Chapter 2.
Pag kauwi ko galling school. Bungungad ang nanay ko na nagtatalak nanaman, kumiss ako sa pisngi nya.
“Ma si Kuya?” tanong ko habang naghuhubad ng sapatos.
“Nasa kwarto nya. Nag aayos ng mga gamit.” agad ko namang pinuntahan si kuya. Aalis na sya papuntang Dubai tatapusin nya lang yung contrata tapos makakalipat na sya sa canada. Duon na sya mag-tatrabaho. Tinulungan sya ni tita Conny. Pag pasok ko nakita kong ayos na lahat ng gamit nya.
“Kuya!” tawag ko.
“Sunny lika nga dito!” lumapit naman ako.
“Mamimiss kita! Ikaw ahh mag aral ka ng mabuti. Wag muna mag boyfriend.” Kiniss nya ako sa.noo.
“Opo kuya!” sa pagkakasabi ko nun, tuluyan ng tumulo ang luha ko. Nakakahiya naman makikita ako ni kuya na umiiyak.
“Psh wag ka nga umiyak. Lalo kang pumapanget.” sabay yakap sakin. Natawa nalang ako sa sinabi nya.
“Kuya lagi kang mag iingat dun ahh.”halos bumagsak na ang mga luha ko.
“Syempre naman.” Bukas ng maaga na pala aalis si kuya. Kaya kailangan kong maaga ng magising para makasama ako sa paghatid. Kahit hindi na muna ako pumasok.
~
“Kuya!!” sabay yakap ko. Grabe mamimiss ko tlaga ‘tong mokong na to.
“Anak mag-iingat ka dun ahh. Mag oonline nalang kami para macontact ka.” mangiyak-ngiyak na si mama habang niyayakap si kuya.
“Opo mama." Nag group hug kaming lahat. Kumaway na si kuya pagkaalis nya pumunta na si mama at papa sa sasakyan namin na sobrang luma na, nagpaalam ako na bibili lang ng candy at sinama ko naman si Carly.
“Ate bili mo ako lollipop.” pasalamat ka may pera ako.
“Okayyy.” Pagdating namin sa isang tindahan na maliit napatingin ako sa lalaking nakatalikod. Parang kilala ko tong likod na ‘to. Pagharap nya napanganga ako sa kagwapuhan nya.
“Hi classmate!!” kinilig ako ng bongga simpleng “hi” lang pero ang lakas ng dating. Sa sobrang titig ko siniko ako ng kapatid ko. Nawala ako sa pag de-daydream ko.
“Uyyy Francis!! Anong ginagawa mo dito?” medyo maligalig kong tanong.
“Hinatid lang namin yung ate ko!!” may ate pala sya.
“Ahh ganun ba.” Nakatingin pa rin ako sa makinis at maputing mukha nya.
“Sige una na ako. May karamay pala ako kasi hindi ka rin pumasok.” natatawang sinabi nya.
“Ahhh hehehe oo nga ehh … hmmm sige!!” actually kinikilig ako. hahahaha
“Bye!!” buti hindi suplado si kuya. Di tulad ni Robyn!
“Ate!!!!!!!” nakakabinging tawag sken ng bruha kong kapatid.
“Ano ba??? Maka sigaw ka naman!!” inis kong sinabi.
“Ibili mo na ako lollipop!!. Pa cute ka pa sa classmate mo kahit di ka naman cute” sinabunutan ko kapatid ko sya Epal eh. Nawindang ako sa presyo ng lollipop ni ateng tindera 5 pesos isa. Bumili ako ng apat. So naka 20 pesos ako! Grabe langs. Pagkauwi namin lumabas muna ako para maglakad lakad. Nakakaburyo naman kasi sa bahay dinala ko na rin mp3 ko. Kaya kong mag-isa kahit san pumunta. Basta kasama ko si mp3. Nag iipon ako ng pera para makabili ng ipod poor lang kasi ako ehh :3
Sa park ako dumeretso. Habang tumutugtog mga kanta ng paramore \m/ Habang lumalakad ako at nakatingin sa mp3 ko. May nakabunggo ako. Agad kong tinanggal earphone ko.
“Ayy sorry kuya.” si Robyn pala nakabunggo ko.
“Hindi kasi tumitingin sa dinadaan!!” oh tingnan mo ang sungit pa.
“Sorry na nga ehh sungit.” sabay walk out ko. Nakakaasar ehh. Sa sobrang badtrip ko. Ayt hindi pala sobra, konti lang umupo ako sa vacant na bench. Naglaro nalang ako sa phone. Sa di inaasahan biglang umulan! Sumilong ako sa tindahan at nabasa ako, kaasar.. Mukhang mamaya pa titila yung ulan. Nakita ko si Robyn na basa na rin at sumilong din dito sa tindahan. Napatingin sya sakin, inirapan ko naman sya.
BINABASA MO ANG
"WANTED: BOYFRIEND"
Teen FictionAno kayang feeling kapag may BOYFRIEND? Yung bang umaga pa lang may text na kaagad sayo tapos mababasa mo, “Goodmorning! Gising ka na. I love you” Tapos bago ka matulog may text ulit, “Baby, goodnight. Tulog ka na ah. Sweet dreams. I love you”.