Chapter 1

408 5 4
                                    

Chapter 1.

“Ang init naman. Parang kagabi lang ang sarap sarap ng tulog ko.”  Tinanggal ko yung kumot na nakapalupot sa akin at niyakap si banana. Napadilat ako at tiningnan ang electric fan.

“Sinasabi ko na nga ba ehh.” binuksan ko ulet yung electric fan. At natulog ulet.

After 30mins....

Ang init nanaman. Grrrr naiinis na ako!!!! Tumayo na ko’t iniayos ang kama ko, at bumaba na. Nakita kong naghahanda na si mama ng mga plato.

“Ma naman bakit mo pinatay yung electric fan.” inis kong sinabi sabay diretso sa banyo.

“Pinatay ko yun para bumangon ka na!” sigaw nya. Pwede namang ipagising ako sa mga kapatid ko ehhh.

“Mga anak tara na kain na tayo. Sunny! Tawagin mo na papa mo.” oh tingnan mo, ako pa yung paboritong utusan. Kumain kami habang dumadaldal ang nanay ko.

Ehemm magpapakilala lang po ako .

Ako si Sunny Faye Ramirez. Babae po ako! Ewan ko ba kung bakit May Sunny pa sa pangalan ko. I’m 17 years old. Hindi kami mayaman. 4th year high school sa school ng mga Maaarteng tao walang iba kundi sa McMillan University. Bukas na Bukas pupunta ako sa school na yun, para mag enroll.

“Sunny!! Maghugas kana!” Isa pa ‘to  utos ng utos ehh.  Yan si kuya Sean Rustin. Ganda ng pangalan nya noh? At eto pa Gwapo na mabait pa, kagagraduate nya lang sa McMillan. 23 years old na yan at love na love ko sya kahit lagi syang utos ng utos. MANA SA NANAY EHH

“Opo Kuya kong Pogi.” Sana naman mamayang gabi si Mama naman maghugas. Porket Graduate na hindi na tumutulong sa gawaing bahay tss.

~

Kinabukasan…

Nararamdaman kong mainit. Pawis na ako. Pagkamulat ko nakapatay yung Electric Fan! Ugh-eto nanaman si Mudra. Nagulat ako sa bunso kong kapatid ng biglang pumasok sa kwarto ko.

“Ate, sabi ni mama bungangon ka na daw. Pupunta ka pa daw sa school. At pag binuksan mo daw ulet yang Electric Fan wag ka na daw kumain sa baba.” hala gumaganun. Ang aga aga pa ehh. 7am palang ho! Ang oras ng gising ko is 11am. Puyat ako! 

“Oo na!! sige umalis ka na dito ang panget mo.” hinagisan ko sya ng unan.

“Mas panget ka blehhh.”sabay takbo palabas.  Aba nang aasar pa lagot ka sakin mamaya. Yan si Carly 12 years old, ang bunso namin. Ang bata bata pa ang arte arte na!

“Ma nagpadala na ba si Tita Conny?” Kapatid ng Papa ko ang nagbibigay sakin ng Allowance simula ng pumasok ako sa McMillan.

“Sa susunod na linggo pa daw sya magpapadala. Ikaw Sunny Ayusin mo pag-aaral mo, maka graduate ka sana.”seryosong sinabi ni mama.

“Ma gagraduate ako. Kelan pa ako nagloko?” Nag-aaral kaya akong mabuti simula elementary scholar na ako sa mcmillan.

“Tingnan mo nga mga grades mo, bumaba na. parang kelan lang 99-100 ang nakukuha mo  tapos ngayon 95-97 nalang.” Madami kayang kalaban!! >___<

“Mahirap maging Scholar. Tsaka nag aaral ako ng mabuti. Sige ma alis na ako.” nakakaloka naman. Bumaba nga talaga mga grades ko. Kailangan pagbutihan ko para tuloy tuloy yung scholar ko hanggang sa makapag college ako.

&quot;WANTED: BOYFRIEND&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon