BG XLVIII

35 4 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

~ Elmira ~

Nawalan ako ng malay.

"Elmira, you okay?" tanong ni Bern sa akin na siyang nakahanap sa akin sa damuhan habang nagpapatrol ako sa labas. Dinala ako nito sa pinakamalapit na medic station.

"Bern, this is serious. You have to go home. Please inform Master Cray that your kingdom has fallen into the hands of Han," nanlaki ang mga mata nito at nagmadaling hanapin si Master Cray.

Everything was already planned. Sinubukan namin silang gipitin sa oras at inabante ng isang buwan ang year-end duel pero ang pag-atake nila sa academy ay isa lamang distraction para lusubin nila ang Ignis at palitan ang kasalukuyang namumuno doon. Si Han ang pinuno ng hunters. Sa akin lang ipinakita ni Snow ang nangyari sa kaniya kahapon at kahit medyo malabo, I am quite sure na si Tito Han, all this time, siya ang nagpatuloy ng Project S na inumpisahan nila daddy at ng ikinukwento niya sa akin na bestfriend niya.

Mabilis ang mga pangyayari sa loob ng arena habang may nagbabadya naman na lindol. Ang library! Dali-dali akong bumalik ng academy para i-secure ang confidetial files and banned books na nandoon. Pagkarating ko doon ay si Master Pandone na lamang ang naabutan ko. Iniisip niya bang makakagawa siya ng kweba mag-isa para sa ganito kalawak na library?

"Elmira, I'm glad you came. At least, there's one who thinks a lot like me," litanya niya bago namin inumpisahan na isarado o ikulong ang lahat ng libro na narito.

This is tiring, we need some help.

"Thunder," mabuti at sumunod ito dito.

"I thought I'd find you here. I'll open shared telepathy pero hindi ko kakilala ang mga kasamahan niyo kaya kayo na ang magtawag."

"Thank you," kanina pa na-cut ang communication lines namin kaya hindi kami makatawag ng tulong gamit ang watch.

Nang dumami ang earth elementians na kasama namin dito nagkaroon na ako ng panahon magtanong.

"Kumusta sa labas?" medyo matagal bago ito nasagot dahil tuloy-tuloy itong umiinom ng healing potion.

"Already settled. Ligtas ang karamihan ng mga estudyante na nasa loob ng arena but outside, I do not know."

"Ang mga taga-labas o mga bisita?"

"Went back to their kingdoms sa tulong ng mga Lord/Lady. Ang mga Hark Knights naman ang humabol sa mga hunters na nagdulot ng gulo sa academy."

Malapit na naming masarado ang kweba nang makaramdam kami ng sunod-sunod na malalakas na vibrations sa lupa.

"Double time!" Umalingawngaw ang boses ni Master Pandone at ibinuhos na namin lahat ng natitirang pwersa at lakas para matapos ang library dome.

Ano na bang nangyayari sa labas.

"I'll check outside," nasara namin ang natitirang butas sa paglabas ni Thunder.

I have to trace them. Akmang gagawa na ako ng tracing circle nang may humawak sa akin sa braso.

"Elmira, stop," mariing sabi ni Master Pandone. Nito ko lamang naramdaman na medyo basa na ang damit ko. "Lagot ako sa daddy mo, any healer here?"

Unti-unting lumabas si Mina mula sa pinagtataguan.

"Aqua-Terra? Bakit ka nandito?" May hawak itong test papers sa kamay. Iyon ata iyong pinasagutan ni Master Ravini kay Benevelle pero tinulungan siya nila Riel at Mina. Mga pasaway.

Nanlaki ang mga mata ni Mina nang makita ang kalagayan ko, "I'll help." Dali-dali itong umalalay sa akin nang hindi sinasagot si Master Pandone kaya napatikhim na lamang ang huli.

May spare ako na benda na lagi kong dala kaya iyon ang ginamit niya. Naitali niya ito nang maayos sa akin at sa katunayan ay iyon lamang ang inaasahan kong gagawin niya pero maya-maya ay ginamit nito ang kapangyarihan.

"Here is the poison of your pain, here is the antidote. Ah, pakiinom na lang po ito, Ate Elmira," sabi niya sabay abot sa akin nung antidote. You can trust an Aqua-Terra. She's quite a unique Aqua-Terra. Ininom ko iyon at nadama na unti-unting nagsasara ang bukas na sugat ko sa tiyan.

"Thank you," sabi ko at ngumiti sa kaniya. "What will you do about the poison?" Hindi ko mapigilang magtanong.

"Itinatago ko po hanggang sa may mapaggamitan," magiliw nitong sabi.

Then I hope, she uses it carefully. Delikado ang kapangyarihan niya. Sana isa siyang mabuting elementian who rightfully deserves it.

"I think, we're done here. We should help outside too."

Nahirapan kaming lumabas dahil sa unstable na galaw ng lupa. Pagkalabas ay napanood namin ang patuloy na pagbagsak ng mga poste ng akademiya habang naglalabas ng matitinis na tunog ang mga salaming bintana na nahuhulog at nababasag. Ang akademiya ay tinutupok ng malaking apoy. Sinusubukan itong patayin ng ilang water elementians sa pangununa ni Master Harper pero walang epekto ang kapangyarihan nila sa apoy.

"Leave it be," sabi ni Master Pandone kay Master Harper.

"Pero-"

"We tried to control the earthquakes earlier too. Hindi namin kaya. This is out of your control, you've done your best. Please rest."

Pumili ng kani-kaniyang gagawin ang mga natira. Habang naglalakad sa paligid ay naabutan ko si Benevelle na nakasalampak sa lupa.

"What do you think you're doing? Mukha kang tanga," inis na turan sa kaniya ni Thunder.

"Kasalanan ko ito."

"Benevelle," hingal na sabi ni Silver sa kaniya. "Let me get you inside," pag-aya nito sa dalaga.

Bumuntong hininga na lamang siya dahil hindi maawat si Benevelle. Nagtama ang paningin namin at tipid itong ngumiti habang lumapit naman na ako sa pwesto nila. Kailangan niyang kumalma. Kanina pa niya sinasabi na kasalanan niya pero anumang gulo sa paligid ay hindi naman inaasahan. Maliban na lang kung isa siyang spy o isang hunter.

I need to check on her. Kasama na siya sa listahan ko.

Nagulat kami sa sunod na ginawa ni Thunder. Itinayo niya si Benevelle saka dinampian ng halik sa labi, sa ilong, at sa noo. Nagawa niya pa iyon sa sitwasyon ngayon?

"Don't you dare cry in front of me again unless you want me to kiss you," sabi nito habang nakatingin diretso sa mata ni Benevelle. Napaawang bahagya ang bibig ko. Ano daw? "It's not your fault."

"I want to do that too," bulong ni Silver na narinig ko.

"Eh 'di gawin mo," iritang sabi ko. Epektibo naman kasi kay Benevelle, tumahan na bigla.

"Sa iyo?" malokong tanong ni Silver. "You sure I can do that?"

"Ewan ko sa'yo. Ang seryoso ng sitwasyon tapos magbibiro ka ng ganiyan," natahimik na lang ito sa kinatatayuan.

Nagsalita naman muli si Benevelle. "Ipinapangako ko," naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko sa boses nitong puno ng determinasyon. "Ipinapangako kong mula ngayon, hindi ko na hahayaan ang kapangyarihan ko na manakit ng iba."

Benevelle S. Quentin
Aero-Aqua
Power: Fog
Abilities: Heightened sense of hearing, Teleportation

Ito lang naman ang kapangyarihan niya, hindi ba? O mayroon pang iba?

"Yeah, right," pagsang-ayon ni Thunder habang magkakapareho kaming naguguluhan dito.

"I will protect the people I love kahit kailangan ko silang protektahan mula sa akin," mahinang dugtong ni Benevelle. "No, I'm not, I'm not a bad genie," bulong nito sa sarili bago nahimatay.

"What are you doing here? Holy freak, bakit ganiyan itsura niya," turo ni Snow kay Benevelle na nasa bisig ni Thunder. "Her dress... whatever, just come and help."

Sumama kami kay Snow. Mula sa academy ay nagtungo kami ng arena na nagmistulang evacuation center. Sa kabila ng mga pangyayari ay mabuti namang ligtas na dito. Maaayos din ang lahat.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now