Epilogo

56 4 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

The land of present and tomorrow
which knows no past, will never last
In order to know what's forgotten,
the doom of good shall rise.

The born ruler of the hidden world
is bound to be protected by thee.
Guide and care, and love the heir.
Believe and you shall see.

~ Silver ~

Patungo kami ngayon sa Aqua-Terra para kunin si baby Celine kay Heleng Lily.

"Elmira."

"Hmm," sumilip ito mula sa karwahe habang nakasakay naman ako ng kabayo.

"Nothing."

"Let's talk, later," napatango na lamang ako sa kaniya. Lalo kong nadama ang malawak na pagitan naming dalawa.

Matatanaw na namin ang mga halaman na nakapalibot sa munting village ng mga Aqua-Terra, sila lamang ang walang kingdom at ang pamumuhay nila ay kaiba sa ibang mga elementians. Payak at mapayapa. Isa silang malaking pamilya kahit hindi sila magkakamag-anak. Ang anak ng isa ay anak ng buong komunidad. Ganoon sila dito.

"Greetings, Head Healer Lily," sabay naming bati sa kaniya. Siya ang kagalang-galang at katiwa-tiwalang healer ng buong Kromelia. Ang kapatid niya ang dating chieftain ng Aqua-Terra village pero yumao na ito kaya kinailangan niyang bitawan ang posisyon habang nagtre-training naman si Gen na pumalit sa kaniya.

"Mabuti at napadalaw kayo," inabot niya sa akin ang sanggol na mahimbing ang tulog pero hindi ko pa lamang ito nahahawakan ay nagbabadya na itong umiyak.

"Ako na po," inabot ni Elmira ang bata at masaya itong kinarga.

May kung anong sumisilay sa dibdib ko habang nakikkta ang matamis na ngiti niya sa sanggol. Pwede din ba akong magkaanak?

"Hindi naman sa nagmamadali ako pero nahanap niyo na ba ang anak ko?"

"Pasensiya na po. Patuloy po ang paghahanap namin subalit hindi pa din po namin makita si Gen," malumanay at nakikisimpatyang turan ni Elmira.

"Kung sakali," may kinuha ito na litrato at iniabot sa amin. "Kung sakali mang yumao na siya, ganiyan ang magiging itsura niya," pinipigilan nito ang mga luha pero nabigo ito.

Tinignan namin ang litrato ng isang napakagandang halaman na may mahahabang dahon na lumiliwanag. Bumigat ang loob ko. Sinubukan na ni Elmira na gumawa ng tracing circle para mahanap siya pero paulit-ulit kaming nabibigo.

"Sige na't hindi ko na kaya patatagalin pa dito. Mag-iingat kayo."

"Salamat at patawad po Heleng Lily."

"Sana mahanap niyo ang anak ko."

Bagsak ang mga balikat ni Elmira. Malapit kasi ang loob niya kay Gen dahil isang Aqua-Terra ang ina niya. Tahimik lamang ang buong biyahe pabalik ng akademiya kaya inilibot ko na lang ang paningin hanggang sa mapatingin ako sa butas sa gitna ng lupain ng Kromelia. Wala namang masiyadong makikita sa paligid.

Pagkatapak namin sa lupain ng academy ay bigla na lamang naiyak nang malakas si Celine.

"Si-Silver, ang init niya," nag-aalalalang tawag sa akin ni Elmira.

Halos mapaso na si Elmira sa init ng sanggol kaya gumawa na ito ng bloke ng lupa at doon siya panandaliang ibinaba. Namumula ang mga braso niya kaya napahawak ako doon.

"Ayos ka lang?" pagtango lang ang sagot nito sa akin. Kinakailangan ko siyang dalhin sa medic station kasama ang sanggol.

Maya-maya lamang ay biglang lumitaw sa lugar namin si Benevelle. Teleportation. Ang lakas ng bond nila bilang siya ang kinikilalang ina ng sanggol. Mabilis niyang inalo si baby Celine. Sabay-sabay naman na tumunog ang watches namin at nabasa ang mensahe ni Thunder sa group chat ng mga dating rankers.

[What the fuck happened?]

Dama ang taranta niya. Nasa Aero-Aqua ito ngayon habang nagsasanay na umupo sa trono at matatagalan bago ito makarating sa academy grounds dahil sa haba ng biyahe. Isa ding naapektuhan ng bond. Kung bakit ba kasi pinangalanan nila ang sanggol.

Bumalik ang paningin namin kay Benevelle na inaalo si Celine. Humalik ito sa noo niya at may ice blue o bluish white na usok na lumipat sa katawan ni Benevelle. Nagitla ako sa nakita. Pero nasasabik ako sa mga susunod na mangyayari.

Unti-unting humupa ang pag-iyak ng sanggol.

"Oh, I'm glad she's fine," bumaba na din ang temperatura ng sanggol. "How did you do it?" puno ng kuryosidad na tanong ni Elmira pero nagtatanong din ang mga mata ni Benevelle.  "Nevermind, mauna na kami, Ben."

I found her. Finally, I found her.

Isinama na muna ni Benevelle ang sanggol sa kaniya at sa kung saan na ito nagpunta.

"Saan tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Library," maikling sagot niya na ikinabuntong-hininga ko sa loob-looban. Hindi ko maintindihan kung kailan nagsimula ang masamang hangin sa aming dalawa. Awkward ba. Bigla na lamang umiwas sa akin si Elmira pagkatapos ng birthday party ni Blue.

Nakarating kami sa isang kweba kung saan maingat na inilagay ng mga earth elementians ang mga libro.

The land of present and tomorrow
which knows no past, will never last

Iyan ang paulit-ulit na ibinubulong sa akin ng kapangyarihan habang binibigyan ako ng iba-ibang misyon ng elemental spirit ko. Kung ano man ang kailangan naming malaman mula sa nakaraan ay hindi ko din alam pero mabuti at naisalba namin ang mga lumang kasulatan at ancient books sa library.

In order to know what's forgotten,
the doom of good shall rise.

"Elmira," mahinang pagtawag ko sa kaniya.

"Itanong mo na, noong isang araw ka pa ganiyan," sabi nito habang nag-aayos ng ilang libro.

"Anong ibig sabihin ng 'the doom of good shall rise'?"

"Pinahaba mo pa kung pwede namang destruction na lang," kaswal na paliwanag niya. "Bakit?"

Destruction? Ano naman ang kinakailangang masira, mabuwag, o mawala para lang maalala namin ang nakaraan?

The born ruler of the hidden world
is bound to be protected by thee.

"Elmira," muling tawag ko sa kaniya at nabawasan ang points ko. Napalakas ata ako ng sabi.

Tumitig ito sa mga mata ko bago binigkas ang pangalan ko. "Silver," may kung ano namang naglalaro sa tiyan ko sa pagkakasabi niya.

Napahinga ako nang malalim bago muling nagsalita. "Kung ikaw ang tatanungin-"

"Hmm."

"Proprotektahan mo ba ang isang elementian na pwedeng sumira sa Kromelia?"

"Malamang hindi." Tama, malamang hindi pero paano kung kinakailangan.

"Iibahin ko ang tanong, may dahilan ba para protektahan ang isang elementian na pwedeng maghatid ng delubyo sa Kromelia?"

"Hmm, madami Silver," saglit itong tumigil bago nagsalita muli. "Pero umpisahan na lang muna natin sa katotohanang isa siyang elementian na kapareho natin ay may karapatang mabuhay. Isa pa, ang sabi mo 'pwedeng maghatid' kaya hindi pa tayo sigurado na kinakailangan siyang parusahan sa isang bagay na hindi niya pa naman nagagawa.

Sakaling pakitaan natin siya ng kabutihang-loob o pagmamahal, baka hindi na niya ituloy na magdala ng delubyo, hindi ba?"

Guide and care, and love the heir.
Believe and you shall see.

Tama siya. Palagi naman siyang tama. Then, I'll take care of you, Benevelle.

Itutuloy sa susunod na libro.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now