dedikasyon

148 9 2
                                        

francine,

maligayang kaarawan!

ang mga simpleng usapan natin tungkol sa ating mga pangarap ay ang nag-udyok sa akin na isulat ang mga tulang 'to. sana'y magustuhan mo ang munting regalo ko.

alam kong hindi ka pa handa na magsulat ulit at ayos lamang iyon, huwag kang magmadali. darating din ang panahon kung kailan matutupad mo na lahat ng iyong gustong makamit. kaya kahit ano mang balakid ang humarang sa iyong daan ngayon, maging matapang kang harapin ito. sa huli ay magiging sulit ang lahat.

para tayong araw at buwan dahil hindi pa tayo kailan man nagkita pero kahit na ganoon ay gusto kong malaman mo na mahal kita't lagi akong mananatili bilang iyong kaibigan at kapatid.

Pag-abot sa mga TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon