Chapter 18

432 27 149
                                    

Chapter 18

Queen's_POV

Mabilis na lumipas ang mga araw at finals na pala namin next week. Inaamin kong pahirap ng pahirap ang mga topic namin. Minsan nga ay ayaw nang tanggapin ng brain cells ko ang mga sinasabi ng mga professors dahil sa lalim ng mga explanations. Ansakit na sa tenga at utak ng mga medical terms. Napaiisip tuloy ako kung legit pa ba ang mga pinagsasasabi nila?

I tapped my fingers habang nililibot ang tingin sa buong klase. Napabuga ako nang mapagtantong wala pa rin siya. Two days na pala ang lumipas simula noong napahiya ko si Yarah sa buong klase. After that day, hindi ko na siya muling nakita na pumasok. At kahit na hindi ko gusto ang nangyari, ako pa rin ang dapat sisihin doon dahil hindi ako nagpigil.

"Queen?" tawag ni Molly at hinaplos ang kamay ko. "Tapatin mo nga ako, nakilamay kaba kagabi?" Kaagad kong binawi ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin. Akala ko concern eh, basag trip lang pala ang bruha.

"Wala ako sa mood para makipagbiruan," walang sigla kong sagot.

Natapos ang buong klase na wala akong maintindihan. Pati nga sariling penmanship ko sa lecture notebook ay hindi ko na rin mabasa. Now I know kung bakit karamihan sa mga doktor ay hindi mabasa ang sulat. Kailangan mo kasing maghabol sa pagsusulat ng notes kaya wala ka ng oras para mag-calligraphy pa. Sanayan lang kumbaga. Besides, hindi naman pasyente ang magde-decode ng prescription kung hindi ang mga pharmacist.

"Ano ba talagang problema mo, Queen?" untag ni Molly.

Kasalukuyan kaming nasa library ngayon at nagbabasa ng ilang books na may kinalaman sa tinalakay namin kanina. I took a deep breath bago nagsalita.

"Tingin mo ba ako ang rason kung bakit hindi pumapasok si Yarah?" Bigla na lang siyang tumayo sa harap ko at tinabihan ako.

"Stop overthinking, Queen. I know there's a reason why she didn't attend the class. Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo sa nangyari." sagot niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mga sinabi niya.

"Siya nga pala, ano 'yong sasabihin mo sa 'kin?" pag-iiba ko ng usapan. Nag-text kasi siya sa 'kin kahapon at sinabing may mahalaga raw siyang sasabihin sa 'kin.

"Ahhh.. 'yon ba? Naku, wala 'yon." Pansin ko ang panginginig ng kamay niya. Nag-iwas din kaagad siya sa 'kin ng tingin.

"Molly, I knew you for so long. Kaya sige na, sabihin mo na sa 'kin," mahinahon kong sabi.

Muli niya akong tiningnan nang may pagdadalawang isip. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Sa totoo lang ay wala akong ideya sa sasabihin niya. Hindi ko rin matukoy kung bakit ako kinakabahan.

"Sigurado ka?" muli niyang tanong. "Hindi ka magagalit?"

"Hindi."

"Promise?"

"Yes, promise."

Pagkatapos naming magpinky-swear ay humarap siya sa 'kin.

"Alam mo Queen, matagal ko na talagang gustong sabihin sa'yo 'to. I'm just holding back dahil natatakot ako sa magiging reaksyon mo." Huminto siya at lumunok ng laway. "Ang totoo niyan..."

Pareho kaming nabigla nang may naglapag ng bag sa table namin. Anong ginagawa niya rito?

"Red?" tawag ko sa kanya. Nag-angat siya ng ulo at tiningnan ako ng diretso sa mata. Tagaktak ang pawis niya sa noo habang hinahabol ang kanyang paghinga.

"Anong... ginagawa mo rito?" tanong ni Molly pero hindi siya nito sinagot.

"We need to talk." Bago pa man ako makasagot ay hinila niya na agad ang kamay ko. Wala akong nagawa kung 'di ang sumunod na lamang sa kanya. Ni hindi ko na nagawang magpaalam kay Molly dahil nabigla pa rin ako sa nangyari.

BROKEN SCALPELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon