CRAZY WORMATES

19 0 0
                                    

"HOY,  babae!"

Napapitlag ako mula sa pagkakatalungko sa ilalim ng counter, dalawang talampakan mula sa pwesto ni Jaycob. Nang lingunin ko ang nagsalita ay si Reema lang pala.

 "Anong ginagawa mo diyan?" Nagtatakang tanong nya. Bahagya pa syang napasulyap kay Jaycob na napatingin din sa kanya. Magkasabay pang nagbawi ng tingin ang dalawa. Parang adik lang ang dalawang to. >___<

 "May baliw na lalaki sa table six." Kagat ang kuko sa hinlalaking sagot ko.

 "Huh?" O__o?

 "May baliw sa table six! Kung hindi ba naman eh, bakit bigla na lang niya akong pinakilalang girlfriend sa mga kaibigan niya, eh, ni hindi ko nga siya kilala?" Nanggigigil na sabi ko. Ang baliw na yon! Nakindatan lang ako kaninang umaga, feeling nya girlfriend na agad nya ko?!

Yes, buddy! Sya nga yung lalaki sa red porsch!

 "Table six?" Paniniyak nya. Nang tumango ako ay nilingon nya ang mesang tinutukoy ko. "Sigurado ka ba? Wala naman kasi akong nakikitang baliw doon ah? In fact, puro mga mukhang greek gods ang mga lalaki roon. Well, pwera lamang doon sa babaeng nakadamit lalaki." Nakangising sabi nya.

 "Baliw yung isang lalaki doon! Iyong lalaking naka-suit na navy blue at malago ang buhok." >:/

 "Talaga? Hindi halata, ha? Ang pogi––"

 "Oy, Reema. Sinong kausap mo diyan?"

 "Si Ludy, Miss Jane."

 "Si Ludy?"

 Maya-maya pa'y sumungaw na ang mukha ni Miss Jane sa counter. Nakakunot-noo habang nakatingin sakin. Lalo ko namang nginatngat ang kuko ko. Mukhang masesermunan pa ko sa kagagahan ko. >___<

 "Anong ginagawa mo diyan? Kanina pa kita hinahanap, ah? 'Andito ka lang pala." =______=

 "Eh, may baliw raw po kasi sa table six, Miss." Sabat ni Reema.

 "Baliw sa table six?"Nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin nya sa aming dalawa ni Reema. Saglit na nawala sya at nang bumalik ay lalong nadagdagan ang pagkakakunot ng noo. "Ako ba'y pinaglololoko niyong dalawa?"

 "Hindi po, Miss!" Sabay na sagot namin ni Reema.

 "Baliw po talaga iyon, Miss Jane." Sabi ko, saka ikinuwento ang nangyari kanina.

Kanina pagkatapos siyang ipinakilala ng lalaking baliw sa mga kaibigan nya bilang girlfriend ay napatunganga na lang ako.

At nang akbayan nya ko ay bigla na lamang sumulak ang dugo ko. Hindi ko na napigilan ang pag-igkas ng kamao sa panga nya na ikinatumba nya. Kaya nga nagawa kong makatakbo at makapagtago sa ilalim ng counter.

Nasaksihan lahat ni Jaycob ang nangyari pero wala akong narinig sa kanya, palibhasa'y nakatuon ang pansin kay Reema. Ang pakonsuwelo ko na lang, hinayaan niya akong magtago sa ilalim ng counter.

Kanina ko pa rin hinihintay na magkaroon ng komosyon dahil sa ginawa kong pagsuntok sa costumer, pero nanatiling kalmado ang lahat.

 "Pero mukha namang matino ang isang iyon, ah?" Sabi ni Miss Jane.

 "Oo nga, Ludy. Baka napagtripan ka lang kaya ganoon ang nangyari?" Sabat naman ni Reema na kanina ko pa napapansing panay ang panakaw na sulyap sa nananahimik na si Jaycob na malapit samin.

 "Ah, basta! Baliw iyon!" >_____<

 "Tama na nga iyan. Marami tayong costumer ngayon, Ludy. Kanina pa hindi magkandaugaga ang mga kasamahan niyo, habang kayo nama'y nagtsi-tsismisan lang dito." Sermon nya samin. "Hala, kilos na! Tama ng kaartehan 'yan. Isumbong mo na lang sa akin kapag inulit pa ng  lalaki na yon ang ginawa niya sayo."

Nauna na nitong itinaboy si Reema na napapatunganga sa nagtatrabahong si Jaycob.

 Habang ako nama'y nakangusong iinot-inot na tumatayo.

 "Ayokong ma-assign sa table nila, Miss."

 "Oo na." Sagot nya saka ako iniwan.

 Maya-maya ay muling lumapit samin si Reema at ibinigay ang dalang order kay Jaycob. Palihim na pinagmasdan ko ang dalawang timang habang itinatali sa likod ng baywang ang apron.

Nahihiwagaan talaga ako sa dalawang to. Nag-uusap naman pero hindi nagtatagpo ang mga mata. Hindi naman duling. =______=

Paano kasi kapag nalingat ang isa ay saka lang titingin ang isa and vise versa. Napailing na lamang ako ng umalis si Reema bitbit ang in-order. Nang lingunin ko naman si Jaycob ay nakatingin ito sa kamay na hindi sinasadyang nahawakan ni Reema. At tila pigil nya ang hininga. Baliw talaga. Tss =______=

 Lumapit ako sa kanya saka malakas na tinapik sya sa balikat na ikinapitlag naman nito, saka wala sa sariling nilingon ako.

 "Huminga ka na, Jaycob. Nakaalis na si Reema." XD

Bago ako makatalikod ay nahagip pa ng matalas kong mga mata ang pamumula ng mga pisngi nya. Itinago pa nya sa bulsa ng apron ang kamay na tinitingnan nya kanina. Tatawa-tawang na lang akong umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A STORY OF LOVE AT FIRST SIGHT IN A JEEPNEY RIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon