Kabanata 1

4 1 0
                                    

"Dapat kasi hindi mo nalang pinatulan! Ayan tuloy sira agad ang image mo sa kanya, malabo ka na tuloy magustuhan non' beb! Kasi naman eh!" hestirikal niyang sabi sa akin habang break time namin. Nasa Dep-ed kami ng mga ganitong oras dahil mamayang ala-una pa ang next subject namin.




Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng to! Patay na patay? Ganun? Eh napaka-yabang ng mokong na iyon! Kahit ako, hindi magkakagusto sa kanya! Kahit pa gwapo siya. Wala naman good manners and right conduct!



Bwesit siya!



"Eh siya naman ang nauna Varie! Kung hindi niya ako sinadyang banggain hindi ako magagalit ng ganoon! Eh sinadya niya eh, kung nandoon ka nga lang kanina." inis kong sabi. Baka kung nasa harapan ko lang iyong gagong iyon, nasapak ko na siguro!




"Oh siya, siya! Hayaan nalang nga natin. Baka lalo pa tayong mapasama do'n eh." iyon nalang ang tanging nasabi niya habang pareho naming sinipsip ang palamig na binili namin.




Bali-balita ko nga na nanggaling siya sa mayamang angkan. At dati rin siyang nasa Manila at doon nag-aaral. Bakit kaya dito niya naisipang mag-aral, eh kung doon naman mas maganda ang kalidad ng edukasyon? Nagrerebelde siguro iyong lalaking yun! Ugh! Bakit ko pa ba siya iniisip? Wala naman siyang kwenta!




Naghintay lang kami ng oras, at habang naghihintay ng susunod na subjects ay naglibot-libot muna kami sa mga store dito sa bayan. Naka-locate kasi ang school namin sa bayan ng Santa Cruz kaya malaya kaming makapag gala-gala kahit anong oras gustuhin namin.





Bumili ako ng mga sign pens na maaari kong gamitin sa school though kontento ako sa iisang ball pen lang. Pero kadalasan kasi may manghihiram sa akin, tapos hindi narin iuuli, kaya mas mabuting may mga reserba akong gamit. At saka mahilig ako sa sign pens kasi mahilig akong gumawa ng mga quote tapos dinidikit ko sa dingding ng kwarto ko. Pang motivation quote lang para hindi naman ako panghinaan sa buhay at iniisip na magtuloy-tuloy lang.




Nang magpasado ala-una ay bumalik kami ni Varie sa school dahil magsisimula na kami sa susunod na klase, kadalasan kasi ay pahapyaw ang oras namin sa kada araw, kaya ngayon hanggang alas-syete pa ng gabi ang uwian namin.




Buhay kolehiyo nga naman.




"Hoy! Balita ko nagkasagutan daw kayo ng bagong transferee kanina? Sobrang gwapo non' Quindoza! Anong sabi sa'yo?" bungad sa akin ni Angelo slash 'Angel' kapapasok ko palang ng room! Grabi pala talaga, nangalat agad yun? Sabagay, sa dami rin naman ng estudyanteng nakakita.




"Wala akong oras para pag-usapan ang bagay na iyon Angel, tumigil na nga kayo! Lilipas din naman iyon. Huwag niyo nalang pansinin kasi!" inis kong sambit sa kanya. Rinding-rindi na kasi ako kapapaulit-ulit ng nangyari kanina!





"Sorry naman, curious lang naman ako. Kung ayaw mo sa papa'ng yun, akin nalang. Mukhang hindi ka naman interesado." sabi niya.




"Hay naku Angel, talagang hindi ako interesado don! Iyong-iyo na yung mayabang na iyon!" pasaring kong sabi saka siya iniwasan at umupo na sa may dulo para makaiwas na sa mga katanungan nila.





Grabi-grabing kaistorbohan ang idinulot sa akin ng lalaking iyon! Nakaka-bwesit naman talaga! Baka ito na ang maging simula ng kalbaryo ko!





At hindi nga ako nagkakamali! Dahil nitong mga nakalipas na araw ay lagi na akong usap-usapan sa school, maging sa social media ay nagkaroon ako ng poser! Talaga namang ipapahamak pa ako ng mga lokong taong iyon! Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay!





Fearless (Sui Iuris Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon