"Sana lang mali yung akala ko na post ni Tay tinitignan mo kaya ganyan ang mukha mo!" panunuksong sabi ni Gun habang naglalakad palapit kung saan nakaupo si New at seryosong nakatitig sa cellphone nito.
"Ano ka ba! T.H kana naman!!!" natatawang sagot naman ni New sabay pinatay ang cellphone at binitawan sa may mesa.
"Akala ko ba nakamoved on kana?" napatingin lang si New sa kaibigan matapos marinig ang sinabi nito. Ngumiti lang siya ngunit halata sa mga mata nito ang lungkot at sakit na nararamdaman. "Ano ka ba Bakla, ako lang to ohh... Si Gun na kaibigan mo! Kung may taong lubos na nakakakilala sayo bukod sa magulang mo malamang ako yon!" malambing na sabi naman ni Gun. Hindi na nagsalita si New, niyakap nalang ang kaibigan at tuluyan ng umiyak.
After a while Gun answered Off's call...
OFF: Nakatulog na siya?
GUN: Hmmm...
O: I thought wala na siyang nararamdaman kay Tay.
G: Papii they've been together for 5 years... And 5 years is not a joke!
O: Yeah I know Babe... Kung hindi sila naghiwalay 7 years na din sila kagaya natin...
G: Kasalanan yan ng bestfriend mo!!
O: Bakit si Peng ang sinisisi mo? Diba ang bestfriend mo ang may kasalanan?!
G: Pero si Tay ang nakipaghiwalay!
O: Dahil hindi siya binalikan ni New....
G: Ano pang babalikan ni Newwiee kung nakipaghiwalay na nga si Tay?!
O: Kung sumunod si New sa usapan nila ni Tay na after 1 year babalik si New edi sana hindi siya nakipaghiwalay...
G: Mahirap bang intindihin na hindi pa nga makakabalik si New that time dahil sa kumpanya nila?!
O: Mahirap din bang intindihin na hindi kaya ni Peng na malayo sa kanya si New?!
G: Eh bakit hindi siya pumunta sa US at sinundan si New?
O: Eh diba nga siya din ang nag aasikaso sa kumpanya nila dito?!
G: Oh baka naman dahil may bago na siya nung panahon na yon?!
O: Lagi nalang ba sila ang dahilan ng pag aaway natin?
G: Lagi mo kasing pinagtatanggol ang bestfriend mo na duwag at madaling sumuko!
O: Hayy nako Babe sige na... Tawag nalang ulit ako bukas para di na tayo mag away. Goodnight Babe.
G: Ewan ko sayo! Bye!
...
After Gun dropped the call because he got mad, Off texted Tay...
THE NEXT DAY...
"So kaibigan niyo din yung New na bagong dating?" nakangiting tanong ni Mook sa mga magkakaibigan na biglang nagtinginan sa isa't isa dahil sa tanong nito. "Hindi pa kasi siya nakwento sa akin ni Tay kaya natanong ko... I think hindi niyo siya masyado ka close kaya ganon?! Bago lang siya sa grupo niyo?" dagdag pa na tanong nito.
"Actually walang ibang bago dito kung hindi ikaw! Ayy male... Hindi ka pala bago coz you're not really one of us!" malditang sagot naman ni Mild. Napatahimik nalang si Mook at hindi na nakapagsalita ulit.
"Yes... Newwiee is also one of the crazy gang! Nagpunta lang siya ng US two years ago..." –Alice
"Baka hindi siya naikukwento sayo ni Tay dahil..." hindi na naituloy ni Gunsmile ang sasabihin ng bigla siyang tapikin ni Arm. "Umorder na muna tayo habang hinihintay si Newwiee?"
"Hintayin na natin siya... For sure malapit na yon! Alice tawagan mo nga..." sagot naman ni Gun. Agad naman na sinundan ni Alice ang sinabi ni Gun na tawagan si New.
ALICE: Newwiee san kana? Nandito na kaming lahat...
NEW: Malapit na... May dinaanan lang ako sa office para pirmahan.
A: Ikaw nalang ang hinihintay.
N: Heto na pababa na...
...
....
"Pababa na daw siya..." –Alice
"Tawag na ako ng waiter para makaorder..." nakangiting sabi naman ni Gunsmile.
"Gutom na gutom?!" panunuksong sabi naman ni Mild sabay nagtawanan ang mga magkakaibigan...
"Hintayin na natin si Newwiee kung pababa na din naman siya..." -Arm
"Okay..." -Gunsmile
BINABASA MO ANG
TAYNEW | DEJA VU
FanfictionA TayNew fiction story inspired by the song Déjà Vu and some lyrics from Olivia Rodrigo songs.