Chapter 4

151 1 1
                                    

4

After ng dinner chuchu sa bahay nila tita tes umuwi na kaming pamilya inabot kami ng 12am. Antok na antok na nga ako tas yung kapatid ko nakatulog nalang sa sofa.

Pagkarating namen sa bahay bumanat agad nanay ko. ''Aba Sunny anong nakain mo at napasama ka sa bahay nila tes?'' hay nko di pa ba obvious.

''Paanong di makakasama ehh hinatak ako ng kupal na yun!'' Umakyat nko sa kwarto ko, inabot ako ng alas tres sa kakaisip kanina kay robyn, ang pogi nya kase bagay na bagay pa sa kanya yung buhok nyang pataas tas mala.chinitong mata :")))))

Tuesday nanaman parang kelan lang tuesday palang. Kinabukasan hindi ako pumasok, sa late na ako nkatulog eh kakaisip dun sa Kupal na yun. Ewan ko lang bat naiisip ko sya. I think crush ko na sya :3 Another crush nanaman. Dumadami na crush ko simula ng mag aral ako sa Mcmillan na yan.

Dahil nga sa hindi ako pumasok pinaglaba ako ni mama ng mga kurtina. Oh dba dapat pumasok nalang ako. Keri ko naman dahil may washing machine kame. (Naks mayaman, may washing machine hahaha) tas ayun pinag dilig ako. Mga 5pm nko nang nagdilig.

Napatingin ako sa bahay nila tita tes. May nakita akong lalaking nakaupo sa may terrace. Alam kong si Robyn yun. Malaki ang bahay nila tita tes ymkitang kita mo ang kagandahan ng bahay tas salamin ang nsa bungad, tanaw ang kanilang sala. Samantalang samen tagong tago may mga halamanan lang kami.

Okay ang daldal ko na, lunod na yung mga halaman ng nanay ko. Napalingon ulit ako Ayun wala na kanina pa naman ako nagpapasikat sa pag dilig dito.

''Huli ka.'' Biglang may kumiliti sa tyan ko.

''Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh'' Pakshett nagulat ako! Nahulog yung hawak kong tabo at nabagsak sa paa ko.

''Arayy ko!'' napayuko ako't napahawak sa kuko ko. Aray ko po.

''Epal ka-" naputol ang sasabhin ko dahil nabigla ako sa lalaking kaharap ko.

"-aaaaahhhh Jm!!!! sabay yakap ko sa kanya at hampas sa braso. Sobrang namiss ko sya.

"Grabe sunny parang walang nagbago sayo ahhh Haha- Aray!!" hinampas ko sya ng tabo. Yumabang na sya, pero super pogi nya nagbinata ng husto mukhang artista.

''Kelan ka pa nandito Jm, nakakainis ka di ka man lang nagsabi na uuwi kana, snober ka sa facebook porket gumwapo kana.'' maemote-emote ko sinabi sa kanya.

"Wuy wag ka na magtampo, ang importante nandito na ako at palagi na tayo magkakasama sobrang busy lang tlaga ako.'' Habang nagkakakwentuhan kami niyaya ko na sya papasok sa bahay kilala naman sya ng pamilya ko welcome na welcome sya sa aming bahay. Minsan dito pa sya nagutulog tabi sila ni kuya, ang laki nang pinagbago nya nagkabalbas tapos lumaki katawan ang tangkad pa.

"Hi tita!" Nagulat si mama, napatitig pa sya ng ilang segundo sa lalaking kasama ko.

"J-jm???" Lumapit samen si mama, nag paiko-ikot pa sya para tingnan mabuti si Jm.

"Opo tita." Ngiting-ngiti si jm at kumiss kay mama.

"Grabe Jm ang gwapo mo lalo ngayon, may girlfriend kana ba? Panigurado pagkakaguluhan ka sa school nyan." Si mama tlaga tsk, naghanda si mama ng makakain namen, hndi ko maiwasang tingnan si Jm. tsk ano ba tong nangyayari sken.

"Wag mo nga ako tingnan ng ganyan." Napaiwas tuloy ako ng tingin sa knya, pinaglaruan ko nalang yung kinakain ko.

"Kamusta ka Sunny? anong balita sayo hahaha, Namiss kita." Sabay yakap nya sken, arrrg bakit naiilang na ko sa knya.

"Ahh- ehh Okay lang, sa Mcmillan ako nag-aaral, ikaw san ka papasok?." 

"Edi kung nasaan ka." Ngiting-ngiti nyang sinabi.

"Talaga? Anong course?" College na sya eh mas matanda sya sken.

"Hmm baka mag culinary ako, hilig ko tlaga magluto gusto mo bukas ipagluto kita ng dinner." nabilaukan ako bigla. Maubo-ubo ako sa harapn nya inabutan nya ako ng tubig.

"Si-sige ba walang problema, basta ba masarap yun hahaha." Bakit baaaaaa parang nahihiya na ako sa knya, masyado na kase synag matured kaya siguro hndi na kmi tulad ng dati. Yung moment na kikilitiin nya ako tapos gaganti ako yung kulitan namen sa kama, tapos sisigaw kuya ko sa sobrang ingay namen, hndi na yata namen magagwa yun... nakakatakot na sya, binata sya.... dalaga ako waaaaa ano ba 'tong iniisip ko. Basta itatry ko nalang ulit yung dating kmi. 

___

Comment :)

"WANTED: BOYFRIEND"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon