Weekend came and I pursued my plan. Alas-tres pa lang ng madaling araw ay tumungo na ako sa Maynila kasama si Rory para sa nasabing audition. Gaganapin iyon sa isang studio sa loob ng sikat na tv network building.
"Muntik ko nang makalimutan 'tong camera ko kanina. Buti na lang naalala ko bago umalis," ani Rory habang tinatahak namin ang abalang pasilyo.
"Bakit kasi nagdala ka pa niyan?"
She looked at me with disbelief before smacking my arm. "Siyempre, magpapa-picture ako sa mga artistang makikita ko! Ulaga ka!"
Natatawa akong umiling sa sinabi niya.
"Ah basta, galingan mo sa audition ha? Kapag naging artista ka na, huwag na huwag mo 'kong kakalimutan. Gawin mo 'kong manager o kahit personal assistant mo lang."
"Paano kung ayaw ko?" I smirked.
"I-ba-bash kita! Ilalabas ko lahat ng epic pictures mo–"
"Manahimik ka! Subukan mo lang!"
She just then roared with laughter.
Mula noon, si Rory ang palaging kasama ko sa aking pag-a-audition. Siya lang naman ang may pakialam sa pangarap kong ito. Sa lahat ng tao, sa kaniya lang ako humuhugot ng lakas sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob. Ni kahit minsan ay wala akong narinig na reklamo mula sa kaniya; kahit na ilang oras siyang maghintay, abutin man kami ng pagkalam ng sikmura o umuwi man kami ng luhaan.
"Hintayin kita rito sa labas! Galingan mo, ah!" My best friend gave me a two thumbs up and so I nodded my head eagerly.
Dala ang buong tapang, lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili ay tumungo na ako sa loob ng studio. Ngunit ang lahat ng positibong damdamin na nararamdaman ko ay agad naglaho nang makita ang ilang daang magagandang babae na nagkalat sa malawak na silid.
With their physical structure, beauty and stance... I couldn't help myself from getting nervous. One look at them, you'll know they can ace the role. Malamig ang buong silid ngunit hindi nito napakalma ang naghuhurementado kong sistema. Pasimple kong pinupunasan ang butil-butil na pawis na malayang tumutulo sa aking noo. Maingay ang paligid; samu't saring boses, mahihinang tawanan at kwentuhan ang bumubuo sa silid ngunit ang bukod tanging naririnig ko lang ang malakas na tambol ng aking dibdib.
Upang libangin ang sarili, pinili ko na lang na busugin ang mga mata sa mga nakikita sa apat na sulok ng kwarto. Puti ang kulay ng dingding at kisame. Mayroong stage sa unahan at sa baba nito ay ang may kahabaang lamesa at mga upuan kung saan uupo ang mga kilalang judges.
Eventually, my body slowly loosen up as the minutes go by. Nagagawa ko nang makipag-usap sa iba pang mga babaeng kasama ko sa pila. Nang magsimula na ang audition ay doon na ako muling natahimik.
"Anong oras na ba?" tanong ng babaeng nasa likuran ko na si Brenda.
I took a glance at my wristwatch. "Mag-a-alas dos na."
Alas-otso ng umaga nang magsimula ang audition. Sa dami ng mga nagbabakasakali, matagal umuusad ang pila. Ngunit mula sa aking pakikipag-kwentuhan ay pumalakpak ang organizer, dahilan para mapabaling sa kaniya ang buong atensyon namin.
"Okay, listen! Tapos na ang audition!" The organizer shouted.
Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatayo sa sobrang gulat. "Po?! Bakit?"
At a slow pace, his eyes darted in my direction. "We already found a girl who fits the role..." he muttered as he scanned me from head to foot. "Salamat sa oras niyo, puwede na kayong umuwi."
Tumalikod na siya samantalang naiwan kaming tahimik at nakanganga, hindi pa rin ma-proseso sa utak ang sinabi ng lalaki... Ngunit sa bandang huli ay wala na kaming nagawa ni Rory kundi ang lumabas ng gusali na bagsak ang balikat.
BINABASA MO ANG
Ayaw Kitang Pilitin (Kanto Boys #1)
Roman d'amourMay mga pangarap na mahirap abutin, at may mga pangarap na kahit anong hiling at dasal ang gawin ay hindi talaga para sa atin. Para kay Javien, isa si Amora sa mga pangarap na nais niyang maabot kahit na parang imposible at sa panaginip lang maaari...