Chapter 3 - Fearless

38 6 4
                                    

Evorie's Point of View

Maaga akong pumunta ng school para kunti lang ang student, ayokong maulit ang nangyari kahapon. Nilagyan ko ng ointment yung mga sugat ko para madaling mawala. Sana naman tigilan na nila ako pero siguradong hindi ako magpapatalo sa kanila.

■□■□■□■□■□■□■

" Hala.. sorry po! Hindi ko po sinasadya." Paghingi ko ng patawad sa babaeng nakatapon ng juice sa uniform ko. Kahit ako ang natapunan hindi ko mapigilang humingi ng paumanhin.

"Tatanga-tanga ka kasi. Hindi mo ba ako nakita? Tingnan mo ginawa mo sa juice ko!" Naiinis niyang sigaw sa akin.

"Papalitan ko nalang po. Sorry po talaga" Maluha-luha kong sambit.

"Ang yabang mo naman! Feeling rich ka, sa maduming paraan nyo naman pala nakukuha yung pera." Malakas niyang ani. Halos lahat ng tao ay nanunuod sa nangyayari. Kumuha siya ng pagkain at itinapon sa akin.

Tuluyan akong naiyak. Hindi ko alam gagawin ko. "Hindi totoo yang sinasabi mo."

"Anong iniiyak mo? Nagpapakainosente ka? WALANG MANINIWALA SAYO." Hinawakan niya ang buhok ko nang mahigpit at tinulak ako ng malakas kaya't napaupo ako sa sahig.

Nadinig kong nagtawanan ang ibang student, "Kulang pa yan sa kanya. Ang yabang kasi."
"Her dad was arrested right because of corruption?"
"Yes, tapos pagyayabang niya pa. Gosh her face!"

Kahit nang hihina man ako pinilit kong makaalis doon, wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak.

■□■□■□■□■□■□■□■□

Naging mabilis ang morning class namin.
Break time na, pinilit ako nila Hailey at Alex na kumain sa canteen, para din daw ipakilala nila sa akin sina Thea at Yael. Nang nakahanap kami ng mauupuan ay pumila si Alex para makaorder ng pagkain. Maya-wala pa'y dumating sina Thea at Yael, kasama nila si Mr. President at dalawang lalaki.

"I'm Thea, you must be Evorie? How are you?" Mahinhing bati sa akin.

Tumango ako "Yes, I'm Evorie. Okay naman ako."

"YOU'RE SO PRETTY, kaya pala nang away itong sina Jessica. Nainggit." Ani ni Yael.

"Kapag maganda pala binubully na nila? Ang hirap naman maging maganda." Pasinghal kong pagsabi. Tumawa silang lahat sa sinabi ko.

"By the way Evorie. Si Jaze, Shawn at of course si Mr. President, Jevi mga kaibigan din namin" Pagpapakilala ni Hailey. Kumaway ang dalawang lalaki sa akin.

"Or lets say ka-ibigan nyo?!" Hirit ni Yael na agad namang sinita ni Thea. Makikita sa ngiti nung apat ang kilig nila.

Dumating si Alex dala ang pagkain tinulungan na din namin siya sa iba. Tahimik akong kumakain habang sila'y masayang nag-uusap. Puno ng kulitan at harutan.

"Next week na ang audition for each club ah, anong sasalihan niyo?" Tanong ni Jaze.

"Ako sa dance troupe sasalihan ko." Sabay inom ng juice ni Hailey.

"Ako at si Yael sa photography." Alex answered. Humabol ng sagot si Thea, "Ako sa theatre, ikaw Evorie?"

"Hindi ko pa alam." Tinuon ko muli ang atensyon sa sa pagkain.

"Sumama ka nalang sa akin sa dance troupe Evorie." Suhistyon ni Hailey. Kaagad ako umiling. "Para akong stick kapag sumasayaw."

Sabay-sabay silang humalakhak lalo na itong si Shawn. Parang anytime mawawalan ng hininga sa sobrang pagtawa. Seryoso ako sa sinabi ko bakit sila tumatawa? Totoo naman sinasabi ko.

The Strike of WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon