Maaga akong gumising para maligo, unang araw ko ngayun sa bago kung school. Kakagraduate ko lang ng grade 6 kaya excited akong mag grade 7. Tuwang tuwa ako habang pinag mamasdan ang sarili sa salamin. Ang ganda ng uniform ko! Bagay sakin! Sinuklay ko muna ang mahaba kong buhok sa huling pagkakataon, saka lumabas ng kwarto.
OMG! This is it! High school na ako! Buenavista National High School, here I come!
Pababa na ako ng hagdan ng makarinig ako ng ingay sa labas. Dumiretso na ako sa kusina para mag agahan. Naabutan ko naman si mommy na nag peprepare ng breakfast sa hapag.
" Good morning, mommy. " Nakangiting bati ko nito.
Hindi ko matago ang saya ko, lalo na' t first day of school.
New School.
New friends.
New crush. wews
Crush lang naman, kaya walang masama doon.
" Good morning nak, ang aga ah? Sana magtuloy-tuloy yan. "
Napanguso naman ako sa pang-aasar ni mommy. Tsk. Hindi kasi ako maka tulog kagabi, panay dilat naman kasi 'tong mata ko! Excited much lang ang peg.
" Nasaan si daddy? " Tanong ko habang hinahanap si daddy.
" Still asleep. " sagot ni mommy habang hinuhugasan ang pinag lutuan niya.
" Eh? Sino mag hahatid sa akin? Ihahatid mo ako, mommy? " Sunod sunod kong tanong.
"No. " Sagot niya. Para naman akong binagsakan ng langit at lupa. Nakatalikod siya sa 'kin kaya, humarap siya sa 'kin and give me a meaningful look in the eyes.
" We already talked about this, Avi. "
Napanguso naman ako. Paano ako mag cocommute? Hindi ko pa nagagawa yun.
Tumango nalang ako bilang sagot, bumalik na si mommy sa ginagawa niya kaya kumain nalang ako ng breakfast, kumuha pa ako ng bacon, naubos na yung nasa plato ko eh.
" Wow, ang aga naman. " Napa tigil ako ng pag subo sa kut,sara, at nilingon ang nag salita. Kahit di ko siya lingunin, kilala ko pa din siya. " Sana magtuloy-tuloy na yan 'no?" Dagdag pa nito. Tsk, si kuya Ichiro talaga.
Si kuya Ichiro Sanchez ay hindi ko kapatid. He's just my neighbor, and my only friend in this neighborhood. Hindi kasi ako lumalabas ng bahay, and him being my mom's best friend's son, palagi siyang nandito sa bahay at nag sisilbing kalaro ko.
He is older than me in 3 years, I'm 12 and his 15. Kaya ang lakas niyang mang asar sa 'kin.
Inirapan ko lang siya, ang aga-aga inaasar nila ako. Pasira na tuloy yung mood ko, ayokong masira mood ko. Baka ma bad shot pa ako sa mga new classmates ko, at di ako maapproach.
Diko nalang sila pinansin at kumain nalang ulit. Tinawan pa nila ako at panay asar pa ang ginawa nila.
Nag lakad na kami palabas ng subdivision para mag abang ng masasakyan ni kuya Ichi. First time ko sasakay ng multicab patungo sa school, kaya medyo kabado ako.
Noong elementary kasi, hatid sundo ako ni Dad. And ngayun na first year high school na ako, kaylangan ko matutong mag commute.
Maraming mga sasakyan na dumadaan sa amin kaya natatakot ako, baka kasi lumagpas sila at masagasaan kami. Ganito kasi yung mga nakikita ko sa mga movie, yung nasa gilid ka lang, tas parang aantukin yung driver ng kotse, tapos masasagasaan ka kahit nasa gilid ka lang ng kalsada. Hindi naman nakatulong yung mabibilis ang takbo ng mga kotse, lalo pa tuloy akong natakot. Kahit ano-ano pa tuloy ang naiisip ko.