Chapter 2

12 3 0
                                    

Nasa unahan ako naka pwesto ng upo, ito nalang yung pwesto na natira. Ako din kasi yung last na pumasok sa classroom, nag talo pa kasi kami ni kuya. Ayaw ko kasi pumasok sa room, naunahan ako ng hiya. Kaya sa huli pumasok pa talaga si kuya dito sa classroom dala yung bag ko para paupuin ako.

Wala din kaming masyadong ginawa, nagpakilala lang kami. Naubos din yung oras ni sir kakakwento ng kahit ano, nakinig lang ako tas minsan tatawa, dahil sa nakakatawang kwento ni Sir Ryan. English and EsP teacher namin si Sir.

" Hello everyone, I'm Diana Higaldo. And everyone calls me, Ms. Higaldo. " Pakilala ng next subject teacher namin. Siya yung math teacher namin, grabe ang ganda niya. Parang gusto ko na tuloy mag teacher.

Binati din namin siya, kinabahan naman ako slight ng magpapakilala ulit kami and this time pupunta kami sa harap. Naka upo pa lang nga ako pero, ramdam ko na ang panginginig ng tuhod ko. Panay naman ako kagat ng dila ko.

" Avrielle, ikaw na. " Nagulat naman ako ng kalabitin ako ng katabi ko na si Shirra.

Dahan dahan naman akong tumayo at nag lakad papunta sa harap, nagulat pa ako ng makita ko yung ibang kaklase ko noong elementary at ibang schoolmates. Pero marami pa talaga akong hindi kakilala. Nawala yung kaba ko slight, inisip ko nalang na yung mga kakilala ko nalang yung kinakausap ko.

Ngayun ko lang sila napansin, hindi kasi ako lumingon kanina dahil sa hiya.

Ay wow Avi, nasaan yung kapal ng mukha mo dati? Nakalimotan mo atang baonin kanina.

" H-hello everyone, I'm Avrielle Mendel. " Yun lang sinabi ko at dali daling bumalik sa upuan ko. Nakayuko lang ako habang nakikinig sa mga kaklase kung nag papakilala sa sarili.

" Hello guys, My name is Natalie Martinez. Hope we can all be friends. " Napa tingin naman ako sa harap ng marinig si Natalie. Schoolmate ko siya noong elementary, hindi pa kami nag usap. Simple lang siya manamit, maganda, mahaba ang buhok na naka pony tail, at morena. Mag kaklase pala kami. Napakurap naman ako ng ngitian niya ako ng matamis. Nginitian ko din siya pabalik, nagulat pa ako ng nasa likod ko lang pala yung pwesto niya.

Recess na kaya nagsilabasan na yung iba kung kaklase. Iilan nalang kami ang naiwan sa classroom, nag liligpit pa ako ng mga gamit ko ng kausapin ako ni Natalie.

" Hi, Avrielle. " Bati niya sa 'kin, saka ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya at nagpatuloy sa pagliligpit ng gamit. " Gusto mo sabay tayong mag recess? " Tanong niya.

Napaisip naman ako saglit at pumayag. Ok na to para may kasama ako, tas hindi na din ako mahiya. Nagulat pa ako ng bigla niyang inangkla yung kamay niya sa braso ko.

Palabas na sana kami ng classroom ng makasalubong namin si kuya Ichi. Nginitian niya ako at tiningnan si Natalie, sinuyod niya ito ng tingin at tingnan ulit ako ng naka ngiti. Weirdo.

" Let's go, " sabi ni kuya at hinawakan ang kamay ko. Sumunod lang ako, naka angkla pa din yung kamay ni Natalie sa braso ko. "What do you want to eat? " Nilingon ko naman si kuya habang pababa kami sa hagdan, agad ko naman naalala yung nakita kung stall ng kwek-kwekan.

" Kwek-kwek. " Sagot ko habang naka ngiti. Nilingon ko naman si Natalie para hindi siya ma awkward. " Ikaw Natalie? " Gulat naman siyang napa tingin sa 'kin at ngumiti.

" Kahit ano. "

Umupo naman kami doon sa tinambayan namin ni kuya kanina, ang presko talaga ng hangin dito. Tapos makikita mo din ang field dito. Si kuya na ang nag prisentang bumili ng snacks namin ni Natalie.

" Avi, pwede mag tanong? " Napalingon naman ako kay Natalie ng bigla siyang magtanong. Binaba ko muna yung hawak kung Manga ni kuya Ichi at tinangohan siya bilang sagot.

Until The End With YouWhere stories live. Discover now