"We meet again."

21 0 0
                                    

"SIGURADO ka ba talagang nakakaputi ito, Ludy?" Kunot-noong tanong sa akin ni Reema habang sinisipat-sipat ang hawak na botelya ng lotion. Kapareho ko rin syang waitress sa Kawaii coffee shop na iyon. Walang masyadong costumer ng mga oras na iyon kaya libre kaming magtsismisan.

 "Oo nga sabi!" Pinandilatan ko pa sya. "Ano ka ba? Bebentahan ba naman kita ng peke?"

"Oo na, oo na! Sige na, bibilhin ko na ito. Para naman maging kasing kutis na kita." Nakangising sabi nya sabay haplos sa braso ko. Baliw talaga to =________=

Raket ko na talaga ang magbenta ng kung ano-ano para lang magkapera. Payag naman ang may-ari at manager ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ko na si Phoebe Jane–– Miss Jane para sa lahat ng tulad kong empleyado–– sa ginagawa ko. As long as hindi naman daw makakasira sa negosyo nya. Mukhang pera din yung boss ko no? XD

 "Hindi ka na puputi, Reema." Napabaling kami sa nagsalitang iyon. Si Jaycob, ang kakambal ni Miss Jane na nagpa-part time doon bilang barrista. "Asa ka pa. Forever ka ng magiging ulikba!" Nakangising sabi nya. Ang yabang din nito eh. Buti na lang gwapo XD

 "Aba't––"

Kitang-kita namin nang akmang bubuhat ng silya si Reema upang marahil ay ihampas sa lalaki. Buti na lang at naawat sya ng mga kasamahan namin. Tatawa-tawa lang naman ang iba, habang ako naman, iiling-iling lang. Sanay na kasi kaming lahat sa aso't pusang pagbabangayan nila.

 Minsan nagtataka ako sa ugali ni Jaycob. Madalas sa hindi na tahimik lang sya sa pwesto nya sa likod ng bar counter at madalang ngumiti. Magsasalita lamang sya kapag trip na nyang pikunin si Reema.

 "'Oy, Ludelin." si Maki–– Maria Kirstin for long, waitress ding katulad ko. "Ano't tulala ka na naman diyan?"

 "Wala. Nahihiwagaan lang ako sa dalawang iyan," sabi ko, sabay nguso sa kinaroroonan nina Jaycob at Reema na panay pa rin ang bangayan.

 "Sus! Parang hindi ka na nasanay sa dalawang 'yan." Sabat naman ni Paige na assign naman sa cash registre. "Eh mula pa nang tumuntong ako dito, ganyan na ang mga iyan eh."

 "Hoy mga alipin! Ano na namang pinagtsitsismisan niyo diyan?"

 Sabay-sabay kaming napabaling sa nagsalita. Kailangan talaga alipin ang tawag? Ang manager at may-ari ng Kawaii  coffee shop ang nasa harapan namin ngayon at nakapamewang. Nagpalipat-lipat ang tingin nya saming tatlo.

 "What? Ngayon lang kayo nakakita ng maganda?" Kapal din no? XD

 Napangiti kami.

 "Siyempre hindi, Miss Jane." Sagot ni Maki. "Halos oras-oras kaya kaming nakaharap sa salamin."

 "Ah, gano'n? Sesantihin ko kaya kayo?"

 "Siyempre joke lang 'yon , Miss Jane! Kayo kaya ang pinaka-maganda sa balat ng lupa!" Natatawang sabi ko.

 "Hindi naman. sa Kawaii coffee shop lang." XD

 Komportable kaming biru-biruin sya ng ganon, kaya hindi kami natatakot na mawalan ng trabaho. Just as long as we know our limitation.

 "Ikaw ang ulikba! Pangit!" Sigaw ni Reema sabay walk-out.

 Hindi na kami nakahuma dahil hindi na namin nasundan pa ang bangayan ng dalawa. Napabaling kaming lahat kay Jaycob na tahimik lang na sinusundan ng tingin ang papasok sa kusinang si Reema.

 Nagpapalatak naman si Miss Jane. "Jacobo, ano na namang ginawa mo kay Reema at nagwalk out iyon?"

 Hindi sya umimik sabay walk out din at dumiretso na sa puwesto nya sa bar counter. Yung totoo? Saan ba pinaglihi ang isang yon? Sa sama ng loob? XD

 Iiling-iling naman kaming bumalik sa trabaho. May mga bagong pasok na kasing costumer. Sabagay, coffee break na nga pala ng mga kompanyang katapat lamang ng coffee shop. Nilapitan na ng mga kapwa ko waitress at waiters ang ibang grupo ng mga costumer. Habang  ako nama'y nilapitan ang isang grupo na puro lalaki na mukhang mga executive maliban sa isang lalaki na naka-t-shirt lang.

 "Konichiwa! What's your order, Sir? Er, and Ma'am?" Nakangiting tanong ko sa kanila. Ngayong nasa harapan ko na sila, saka ko lang napansin na apat lang pala ang lalaki sa kanila habang ang isang nakaplain shirt ay babae pala. Mukha lang syang lalaki sa malayuan dahil sa buhok nyang gupit lalaki.

 In all fairness, walang itulak-kabigin sa mga itsura nila ha. Lahat guwapo. Miski ang babaeng gupit lalaki ay mukang modelo sa ganda. Isa lang ang hindi ko makita ang itsura. Ang lalaking nasa kaliwa ko at katabi naman ng babae. Nakayuko kasi sya. Hindi ko na lang pinansin.

 "Brewed coffee ang akin."

 "Mocha frap."

 "Cappucino."

 "Iyon na rin ang akin."

 "Ikaw, kuya?" Tanong ng babae sa lalaking nakayuko.

 Nakahanda na ang ngiti ko ng mag-angat sya ng mukha. Na-freeze ang ngiti ko  nang tuluyan ko ng mabistahan ang mukha ng lalaki.

 "Mocha frap na din ang akin." Nakangiting sabi nya sakin. His eyes were shining in mischief.

O_________O

 "Hi." Bati nito. "We meet again." He lean at his seat and held up his hand as if waving at me. (^____^)/

 Ang sira-ulong lalaki! O___O

 "Kilala mo siya, JD?" Tanong ng lalaking may berdeng mga mata.

 "Yeah." Sagot nyang hindi pa rin inaalis ang tingin sakin. "My girlfriend." XD

A STORY OF LOVE AT FIRST SIGHT IN A JEEPNEY RIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon