan bago nya tuluyang itinaas ang salamin ng kotse at pinasibad iyon. Saka ko na lang din napansin na nagsimula na palang magsiandaran ang mga sasakyan.

 "Syet, kinindatan niya ako!" O______O

 "Mali ka! ako ang kinindatan niya, ambisosya!" ^______^

 "Managinip kayo! dahil ako talaga ang kinindatan niya!" *_____*

 "Magsitigil kayo!" Singhal ng driver. "Kung ayaw niyong ihulog ko kayong tatlo!" Banta pa nito. Iiling-iling at natatawa na lang ang mga pasaherong tila nakabawi na sa pagkakatulala. >:/

 Pero ako, hindi na yata makakabawi pa. I was still in shock! Dahan-dahang iniangat ko ang mga kamay ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Ramdam ko ang pag-iinit niyon. Alam kong pulang-pula na ang mukha ko na sigurado akong hindi dahil sa blush-on.

 Sira-ulong lalaki iyon, ah?! 

 Kilig ka naman? Anang kontrabidang boses sa isip ko.

 Hindi no! Maigting tanggi ko.

Ang baliw ko lang. Kausapin daw ba ang sarili? Tss =_________=

A STORY OF LOVE AT FIRST SIGHT IN A JEEPNEY RIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon