Chapter 3

10 3 0
                                    

Mabilis dumaan ang mga araw at Friday na ngayon. I was just wearing a simple fitted jeans, yellow oversized sweatshirt, and a disruptor. My mom ties my hair into braids, kaya medyo masakit ang ulo ko sa higpit ng pag kakalubid. Sabay kaming pumasok ni kuya, sinundo niya ako sa bahay ng maaga. He's just wearing a simple jeans, plain black shirt, and a plain white shoes.

Nagkabati na din kami ni kuya nung mga nakaraang araw, ang pabebe niya pa, ayaw ba naman mamansin, kaya hindi ko din siya pinansin, siya lang din naman ang sumuko sa huli at naki pagbati. Parang tanga lang.

Habang nag lalakad kami papunta sa first year building, pansin ko na ang lagkit ng mga mata nila kakatingin sa 'kin. Sa 'kin nga ba? Masyado pang maaga kaya sarado pa yung mga classroom nila, kaya nasa labas yung mga estudyanteng nadadaanan namin.

Shaks, grabe sila maka tingin. Up and down.

Pasimple ko din tiningnan yung sarili ko, ok lang naman yung suot ko no? Na conscious tuloy ako sa appearance ko. Hindi ba pasok yung outfit ko?

Nang makarating, sarado pa ang classroom namin. Agad ko namang nakita si Shi kasama yung iba naming kaklase, nag kwekwentuhan sila. Natigil naman siya sa pagkukwento ng makita ako, tumakbo naman siya palapit sa 'kin at inakbayan ako.

" Good morning, Avi. " Nakangiting bati niya sa 'kin, binati ko din siya pabalik. Binalingan niya naman ng tingin si kuya Ichi at binati din ito. "Morning po kuya Ichiro. " Tinanguhan lang siya ni kuya at bumalik sa pagbabasa ng Manga.

" Sama ka sa 'kin, Avi. May napag usapan kami kanina nila Dalia. " Ani niya at dinala niya ako sa mga kakwentuhan niya kanina, naka sunod lang si kuya sa 'min habang nasa kabilang balikat niya yung bag ko at nag babasa pa rin ng Manga gamit ang isang kamay.

" Hello, Avrielle good morning. " Bati sa 'kin nung chinita ang mata. Nginitian ko siya at binati din. " Ako nga pala si Kirsten Faye Bayron. Kirsty for short. " Pakilala niya sa sarili sabay abot ng kamay. Cute. She looked like a chipmunk, specialy when she smiled at me. Parang gusto ko tuloy kurotin yung pisnge niya.

" Hello Avrielle, ako nga pala si Dalia Ruiz. " Pakilala sa akin ng isa ding chinita ang mata. Mas chinita lang talaga si Kirsty, ang lubo ng pisnge ni Dalia, pareho sila ni Kirsty. Simple lang siya tingnan, ang gaan sa mata.

" Kala niyo kayo lang?, " Singit nung isa at tinulak yung mukha ni Dalia, saka siya yung pumalit sa pwesto nito, sa harap ko. "Hello Avrielle, I'm Everly Antonio, you can call me Ev. " Ani niya na parang proud na proud sa sarili. " Friends na tayo ha? " Ngumiti lang ako at tumango.

Friends?

Ang weird no? Ngayon pa kami nagpakilala sa isa't isa, inabutan talaga kami ng friday. Medyo na iilang pa kasi ako sa ibang mga classmates ko. Apat pa sila yung na close ko nung nakaraan na araw. Si Shi, Nat, Gion, at Aidan pa ang nakakausap kung kaklase. Naging busy din ako nung nakaraang araw, dahil sa mga research. Kaya parang achievement sa 'kin na may bago nanaman akong kakilala.

Nagulat naman ako ng akbayan ako ni Ev at nginitian lang ako. Nailang naman ako slight, sana all may baon siyang kakapalan ng mukha.

Ako kasi palaging nahuhulog sa daan yung baon kung kapal na mukha, hindi ko na din mapulot kasi dirty na.

" Hoy, gurl wala ka bang plano mag pakilala? " Ani ni Ev at tinapik yung babaeng kanina pa nakatitig sa 'kin. Napakamot naman ito sa ulo niya at nahihiyang ngumiti sa 'kin.

" Hi. Ako si Shye. " Nahihiya naman siyang lumapit sa 'kin, nagdadawalang isip pa siya kung ilalahad niya yung kamay niya sa 'kin or hindi. Kaya ako nalang ang gumawa. Nahiya pa siya nung una pero inabot niya din.

Until The End With YouWhere stories live. Discover now