ito'y koleksyon ng mga tulang aking isinulat.
balang araw,
lilipad ako at ikaw,
sa ngayo'y huwag bumitaw.hindi maglalaho ang mga balakid na humaharang sa ating daan patungo sa tagumpay pero kayang-kaya natin itong malagpasan. mahirap man abutin, malayo man ang lakbayin, tayo'y magpatuloy pa rin dahil sa huli'y malalasap din ang kaginhawaan. ang mga tulang nilalaman nito ay tungkol sa mga pangarap na balang araw ay makakamtan kaya pag-asa'y huwag bitawan.
marami silang masasabi at ika'y baka mabingi pero laksan mo ang iyong loob at huwag magpatinag. alisin mo ang mga negatibong pumapaligid sa iyong isipan at mga bagay na bumabagabag.
kahit na anong sabihin ng iba, maaabot mo rin ang mga tala. basta ay magpatuloy at magpokus sa sarili dahil ikaw din ay sasaya.
darating ang pagkakataon na ikaw din ay maiinggit dahil sa pagkatalo. pero kailangan mong matutong pumalakpak sa nanalo.
sa huli, ikaw ay lilipad nang mataas at maaabot mo ang mga nagkalat na tala. at sa paglipad mong 'yon, ikaw naman ang papalakpakan ng mga nakakita.
maraming salamat sa pagbabasa!
nagmamahal,
grisylda
BINABASA MO ANG
Pag-abot sa mga Tala
Poesia๑ sa labing-anim na tulang ito, sana'y magkaroon ka ng pag-asa. isaisip mo lagi na magpatuloy sa buhay kahit na mahirap.