-Chapter 1-
ELLE'S POV
"ELLE MARIIIIIIIIIIIIIIIZ!" A loud scream echoed inside my room and I think I know who it is. Sya lang naman kasama ko dito sa condo eh. Pssh ang aga mambulabog.
"Hoy bruhaa wake up,malalate na tayo!" I can hear her footsteps, seems like she's walking towards my bed but I'm not planning to open my eyes and stand up 'cause I'm still sleepy. Duhh 3 am na kaya ako nakatulog. Parang kakapikit ko nga lang tapos gigisingin agad ako.
"Huyy babae bumangon kana! Alam mo ba kung anong oras na? 7:00 am naa, 7:30 start ng class natin. Gusto mo bang paliguan na kita dyan sa mahal mong bed haa? O baka gusto mong isumbong kita sa mommy mo?" Omyghassh, heto na naman ang pananakot nya.
Btw. She's Cindy, my bestfriend. But don't expect too much from her fellas 'coz hindi sya kagandahan hahaha kidding. Well, I admit Cindy's beautiful but don't tell her kasi lalaki ulo nyan kaya mas okay na pangit itawag nyo sa kanya.
"Cindy mauna kana sa school, 3 hours pa lang tulog ko. I wanna sleep so shut up, okay? First day pa lang naman, okay lang malate." I said, hoping na pagbigyan ako but the next thing she said wakes the hell out of me.
First day of school and we're grade 12 taking ABM strand at Clifford University. Yes. As you all know, Clifford University is an elite university which means it is exclusive for elite people. A place where you can encounter a lot of sosyal manamit, sosyal kumilos, sosyal manalita also known as conyo hahaha and basta maraming sosyal dun guys. (Pero huwag nyo kami idamay ni Cindy guys kasi hindi kami sosyal like them. Pinalaki kaming matino ng mga magulang namin hahaha. ) I will tell you more later kapag gising na gising na ko. Balik muna tayo sa nambubulabog kong friend kasi may sasabihin sya.
"You want me to shut up? Okay sige tatawagan ko na lang si Andrew at sasabihin kong sunduin ka nya dito" Hell nooo. Myghad. Andrew is my ex and he wants me back but I'm not planning to take him back kasi manloloka sya. And for me once a cheater, always be a cheater. And this friend of mine really knows how to scare me. I would rather wake up and go to school with my ugly friend than see Andrew. His presence irritates me the most.
Tumayo ako kaagad at tiningnan ng masama si Cindy at gusto ko syang sabunutan ng makita kong nakangisi sya.
"Bwisit ka talaga Didi, panira ka ng umaga" sabi ko at dumiretso na sa banyo para maligo. FYI guys, Didi tawag ko sa kanya at alam kong naiinis sya kapag tinatawag ko sya ng ganun.
"Hoy tigil tigilan mo nga kakatawag sakin ng Didi. Ang ganda ganda ng name ko tapos Didi tawag mo sakin! Pano kung greenminded mga readers ni Madam Elle haaa, baka iba pumasok sa isip nila! "
"Don't worry Didi, open-minded sila hindi tulad mo" and I closed the door kasi ayoko ng marinig ang sasabihin nya.
PETER'S POV
Kriiiiiiiiiiiiing Kriiiiiiiiiiing!
F*ck. Who's calling me this early? I bet it's one of those two idiots. It's too loud kaya hinanap ko agad ang phone ko only to see Nix's name.
"F*ck you Nix! Ayaw mo na ba mabuhay? Anong kelangan mo at ang aga aga mo mambwiset ha?" irita kong tanong sa kanya.
Narinig kong natawa sya.
"Peter bro easy haha. Ang aga aga high blood ka. May importante lang naman akong sasabihin sayo""Mas importante pa ba yan sa buhay mo ha?" Gusto ko na syang babaan ng telepono dahil sa nakakairita nyang boses.
"Bro kasi nasiraan ako. On the way na ko sa school eh. Sunduin mo naman ako dito, malapit lang naman to sa village nyo." Sabi nya na parang nagmamakaawa pero dahil hindi ako maawain hindi ko sya pinansin.
"Gago ka ba? Ano ako utusan mo? Si Clark tawagan mo tutal mukhang namang utusan yun." Binabaan ko sya ng phone at dumiretso na sa banyo para maligo.
Nix and Clark are my friends and we are taking ABM strand at Clifford University. Knowing Clark alam kong hindi nya sasagutin tawag ni Nix kaya I have no choice kundi daanan ang loko. Makakaganti rin ako sa gagong to sa pagsira nya sa umaga ko.
ELLE'S POV
"Let's go Didi" yaya ko sa kanya after kong mag-ayos at icheck mga school stuffs ko. Nakita kong napasimangot sya at nauna ng lumabas sa condo. Hahaha ito lang secret ko para mapatahimik sya guys.
It's already 7:20 but since walking distance lang naman from our condo to CU kaya feeling ko aabot naman kami before magstart ang first class namin. Actually may mga sarili naman kaming kotse ni Cindy pero mas gusto naming maglakad na lang. Y'know to breathe some fresh air and exercise na rin.
Cindy seems to be herself again kasi daldal na naman sya ng daldal as if naman na nakikinig ako. Mukhang nablock na ata nung eardrums ko yung pangit na boses ni Cindy kaya hindi ko na sya marinig habang nagsasalita sya. Imagine 6 years na kaming magkakilala (since grade 7) and kasama ko na sya sa condo since grade 10 so 2 years na rin akong nagtitiis sa ingay nya.
So habang naglalakad kami I saw a familiar car at napakunot noo.
"Tinutoo mo ba yung sinabi mo kanina? Tinawagan mo si Andrew?" tanong ko kay Cindy habang papalapit ang kotse sa kinatatayuan namin.
Napatigil si Cindy.
"Hindi no. Panakot ko lang yun sayo bruha."Her eyes widened ng makita ang kotseng sinasabi ko.
"Hala girl anong klaseng pang amoy meron yang ex mo? Ayaw ka talaga tigilan no?" Yeah right. Baliw na ata yan sa ganda ko. Kasalanan nya naman kung bakit kami nagbreak kaya magdusa sya. Inayos ko ang bag ko para sa plano kong pagtakbo. I counted 1,2,3 in my mind then I run bago pa ko maabutan ng kotse ni Andrew.
"MAGKITA NA LANG TAYO SA ROOM CINDYY!" I shouted and wave at her.
"Hoyy! Wait for me frieeend!" she shouted pero hindi ko na sya nilingon at tinuloy na ang pagtakas bago pa tuluyang masira ang umaga ko.
BINABASA MO ANG
Into You
RomanceAn unexpected love story between two people with different personalities and beliefs.