Magulo
Maingay
Malungkot
Nakakapagod
Nakakahiya
Kulang
Walang kwenta
Hindi ko talaga alam kung ano na lang ang mararamdaman ko. Kadarating pa lang nila at samo't saring sermon agad ang ibabato nila sakin. Sa bagay, kahit naman nasa malayo sila may nasasabi at nasasabi pa rin naman sila tungkol sa akin. Nandito kami ngayon sa bahay ng pinsan kong si May, dumating kasi ang iba naming kamag-anak dahil dito kami magce-celebrate ng Christmas at New Year. Masaya pa mandin ako noong una kaso tila nawalan ako ng gana dahil sa mga sinasabi nila sa akin.
"Ang bata bata mo pa Lexie para sa mga ganoong bagay! Pagbo-boyfriend agad ang inaatupag mo! Second Year College ka palang ganiyan na agad ang mga pinapairal mo!" Pambungad sa akin ni Tita Alora. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang balitang nagbo-boyfriend lang ako.
"Aba Lexie, gumaya ka naman sa mga kapatid mo na maayos na ngayon ang trabaho dahil sa nag aaral sila ng mabuti ng panahon nila, eh ikaw? Ganyan nalang ba ang buhay mo? Ang Ate Jillian mo, mapo-promote na sa trabaho. Ang Ate Jen mo naman maayos ang trabaho sa Canada. Tapos ang Kuya Christ mo, nagtuturo na sa Public school. Diyos ko! mag isip-isip ka nga sa buhay mo. Mukhang sa iyo pa papalpak sina ate, kabunsuan ka pa naman". Napapailing na sambit niya sa akin. Halatang disappointed sila sa akin.
"Ang pagboboyfriend naman ay hindi masama Lexie, pero sana naman ay intindihin mo muna ang buhay ngayon. Kung ikaw ay mag-aasawa lamang ng maaga ay naku! Ewan ko nalang talaga. Papunta pa lamang kayo, pabalik na kami". Segunda naman ni Tita Lilian sa sinabi ni Tita Alora.
Hindi ako nagsasalita sa buong pagsesermon nila sa akin. Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi nila sa akin. Pumasok naman ako sa kwarto ng pinsan ko para doon maglabas ng sama ng loob.
"Nasabon ka kaagad ano?" Napabuntong hininga naman ako at sabay na humiga sa kaniyang kama.
"Sabon na sabon, ni hindi ko manlang nga napagtanggol ang sarili ko sa mga sinabi nila sa akin. Ang pinagtataka ko lang talaga eh saan nila nakuha ang balitang puro pagbo-boyfriend lang ang ginagawa ko? Hello? Kailan pa ako huling nagkaroon ng kasintahan, noong high school pa ako!" Pagrarant ko. Hindi na kasi makatarungan ang binibintang nila sa akin.
"Baka naman may spy tayong pinsan dito. Kumbaga pasipip, parang nasa school lang no'? Sina tita ang teachers" sabay halakhak.
"Spy pa nga, kung magsasabi siya ng mga kwento kayna tita siguraduhin niyang totoo, hindi yung pulos kasinungalingan lang ang sinasabi. Ni wala ngang tama sa mga binintang sa akin eh"! Napairap naman ako sa kawalan.
"Hayaan mo na, basta patunayan mo nalang sa kanila na mali sila ng iniisip. Ganoon naman talaga eh, hanggang wala ka pang napapatunayan may masasabi at masasabi parin talaga sila sayo. Mga perfectionist iyang mga iyan eh. Akala mo naman. Eh kung nauna lang tayo sa kanila baka sila din ang ganiyanin natin".
"May tama ka diyan. Papatunayan ko talaga sa kanila yun".
Bakit nga ganoon? Kung sino pa ang dapat na kauna-unahang susuporta sa iyo, sila pa yung unang magdadrag down sa'yo. Pamilya mo pa mismo ang magsasabi ng mga masasakit na salita na ibabato nila sayo. Tapos kung minsan pa, sa ibang tao mo pa matatagpuan ang lakas ng loob para makapagpatuloy ka sa mga bagay bagay.
![](https://img.wattpad.com/cover/268243766-288-k637242.jpg)
BINABASA MO ANG
Fearless (Sui Iuris Series #1)
De TodoSimpleng babaeng may pangarap sa buhay. Tahimik at matiwasay ang tanging hiling niya sa kanyang buhay. Ngunit minsan hindi maiiwasang may mga taong ibababa ka para lang hindi mo maabot ang mga pangarap mo. Lexiekel Miarra Pardilla Quindoza. Isang or...