Chapter 6 - Teasing them

12 2 2
                                    

Jaze's Point of View

Tahimik kong pinagmamasdan ang pagsayaw ni Hailey. Bawat galaw ng katawan niya ay tugma sa musika. Dati pa man bilib ako sa galing niyang sumayaw. She's very graceful and amazing, you can feel that she is owning the stage.

"Inggit ka nuh? Hindi ka kasi ganyan ka galing sumayaw. Hindi mo ako gayahin, handsome and talented." Pagsandal si Shawn sa harap ng lamesa. Nang magsimula silang magpractice, tinulungan niya si Thea sa script nito.

"Iwas-iwasan mo nga ang pagkahambog mo Shawn. Handsome and talented? Assumero ka masyado!"

"Ang badoy ng mga pinipili mong words broh. At hindi ako nag-assume! Totoong handsome and talented ako. The reason why Thea fall inlove with me."

Muli akong tumawa at hinampas siya. "Sadyang mabait lang si Thea kaya hindi ka pa nirereject."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o maawa. Parang siyang bata na malapit ng umiyak. Niyuko niya ang ulo niya at nakahawak sa dibdib para bang nasaktan siya sa sinabi ko. Matagal siyang hindi nagsalita kaya naguilty ako.

" Hey Shawn, that was just a joke." Kalabit ko sa kanya pero hindi niya parin ako kinibo. "I was just kidding broh. Hindi totoo yung sinabi ko."

Sinulyapan niya ako. I can see the sadness in his eyes, nasaktan talaga siya sa sinabi ko?

"Paano kung totoo nga? Ayaw niya lang akong masaktan at pinapakisamahan niya lang ako?" Saglit niyang nilingon si Thea.

" No.. No.. That's not it. You know how much Thea loves you." Pagsalungat ko sa sinabi ni Shawn. Kasalanan ko to, bakit ko pa kasi sinabi yun.

"Ayokong ipigpilitan ang sarili ko sa kanya, Jaze. She deserve to be happy and be with someone who she trully love." He's getting very emotional.

"What are you saying? HOY! ANO BA PINAGSASABI MO?" Parang ngayon ko lang nakita ang isang toh na maging emotional. He's very jolly most of the time.

"Even if it hurt me bigtime. I can let her go. Mas hindi ko kakayaning malamang masaya ako habang siya ay nahihirapan." Naglakad siya papunta kay Thea.

LAGOT NA! ANO BA INIISIP NITO? Mabilis akong tumakbo para pigilan siya. Sa sobrang bilis nga ata ay natumba kami sa damuhan. Napunta sa amin ang atensyong ng lahat at nagtataka sa nangyari. Agad ko siyang hinila pabalik sa pwesto namin kanina.

"WHAT THE HELL ARE YOU SAYING SHAWN? ARE YOU INSANE? " Inis kong sabi. Nakakainis naman kasi hindi ko maintindihan bakit niya sinasabi yun? Ilang minuto siya hindi umimik.

"KALOKA! Anong eksena yang ginagawa ninyong dalawa?" Bulyaw ni Alex.

"Bet niyo ding sumali sa theatre?" Nakangising ani Yael.

Winasiwak ko yung kamay ko para sabihing huwag kaming pakialaman. Malakas na halaklak ang narinig ko. Halos matumba na si Shawn sa sobrang pagtawa niya. Tingnan mong mukong na toh, nabaliw ng tuluyan.

"KUNG NAKITA MO LANG KONG ANO ITSURA MO! GRABE YOU'RE SO FUNNY BROH! " Pinunasan niya ang luha sa mata dahil sa sobrang tawa. "I was just acting Jaze. Don't worry. Hindi ko talaga makalimutan reaksyon mo."

"You're insane! MAY PAHUGOT AT EMO KA PANG NALALAMAN! MAKAKATIKIM KA TALAGA SA AKIN!" I picked up the knife in the table and chased him. Habang tumatakbo nang iinis pa siya at tawa ng tawa.

"ANO BA?! HUWAG KAYONG MAGULO. PAEPAL KAYONG DALAWA!" Paggagalaiting bulyaw ni Alex. Kumukuha kasi sila ng picture pero dun din kami ni Shawn.

The Strike of WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon